Kudeta vs JPE, kasado na – Trillanes

KASADO NA ang kudeta o ang planong patalsikin bilang Senate President si Juan Ponce-Enrile.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, sa muling pagbubukas ng Senado nga-yong araw, itutulak na ang planong palitan ang liderato sa Senado lalo’t marami na aniyang mambabatas ang umaayaw sa pangulo ng Senado.

Sinabi pa ni Trillanes na desisyon na lang ng Liberal Party ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang hinihintay para ito maisakatuparan.

Pero sa mga pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dumistansiya ito sa planong kudeta ni Trillanes.

Aniya, nananatiling maganda ang relasyon sa pagitan nina Enrile at Pa-ngulong Aquino.

Ito’y kahit kabilang ang dalawang pinuno ng sangay ng gobyerno sa nag-uumpugang koalisyon sa dara-ting na halalan.

Si Enrile ay isa sa mga lider ng United Nationalist Alliance (UNA) na may sariling senatorial ticket na makakalaban ng mga kandidato ng administrasyon na inaasahang ieendorso ng Pangulo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.