Kristoffer Martin, no way sa torrid kissing scene sa kapwa lalaki

Kristoffer-MartinWILLING DAW gumanap na bading, mapa-telebisyon o pelikula, ang award-winning GMA teen actor na si Kristoffer Martin katulad na lang ng mahusay niyang pagganap bilang lalaki na naging bading na bading sa Magpakailanman episode last Saturday na “Siga Noon, Beki na Ngayon: The Christopher Aguinaldo Story”. Pero hindi pa raw nito kaya ang makipaghalikan sa kapwa niya lalaki.

Awkward nga raw para kay Kristoffer ang makita raw ang kanyang sarili na nakikipaghalikan sa kanyang kapwa artistang lalaki lalo na raw kung kaibigan niya ang makakaeksena niya rito. Hindi naman daw sa ayaw niya itong gawin, pero sa ngayon daw ay hindi pa niya ma-imagine na gagawin niya ‘yun.

Siguro raw, may tamang panahon para gawin ‘yun, ‘pag handa na raw siya at kaya na niya. Sa ngayon daw, ang pag-arte at pagdadamit-babae pa lang daw ang kaya niyang gawin. Okey lang daw ang beso-beso o magkatabi sa kamang eksena, ‘wag lang daw ‘yung todo-todo na may torrid kissing scene o mas grabe pa du’n.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.