Kritiko ni GMA, OK sa house arrest

ISA SA mga kritiko ni dating Pangulo at ngayon ay Pampamga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na si retired Catholic archbishop Oscar Cruz ang nakiisa na rin sa panawagan para sa “house arrest” nito.

Iginiit ng dating arsobispo na hindi na makaaalis ng Pilipinas ang dating pangulo at wala na itong paraan para matakasan ang kinakaharap na kaso, kung kaya’t dapat lamang na pagbigyan ang apela nito na mapasailalim na lamang sa house arrest.

“Hindi naman ito makaaalis. Iba ang prosecution sa persecution,” pahayag ni Cruz.

Ang kongresista ay kasalukuyang nakadetine sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City matapos itong madakip noong noong 2011 sa kasong electoral sabotage.

Maliban dito, nahaharap din ang dating pangulo sa hiwalay na kasong plunder.

Magugunita na sa ilalim ng administrasyon nito, isa si Cruz sa bumabatikos dito dahil sa pamamayagpag umano ng Jueteng.

“Unfair naman na isisi sa kanya ang lahat ng kahirapan dito sa Pilipinas,” dagdag pa ni Cruz.

Samantala, sa kanyang pagbisita kay CGMA sa pagamutan noong Sabado, sinabi ni Atty. Raul Lambino, chief of staff ng dating Pangulo, na nag-alay umano ng rosaryo si Cruz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.