Kristoffer Martin, inaabangan na ng kabadingan ang paghuhubad sa serye

Kristoffer-MartinMARAMI NA ang nag-aabang ng hubad na katawan ni Kristoffer Martin sa kanyang newest soap sa GMA 7, ang Paraiso Ko’y Ikaw, kung saan makakasama nito ang may mala-anghel na mukha at magandang kurba ng katawan at talaga namang aabangan din ng mga kalalakihan ang kanyang mga wet scene na si Kim Rodriguez.

Sigaw nga ng mga kabaklaan at kababaihan na perfect choice daw si Kristoffer bilang lead actor sa serye, dahil bukod sa mulatong kulay nito, magandang hubog ng katawan dahil swimmer ito ay may kakayahan pa itong umarte dahil na rin sa mga tropeyong napanalunan nito sa ilang award-giving bodies here and abroad.

Tanong lang ng mga kabadingan, may mga wet scene din daw ba si Kristoffer? Dahil nga pareho silang nasa isla ni Kim, ito raw ang kanilang aabangan, ‘yung eksenang basang-basa ang buong katawan ni Kristoffer na naka-topless lang .

Dagdag pa nga ng mga kabadingan, mas maganda nga raw kung nakabahag lang si Kristoffer bilang taga-isla at’ yun lamang ang tanging saplot sa katawan. Paniguradong magiging trending ito everyday at susuportahan at tututukan ng mga kabaklaan sa buong Pilipinas at sa buong mundo na may Pinoy TV. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Kristoffer Martin, inaabangan na ng kabadingan ang paghuhubad sa serye

Leave a Reply

Your email address will not be published.