Kristoffer Martin & Julie Anne San Jose: Music in my Heart!

Kristoffer-Martin-Julie-Anne-San-JoseKRISTOFFER MARTIN
Real Name: Kristofer Martin R. Dangculos
Birthdate: November 20, 1994
Zodiac Sign: Scorpio

JULIE ANNE SAN JOSE
Real Name: Julie Anne Peñaflorida San Jose
Birthdate: May 17, 1994
Zodiac Sign: Taurus

KRISLIE. ITO ang bagong tambalang kinahuhumalingan ngayon ng Kapuso viewers. Sina Kristoffer Martin at Julie Anne San Jose ang isa sa mga pares na nagpapakilig ngayon sa GMA Telebabad via ‘Kahit Nasaan Ka Man’. First time magsama sa isang proyektong ang dalawang teen stars ng Siyete. Nagkaroon man ng duda ang ilan dahil hindi si Elmo Magalona ang kasama ni Mareng Japs, ang ratings na mismo ang magpapatunay na hindi nagkamali ang GMA-7 na pagtambalin sila. Maliban sa magaling silang kumanta, may ibubuga rin sila sa aktingan!
Love and Music go together. Kung sakali kaya ay may pag-asang makagawa ng magandang love song ang ‘KrisLie’ sa totoong buhay?
Malakas ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Taurus. Medyo challenge lang para sa dalawa in terms of intellectual level dahil magkaiba sila ng istilo sa pakikipag-usap. Kung malagpasan nila ito, masasabi na ang love match nila ang isa sa pinakamagandang tambalan sa zodiac in terms of compatibility. Pareho silang may pagka-possessive, pero mas seloso ang Scorpio. Magde-demand ito ng bonggang emotional attachment sa Taurus, na maaaring pagsimulan ng ‘di pagkakaintindihan.
Sa totoo lang, parehong matigas ang ulo ng dalawa, huh! Trip nila na sila palagi ang nasusunod. Dahil dito, kailangan nilang matutong mag-compromise sa isa’t isa. Kung minsan ay hirap nilang i-express ang kanilang nararamdaman kaya napu-frustrate sila. Kahit natural sa magdyowa na minsa’y may duda sa ka-partner, wala naman talagang totoong isyu na dapat pag-awayan (unless gusto lang nilang magpapansin!). Pareho silang loyal at basta magkaroon sila ng personal space from time to time, ang relasyong ito ay maghi-hit ng jackpot! Wow!
Kung ang babaeng Taurus ay nag-iisip na makipag-relasyon sa isang Scorpio, kailangan nitong maghanda. Tulad ng nabanggit ko kanina, may pagka-stubborn ang dalawang ito kaya kailangan nilang magbigay ng espasyo at lawakan ang pang-uunawa. Kung matutunan nilang respetuhin ang kanilang differences at suportahan ang kani-kanilang passion, bonggang romance ang ending nito!
Uyyyy…. May tsansa naman pala talaga ang KrisLie! Parang magandang love song lang, ‘di ba? Kilig!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

5 thoughts on “Kristoffer Martin & Julie Anne San Jose: Music in my Heart!

  1. i love kahit nasaan ka man bagay po kayo ni idol julie
    sayang lang 1 week na lang po sana magkatuluyan po kayo sa ending

  2. They’re both good at acting. Talo nila yung ibang actors na matagal na sa business. Kris is sooo cute. Crush q na siya. ;) julie ann’s voice is superb and shes pretty in her own way. They have chemistry. Im glad GMA teamed them up. I never liked Elmo. He looks abnoy. Lol

  3. i watched their tv series Kahit Nasan Ka man and i found out that they had chemistry..kilig much.. actually dko gaano nappansin c julie anne dati pero i heard her song, I’ll be there ang ganda pala ng boses nya nagustuhan kna sya tapos dati ko na nppansin c kristopher may dating na sya dati pa..and then nung pair sila nagulat ko may chemistry pala.. congrats to GM! sana magkaroon pa sila ng project together.. movie sana para mapanood ko..

  4. Pingback: Kristoffer Martin & Julie Anne San Jose: Music in my Heart! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.