Kumain sa nakaw na tsokolate, tiklo

ARESTADO ANG isang 25-anyos na electrician na kumain sa isang pirasong chocolate bar na kanyang umanong inumit sa loob ng isang supermarket sa Antipolo City, Rizal.

Base sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office Director Senior Supt. Rollie Anduyan, nakita umano ng security guard ng Shopwise Supermarket nang tangayin ni Jerone Ebona, stay-in electrician sa establisyemento at residente ng Barangay San Roque, Antipolo City, ang isang P12.75 ang halaga na tsokolate  sa display area at dumiretso sa banyo ng establisimyento para kainin ang dinekwat na chocolate bar.

Sa ngayon, naghihimas na ng malaming na rehas ang suspek.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.