Kuh Ledesma, anti-poor?!

MINSAN NA naming ipinagtanggol si Kuh Ledesma in terms of acting sa isang bekiserye ng GMA base sa obserbasyon ng marami na kumpara sa husay ng isang Chanda Romero, the diva is way behind.

To begin with, the comparison is utterly unfair between the mothers who have gay sons in the story. Dekada sitenta when Chanda was launched in Seven Stars’ Productions sa pelikulang Sa Kagubatan ng Lungsod, while Kuh began her career as a singer during the 80s.

As yawning as their respective generations ay ang nagdudumilat na katotohanang malaki ang agwat ng mga larangan nina Chanda at Kuh, and it’s pretty obvious.

Ang advantage nga lang ni Kuh over Chanda, in her own right ay kaya rin palang maging aktres ni Kuh while Chanda—we suppose—cannot be a diva herself.

‘Yun nga lang, ang disadvantage ni Kuh is that mukhang hindi lang sa larangan ng pag-arte niya gustong sumawsaw, that is, kung siya mismo ang tinutukoy sa isang blind item.

Kung nasusubaybayan n’yo ang bekiseryeng kinabibilangan ni Kuh, like her ex-general-husband (played by Roi Vinzon), ang karakter niya bilang Elaine na ina ng baklang si Vincent should be just as furious over her daughter-in-law’s step para bigyang-hustisya ang labis na pagpapahirap ng kanyang asawang si Armando sa kanilang anak.

Ayon umano sa may-akda ng bekiserye, may eksenang kinakailangan daw sampalin ni Kuh ang kanyang manugang played by Carla Abellana.

Pero nagmatigas daw si Kuh. Aniya, hindi raw gawain ng isang mula sa isang buena familia ang manampal kung galit. It’s either the rich walk away or throw whatever object in sight.

Hindi namin alam ang reference ni Kuh, sa totoong buhay ba’y sa mga taong mula sa alta sociedad lang siya nakikisalumuha to justify her downright refusal na sundin kung ano ang nasa script?

Kelan pa naging sukatan ang yaman or lack of it to vent one’s anger? Kapag nanampal ba ang isang tao, ibig bang sabihi’y salat siya sa buhay? What if that slap on one’s face is accompanied by a line, “How dare you speak to me that way?”, “purita” (as in poor) pa rin ba ang dating kesehodang sa wikang Ingles idinaan ang galit?

Isn’t Kuh Ledesma’s stand anti-poor, or socially divisive?

At hindi ba’t ang pagmamaganda to the point of pagdudunung-dunungan ni Kuh ay maliwanag na kawalan ng respeto sa mismong scriptwriter ng bekiseryeng ‘yon? So, in this case na nagpapakita lang ng kapritso ni Kuh na taliwas sa kanyang personal na paniniwala that has no general basis at all, must her stand prevail?

Naalala tuloy namin ang naging panauhin ni Boy Abunda sa kanyang The Bottomline a few Saturdays ago. Guest ni Kuya Boy si Direk Ryan Carlos na nagsasagawa ng ilang acting workshop sa mga artista ng ABS-CBN with the practical applicaton ng kanyang mga natutunan abroad.

Sa panayam kay Direk Ryan—admittedly sad as it may seem—marami raw sa ating mga artista ang nambabalewala sa script. Hungkag daw ang appreciation nila para rito, hence, the effect is a bara-bara acting.

Dagdag ni Direk Ryan, mataas ang kanyang respeto sa mga manunulat on whose creative task rests ang kaluluwa ng mismong materyal para magkaroon ito ng anyo’t hugis pagdating sa interpretasyon ng direktor.

Relating it to Kuh’s quirky attitude, kunsabagay, she’s more loyal to the lyrics of her song than to the demands of her role.

No wonder, Kuh earns the IRKS for her QUIRKS.

 

UNSOLICITED ADVICE sa produksiyon ng The Buzz, why does it not get the hosting services of Joey Mead? After all, mahusay naman ang model ding si Joey.

