Kristoffer Martin, nagpaganda ng katawan para sa Bora

Kristoffer-MartinBOUND TO Boracay ngayong summer ang Kapuso Tweenstar na si Kristoffer Martin kasama ang kanyang non-showbiz friends at mga kaklase sa San Beda College Manila. Pero bago raw magtungo ng Boracay, sa pamilya naman niya sa Olongapo ito magma-Mahal na Araw.

Kuwento nga nito sa katatapos na  1st Teen Choice Award Philippines na ginanap sa AFP Theater last April 3, “‘Pag Holy Week kasi, nasa Olongapo lang kami, magkakasama kaming nagsisimba at nagdarasal. Pero for summer vacation, may plano na kami ng mga kaibigan ko, bale magbo-Boracay kami. Bale mga non-showbiz friend ko, mga classmates ko sa San Beda… kasi nagkayayaan. Kaya before mag-school break, nag-usap-usap na kami kung saan kami pupunta.”

Naikuwento rin ni Kristoffer na nagpaganda siya ng katawan dahil summer .

“Nagpapayat kasi ako lalo, eh. Du’n sa Paraiso Ko’y Ikaw kasi, medyo may mga taba-taba pa ako. Pero ngayon, nagpapayat ako nang sagad. Mas pinaganda ko ang katawan ko, lalo na’t summer na at uso na naman ang pagpunta ng mga beach at kailangang naka-sando ka o naka-topless.

“Tsaka parang tone lang, ayoko kasi ng sobrang laki ng katawan eh, slim lang! Para naman ‘pag nakita ka nilang naka-topless magandang katawan ang makikita nila.

“Kaya nga kahit busy sa tapings at guestings at sa school, naglalaan talaga ako ng oras para mag-gym,” pagtatapos ni Kristoffer.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Kristoffer Martin, nagpaganda ng katawan para sa Bora

Leave a Reply

Your email address will not be published.