Kristoffer Martin, itinangging nagkabalikan sila ni Joyce Ching

Kristoffer-MartinMARIING PINABULAANAN ni Kristoffer Martin na nagkabalikan na sila ni Joyce Ching. Tsika nga ng mahusay na young actor na nananatili pa rin silang magkaibigan ni Joyce at nag-uusap pa rin sila, pero bilang magkaibigan na lang daw.

Zero pa rin ang kanyang lovelife, hindi naman daw siya naghahanap lalo na’t nalalapit na ang Valentine’s Day. Pag-aaral at pag-aartista raw muna ang gusto niyang pagtuunan ng panahon at tsaka na ang pakikipagrelasyon.

Sa ngayon daw ay busy ito sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw at sa kanyang pag-aaral, at sa promotion ng Basement kung saan isa siya sa bida sa nasabing pelikula. Bukod dito ay abala rin siya sa kanyang pagdyi-gym at training sa swimming.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Kristoffer Martin, itinangging nagkabalikan sila ni Joyce Ching

Leave a Reply

Your email address will not be published.