Startalk has Joey de Leon;  ang katapat nitong programa has Joey Marquez;  at ang malapit nang umereng Showbiz Police sa TV5 has Joey Reyes.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

25 thoughts on “Kuh Ledesma, anti-poor?!

  1. KAWAWA NAMAN KAYU MGA BLIND FOLLOWER NG GMA. KAHIT YUNG DIRECTOR NG SERYE NYU BOBO. EAXMPLE. YUNG SAMPALAN NG CHARACTERS NUNG BADING AT NUNG ASAWA SA GILID NG USV. THE SHOT IS ON THE OTHER SIDE OF THE CAR WHERE THE CHARACTERS ARE SEEN THRU SIDE WINDOWS. DISTANCE IS OBVIOUSLY FAR AND NOT WITHIN SLAPPING DISTANCE BETWEEN. SO, HOW THE HELL COULD THE WIFE SLAP THE OTHER CHARACTER, WITH MATCHING NAHULOG PA YUNG EYEGLASSES. HAHAHAHAHA, NAGING LASTIKWOMAN BIGLA SIGURO. 

  2. Tanga ka nga Troy ba name mo o gawa gawa mo lang .. Si Vilma Santos at Joey Reyes ma fo force mo yang mga yan? Di mo madidiktahan yang mga yan… mga alamat na sila ng industriya… sa sinabi mo ur just insulting their intelligence… kungsabagay ikaw lang naman yan eh sino ka ba naman… nobody .. it hurts but it’s true hehehe…..

    • ANG LAKAS NG LOOB MO TO CLAIM “MATALINO LANG”. DI KA KAYA KINALABUTAN? EH BY JUST BEING A FOLLOWER OF THAT BLAND STARLET EH PROVEN NA ANG PAGIGING UTO-UTO AT HALATANG DI GINAGAMIT ANG UTAK MO, KUNG MERON KA NUN…

  3. ABA, ABA, ABA…HONGTARAY NAMAN NI MISS KUH! AYAW MANAMPAL DAHIL DI RAW NANANAMPAL ANG MGA RICH. HAHAHAHA. NALOWKA AKETCH! TOTOO NAMAN NA WANTING ANG ACTING NI MISS KUH SA BEKISERYE. PATI PAG-DELIVER NYA NG LINES, PARANG BINABASA. MINSAN, NAGPO-PAUSE NA PARANG NAKAKALIMOT. BUT IN FERNEZ, OVERALL, PASABLE NA NAMAN SYA. AT WAG NANG I-COMPARE KAY MISS CHANDA HA. MALAYO, MGA TEH. SI MISS CHANDA EH MAY INNATE TALENT YAN SA ACTING AT HINASA YAN NINA BROCKA, PORTES, ZIALCITA AT BERNAL. SO, WAG NANG I-COMPARE ANG DALAWA DAHIL PAREHONG UNFAIR SA KANILA. DEVAH NAMAN?

    PERO TEKA, DATI, WALANG PALTOS ANG PANONOOD KO NG BEKISERYE NA YAN. LATELY, PARANG PUMAPANGIT. TAPOS, DI RIN PALA NAKAIWAS SA “TELESERYE SYNDROME” ITONG BEKISERYE NA ITECH DAHIL MAY KIDNAPAN PA RING NANGYARI. HAHAHAHA. OH WELL, A TELESERYE IS A TELESERYE. TOMOH?

    • NIRE-RELATE LANG NI KUH SA TRUE TO LIFE YONG SITUATION–NA ANG MGA BUENA FAMILIA NA RICH AT ALTO SOCIEDAD WALANG SAMPALAN. PERO, DAHIL NGA SA IBA-IBA ANG DEMOGRAPHICS NG NANONOOD, INIAAKMA NG WRITER SA MAS MARAMING NAKAKA RELATE NA MANONOOD. KINO KOREK LANG NI KUH NA HINDI NANGYAYARI ITO, ORDINARILY, SA URBANE HIGH SOCIETY FAMILY.

