Kuh Ledesma, proud na maging diva ng mga beki

Kuh-LedesmaMAAGA PALANG, naglisawan na ang mga beki, tomboy at paminta sa harap ng Smart Araneta para manood ng concert ng “One More Try: My Husband’s Lover” nina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Dennis Trillo last Saturday night. May mga balikbayang matrona bading na nakipila rin para saksihan ang most intriguing teleserye ng GMA-7 na talaga namang sinubaybayan ng madlang pipol, hindi lang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa. Box-office success ang concert ng MHL, napuno nila ang Araneta.

Malateleserye ang concept ng concert ng MHL. Sa opening number, ipakikita muna sa video wall ang ilang eksena nina Vincent, Lally at Eric bago umeksena si Kuh Ledesma on stage sa awitin niyang “One More Try” na super hit sa mga beki. Maganda naman ang kasi ang melody at lyrics nito kaya maraming mga beki ang makare-relate sa message ng song na ito ni Kuh. Wala pa ring kupas as a singer si Kuh, matindi pa rin ang kanyang boses, mala-CD  kahit live niyang inawit ang theme song ng MHL. Siya na ngayon ang Diva ng mga beki at very proud naman si Kuh.

After ng song number ni Kuh, nag-duet naman sina Tom, Carla at Dennis, medley song ang kinanta ng tatlong bida sa beki- serye. Siyempre, tilian ang mga ang mga fans lalo na super sweet on stage sina Vincent at Eric habang kumakanta, nag-i-emote si Lally habang pinapanood niya ang dalawa. Pagkatapos nilang umawit, ipa-flash on the big screen ang dramatic scene nina Vincent at Eric. Nasa stage lang si Tom, naghihintay na matapos ang video clip sa kanilang soap. Saka pa lang aawit si Tom ng love song na dedicated to Eric. After his song number, enter si Dennis, exit si Tom. Habang kumakanta ang Eric, bumaba ito on stage at lumapit sa kanyang mga fans. Kinikilig ang mga ito sa kaguwapuhan ng actor, may fan na humalik sa kanya.

Nag-dialogue si Eric on stage, “Akala ko, naka-move-on na ako, hindi pa pala.” Biglang ipinakita ang eksena nina Vincent, Carla at Eric sa video wall. After that scene, pasok naman si Carla for her solo number entitled “Kung Alam Mo Lang”. Nang patapos nang umawit si Lally, nagsalita ito, “Minahal mo nang totoo pero may mahal pala siyang iba.” Umeksena on stage sina Vincent at Eric kunwari na very much in love sa isa’t isa. Emote naman si Lally, hindi maipinta ang mukha. Selos  na selos kay Eric na pinagmamasdan ang dalawa. Isang makahulugang irap sabay alis on stage ng asawa ni Vincent.

Exit sina Tom at Dennis, pasok naman on stage ang apat na singers ng Kapuso network na sina Jonalyn Viray, Aicell Santos , Maricris at Kyla for a medley song of Barbara S. Infairness, matindi rin ang timbre ng boses ng mga ito. Naaliw kami nang mag-duet sina Kuh at Roi Vinzon, simpatiko pa rin ang magaling na actor nang umawit ito on stage. May ibubuga pala si General pagdating sa kantahan. Ang lakas ng palakpakan sa kanya ng audience kasi naman macho-guwapito pa rin ito kahit medyo may edad na. Say ni Roi, “Isang malaking karangalang paunlakan akong maka-duet ko ang isang tulad ni Kuh. Nakatataba ng puso.”

Kumanta uli si Carla then Tom and Dennis, exit si Lally, duet nina Vincent at Eric na parehong naka-pink outfit ang pang-itaas. Kumanta sila ng medley love song. Nag- contribute about MHL sina Joey de Leon through video ganu’n din sina Lorna Tolentino, Joyce Bernal, Tim Yap, Mark Bautista, Arnel Ignacio at Regine Valasquez. “Pambansang tawag ngayon ay Beh,” pabirong sabi ni Joey. Ang nakakaloka lang, biglang pasok ang commercial ng Globe sa kainitan ng concert. Para tuloy kaming nanonood ng TV sa bahay. Maging sa umpisa ng concert, ipalalabas muna on the big screen ang Globe before mag-start ang show.

Kumpleto ang casting, nagbigay ng kani-kanilang dance number sina Glydel Mercado, Karel Marquez and Chanda Romero na siyang may hatak ng titulong “My Husband’s Lover.” Naka-mujer si Kempee de Leon sa kanyang sing and dance number na ikinaaliw ng manonood. Agaw-eksena naman sina Kevin Santos at Victor Basa habang  buhat-buhat sila ng mga hunk model papuntang stage. Nag-topless sina Victor, Rodjun Cruz at Pancho Magno (son of Redgie Magno, GMA Vice President for Drama) ganu’n din ang mga model.

Disappointed ang karamihan lalo na si Dolly Ann Carvajal dahil expected namin sa finale number na magta-topless sina Tom at Dennis tulad ng ginawa nila sa Cosmopolitan show. Walang skin na nakita sa dalawa, bitin tuloy ang pantasya ng mga beki na masilayan nila ang kamachohan ng kanilang idolo. Imbes nga naman na sina Victor at Kevin ang binuhat-buhat, dapat sana ay sina Vincent at Eric. ‘Yun lang at congrats!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Kuh Ledesma, proud na maging diva ng mga beki

  1. ITONG WRITER NA TO EH ISANG PAKAWALA NG GMA. SABIHIN BA NAMAN NA NAPUNO ANG ARANETA. H MALIWANAG NA MALABO ANG MATA NITO. AT SI KUH LEDESMA, DIVA RAW NG MGA BAKLA. TANGGAP BA NG ISANG CHRISTIAN YANG MGA SINASABI NITONG WRITER?

    • In fairness more than 3/4 ng coliseum ang attendance so halos puno na rin. Definitely not flop. To think na di siya free (unlike Walang Hanggan), walang complimentary tickets na pinamigay (as per Jun Lalin), binagyo at sinabay sa UAAP Finals.

      Mas mahalaga siguro sa isang Christian ang acceptance at tolerance kesa sa bigotry.

Leave a Reply

Your email address will not be published.