Kristoffer Martin, itinangging ayaw nang makapareha si Diva Montelaba

WALA RAW katotohanan na ayaw nang makapareha sa telebisyon o pelikula ng mahusay na teen actor na si Kristoffer Martin ang GMA Artist na si Diva Montelava, ayon na rin sa mga nasusulat.

Ayon kay Kristoffer, wala raw siyang sinasabing ganoon. Wala naman daw issue sa kanila ni Diva at okey naman daw ang working relationship nila. Kaya naman daw nagulat siya nang may nagsabi sa kanya na kung totoo ba na ayaw na niyang makatrabaho ang teen actress.

Dagdag pa ni Kristoffer, wala siya sa posisyon na mamili ng katrabaho. Kahit sino raw ay gusto niyang makatrabaho dahil alam niyang sa mga bagong artistang makakatrabaho niya ay may matututunan siya pagdating sa pag-arte at madadagdagan ang kanyang kaibigan sa industriya.

Minsan na raw niyang nakatrabaho si Diva at gusto niya ulit na makatrabaho ito dahil bukod daw sa mahusay na artista si Diva ay mabait pa ito. Kaya naman daw kung sino ang nagkakalat na ayaw na niya itong katrabaho ay wala itong katotohanan.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.