KTV bar na front ng prostitution, ipinasara

 

RIZAL – TULUYAN NANG ipinasara ang KTV bar na itinuturong front ng prostitution kamakalawa ng gabi sa utos ng pamahalaang bayan ng Cainta matapos na mapatunayang lumalabag ito sa batas.

Ayon kay Cainta chief of Police P/Supt. Emmanuel Bautista, dakong alas-10:30 ng gabi nang i-padlock ang Champagne Disco Bar and Restaurant na matatagpuan sa Ortigas Avenue Ext., Brgy. San Juan ng nasabing bayan.

Nabatid na ang operasyon ay pinangunahan ni City Administrator Atty. Crispino Pablo, DSWD, MPSO, BFP, Office of the Mayor at Cainta PNP.

Ayon pa kay Supt. Bautista, unang sinalakay ng Cainta PNP ang nasabing KTV bar noong April 30, 2011 matapos na lumabas sa “Remate Expose” ang malalaswang pa-labas sa loob ng nasabing establisimyento.

Sa nasabing raid, nasakote ang 18 katao kabilang ang dancer na nagsasayaw nang hubo’t hubad sa entablado.

Nabatid pa na hindi mapaghihinalaang front ng prostitution ang nasabing gusali dahil ang unang palapag nito ay isang class na restaurant kung saan ang specialty ay bulalo.

“Nahirapan kaming madale ‘yan, kasi front nga, eh! Class na restaurant ,nasa loob pala ang bar at mga nagsasayaw,” ani Supt. Bautista.

Inirekomenda rin ni Bautista kay Cainta Mayor Ramon Ilagan ang permanenteng pagpapasara sa nasabing establisimyento. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.