  4. I think the actors need to follow what’s on the script para mas efective ang storyline….Kuh Ledesma was wrong! In the movie “On Golden Pond” sinampal ni Katherine Hepburn si Jane Fonda (na anak nya sa movie) kasi Jane said something bad about Henry Fonda who was Katherine’s husband and Jane’s father in the movie..Mayaman sila! They followed the script and both actresses were very good. Siyempre naman mas magaling si Chanda Romero kaysa Kay Kuh Ledesma sa acting.. sa singing naman of course si Kuh… Elizabeth Oropesa could have been a choice for the role of Elaine.

    • ABA, LIKE NA LIKE KO YANG “ON GOLDEN POND.” PERO DI MO RIN NAMAN PWEDENG I-COMPARE ANG HOLLYWOOD MOVIES SA PINOY MOVIES. MAGKAIBA KASI ANG CULTURE NG DALAWA. DITO SA ATIN, ANG SAMPALAN EH KALIWA’T KANAN AT PALASAK SA TV AT MOVIES. ACTUALLY, MAS PHYSICAL ANG CONFRONTATION METHOD NATING MGA PINOY COMPARED SA MGA AMERICANS. ANG MGA KANO, MOST OF THE TIME, THEY REMAIN COMPOSED KAHIT INIS NA INIS NA. MAS MABUNGANGA O VERBAL DIN TAYO PAGDATING SA CONFRONTATIONS. PERO ELIZABETH OROPESA SA ROLE NI “ELAINE?” I DOUBT. TAMANG TAMA LANG SI KUH DAHIL SA DIVA-ISH IMAGE NYA. PWEDE PA SIGURO SI ELIZABETH SA ROLE NI GLYDEL. DEVAH?

  5. Mga kapamilyucks talaga nagkokomento na naman … puro mali naman… Mismong si JOEY REYES na isang A-list director ang nagsabing Carla Abellana is proving that she’s a great actor in My Husband’s Lover… and even Vilma Santos commented that Carla will be one of the most important actors in the next 10 years… yung mga nagcocoment dyan na kunyari may alam sila sa acting eh magbenta na lang kayo ng luya sa balintawak meron pa kayong pambibili ng isang kilong bigas.. alam ko naman na mga purita rin kayo tulad ko…

    • carla abellana will be one of the most important actors in the next 10 years….the personalities you mentioned were just forced to say something good…idilat mo mata mo para makita mo ang totoo.

      • Eh ano bang standard nyo sa GAYBS? hysterical acting ni Kim Achuchu? yan ba ang height nyo ng world class acting? ahh…

      • HAHAHA. THESE PEOPLE WERE FORCED,  POKED WITH A KNIFE OR A GUN JUST TO SAY SOMETHING GOOD? LIKE THESE PEOPLE CANNOT  DETERMINE A GOOD ACTING HAVING BEEN IN THE BUSINESS FOR A LONG TIME? 

  6. my husband’s lover has an interesting plot but sad to say most of the artists are portraying their roles blandly. una na rito si kuh ledesma at yung asawa nya na si roi vinzon. carla abellana is not making justice to her role, kulang sa emotions yung mukha nya. but actors playing bisexual and homos are rather impressive. workshops please.

    • Agree ako sa yo Troy, walang kalatoy-latoy umarte si Carla Abellana….Para sa akin eh very unrealistic ang emotions ni Carla dahil kung sa totoong buhay ito nangyari, sigurado akong magwawala si babae o kaya naman eh mawawalan na sya ng gana sa asawa niya sa oras na matuklasan niyang ang pinakasalan niya ay isang bakla at nangangabit pa. Workshop, workshop, workshop pa Carla.

      • Hindi rin. You cant say that carla’s reaction to the situation is unrealistic dahil hinDi lahat ng tao pare parehas ang magiging reaction pag dating sa baklang asawa.

    • Carla Abellana need to feel her lines before she delivers them…parang nagmemorize lang sya ng sasabihin without feeling them kaya tuloy ang labas shallow acting… sayang! she’s more conscious sa looks nya rather than her acting same with Kuh Ledesma…!

Leave a Reply

Your email address will not be published.