Kuh Ledesma, wants to retaliate about Regine’s Divas 4 Divas comment?

MAY NAGPARATING SA amin ng reaksiyon tungkol sa nauna nating isinulat dito hinggil kay Kuh Ledesma. Isang malapit na kaibigan ng pop diva ang medyo nasaktan daw sa mga naglabasang items lalo pa’t si Regine Velasquez na kasama pa ngayon sa US tour nina Kuh ang sinasabing pinanggalingan ng isyung ‘recycled gowns at tinipid na airline flight.’ “Medyo nakakaloka na ginawang isyu ang friendship nila. Kung totoo silang magkaibigan eh, bakit ganu’n ang ginawa? Tsaka sana naman, inisip din muna nilang negosyante rin si Kuh at kasama sa pagpapatakbo niya ng kanyang mga proyekto ang pagtitipid. Ano naman ang masama du’n?” Ang nakarating na reaksiyon sa Parazzi. Nakarating na raw kay Kuh ang balita at hindi nga raw nito ma-imagine na sa gitna ng kanilang mga pagtatanghal sa iba’t-ibang panig ng Amerika, may kasamahan pala sila sa trabaho na nagpakalat na pala ng negatibong isyu rito sa Pilipinas. Well, sa April 15 pa nga raw darating ang grupo at hindi raw puwedeng manahimik na lang ang kampo ng pop diva ukol dito. Hala, bakit kaya hindi na lang nila pag-usapan dun ang anumang gusot, kung meron man nga. Ganyan pa ba ang ipapasalubong nila sa atin? Sige nga, pakinggan natin… MEANWHILE, HABANG BUSY si Judy Ann Santos sa preparasyon sa kasal nila ni papa Ryan Agoncillo, bisi-bisihan din ito sa mga raket niya. Kailangan daw talagang mag-triple time ang young superstar dahil pinaghahandaan daw nito ang kanyang future role as Mrs. Agoncillo. Kilalang masinop at masipag si Juday kaya naman kinakarir nito ang bawat proyekto. Nauna na nga rito ang pag-shoot niya ng OMG (Oh MY Girl) sa Regal Films kasama si Ogie Alcasid. Ito nga ‘yung movie na sinasabing isasabay ang showing sa mismong araw ng kasal nila ni papa Ryan. Tapos ratsada din siya sa mga commercial shoot niya habang Ms. Judy Ann Santos pa siya. At kung totoo ang nabalitaan namin, tatapusin din niya this year ang Ouija 2, bilang handog ng GMA Films sa matagumpay nitong installment last year. Pero may malaking catch ang movie, baka raw si Richard Gutierrez ang maging leading man nito at siyempre pa kasama pa rin ang mga orig cast members nitong sina Iza Calzado, Rhian Ramos at Jolina Magdangal. Tapos, nakalinya pa rin sa ABS-CBN ang mga proyekto niya, kasama na du’n ang matagal na niyang natapos na ‘Narserye’ (Humiling Ka sa Langit) with Derek Ramsay at ‘yung sitcom nila ni Gladys Reyes na nag-umpisa na rin ang taping. Anytime soon nga naman after her wedding, baka maging mother na siya agad kaya’t mabuti nang maraming nakabankong mga proyekto. Iyan ang Judy Ann Santos! Showbiz Ambus by Ambet Nabus

loading...

7 thoughts on “Kuh Ledesma, wants to retaliate about Regine’s Divas 4 Divas comment?

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #48

  2. nakuh ang panget ng totoy baduy lalo na ang zorrot ni richard guttierrez nanutok pa ng baril

    regine feeling dalaga hindi bagay sa kanya ang pa twetums ha gurang na sya noh

    • how bitter your remarks naman. if i know, lagi kang nakababad sa panonood ng mga telebabad shows ng Kapuso!! D best talaga ang GMA7!!!!!!

  3. diba kuripot naman iyan si kuh anyway crisis nayon kailangan mag tipid at dito sa abroad medyo mahina iyung concert ng mga artista natin

Leave a Reply

Your email address will not be published.