Kristoffer Martin, ‘di pa raw kayang makipaghalikan sa kapwa lalaki

Kristoffer-MartinNATAWA NA lang ang magaling na actor na si Kristoffer Martin nang makarating sa kanya ang naging pahayag ni Derrick Monasterio na willing itong gumawa ng isang proyekto, mapa-TV man o pelikula, na may maiinit na eksena sa kapwa lalaki, kung siya mismo na bestfriend nito ang makakapareha ni Derrick.

Tsika nga ni Kristoffer, baka raw biro lang ni Derrick ‘yun. Alam naman daw nitong palabiro si Derrick. Pero if ever nga raw na totoo ang tinuran ng kanyang bestfriend, nirerespeto naman daw niya ang naging pahayag nito.

Pero kung siya raw ang tatanungin, masyadong maaga pa raw bago niya gawin ang ganu’ng klaseng proyekto. Hindi naman daw sa ayaw niyang gawin, pero may tamang panahon daw para roon lalo na’t 18 years old pa lang siya.

‘Pag mga 20 years old na raw siya pataas, baka raw sakaling magawa na niya ito, para na rin ipakita niya ang maturity at versatility bilang actor. If ever nga raw, kaya na rin niyang gawin ‘yun, wala naman daw problema kung si Derrick din ang makapareha niya, lalo na’t ito ang itinuturing na bestfriend sa industriya.

 

MARAMING NAKAPAPANSIN na bagay na bagay raw ang mga Kapuso Tweens na sina Teejay Marquez at Thea Tolentino base na rin sa litrato ng mga ito na magkasama sa Instagram ni Teejay Marquez na kuha sa show nila sa Ozamis para sa Kapuso regional show.

Minsan na rin daw ngang nasubukan ang pagiging click ng mga ito nang mag tambal sa defunct show na Anna Karenina, kung saan lumabas silang magka-loveteam na kinalugdan ng mga manonood at kinakitaan ng potensyal.

Marami nga nga ang nag aabang na magkasama muli ang dalawa, dahil bukod sa may dalang kilig ang pagsasama ng mga ito, pareho pa silang nakaaarte at nagtutulungan sa bawat eksena na magkasama sila.

 

NAKTAKDANG LIBUTIN ng grupong Level Up Voyz na kinabibilangan nina Lanz, JC, Shiro, Stephen, Kim at Josh ang Star Mall mula sa matagumpay na katatapos nilang show last Oct. 13 sa Star Mall Edsa at sa Nov. 10 sa Starmall San Jose Bulacan, Nov. 17 sa Star Mall Las Piñas, at Nov. 24 sa Star Mall Alabang.

Magiging espesyal na panauhin ng Level Up Voyz ang grupong Jr. Full Force Crew na kinabibilangan naman nina Lance, JM, Ali, Yosh, Rafael, JB at King John na pambatong mananayaw ng Domincan School Manila.

Bukod sa Jr. Full Force Crew, makakasama din ng Level Up ang Fil/Japanese singer/actor na si Ryu Morikawa na kahit na may dugong hapon ay Pinoy na Pinoy sa puso at matatas mag-Tagalog.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Kristoffer Martin, ‘di pa raw kayang makipaghalikan sa kapwa lalaki

Leave a Reply

Your email address will not be published.