Kuliglig, nahulog sa bangin; 4 katao sugatan

PATULOY NA ginagamot ang apat na katao na miyembro ng isang pamilya makaraang mahulog sa kanal ang kanilang sinasakyang hand tractor o kuliglig sa Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Supt. Reynaldo Pasiwen, hepe ng PNP Tabuk, papunta sa kabayanan ang apat na miyembro ng pamilya kabilang ang isang paslit mula sa Brgy. Buyucan nang mangyari ang insidente kahapon ng madaling-araw.

Hiniling naman ng

pamilya Santos na huwag nang ilathala ang kanilang kumpletong pangalan.

Ayon sa chief of police, nawalan ng kontrol ang drayber ng hand tractor nang iwasan nito ang kasalubong na van kung kaya’t dumiretso at nahulog ito sa may 10 metrong bangin.

Wala namang naitalang namatay sa naturang aksidente habang nagtamo lamang ang mga ito ng minor injuries.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.