Kristoffer Martin, ‘di naiilang ibalandra ang katawan

Kristoffer-Martin“NAGPAPAPAYAT KASI ako lalo, eh. Du’n sa Paraiso Ko’y Ikaw kasi, medyo may mga taba-taba pa ako. Pero ngayon nagpapayat ako nang sagad. Mas pinaganda ko ang katawan ko, lalo na’t summer na at uso na naman ang pagpunta ng beaches at kailangang naka-sando ka o naka-topless.

“’Tsaka para toned lang, ayoko kasi ng sobrang laki ng katawan, eh. Slim lang. Para naman ‘pag nakita ka nilang naka-topless, magandang katawan ang makikita nila.”

Seryoso ang young actor na maging fit ang katawan kaya kasama sa schedule niya ang pagwo-workout.

“Kaya nga kahit busy sa tapings at guestings at sa school, naglalaan talaga ako ng oras para mag-gym.”

Dagdag pa nito, hindi naman daw siya naiilang kapag may nakatingin at nagsasabing maganda ang kanyang katawan .

“Okay lang naman, wala naman akong magagawa kung gusto nilang tingnan ‘yung katawan ko kapag nasa beach ako at naka-topless. Choice nila ‘yun, at least nakapagpasaya ako ng tao. Hahaha! Kaya nga dapat lagi na lang akong nakahubad para may mga taong sasaya. Hahaha! Joke lang.

“Marami ngang mga babae at bading na nagsasabi sa akin na maganda ‘yung katawan ko. ‘Yung iba naman, sinasabing ‘delicious’ daw ako. Haha! Feeling ko nga, pagkain lang ako. Haha!” Pagtatapos ng Kapuso teen star.

 

HINDI NA talaga namin mapalalagpas pa ang trip ng isa sa nagpi-feeling powerful sa show ng Walang Tulugan with the Master Showman na si Vera Something na kung makasigaw at makapanino ng baguhang artist ay ganu’n-ganu’n na lang.

Saksi kami kung papano nito i-treat ang mga baguhang artist na regular sa said show ni Kuya Germs. Nandyang kahi’t naka-line up sa meeting ang production ng isang baguhang artist, babarilin niya at palalabasing hindi naka line-up.

Hindi namin maintindihan kung nakikinig ba siya during meeting dahil naroon naman ang kanyang presensiya o nandoon siya pero lumilipad ang kanyang isipan kaya wala siyang naaalalang pinagmitingan.

Feeling yata nito ay siya ang producer ng show at kung ano ang kanyang maisip ay ‘yun ang kanyang gagawin. Samantalang ang tunay na producer nito na si Kuya Germs Moreno ay very down to earth at nagbibigay ng espasyo sa mga baguhan.

Minsan nga feeling namin, nababastos na nito si Kuya Germs dahil mas gusto pa yata niyang masunod kaysa sa Master Showman, para lang maipagpilitan ang gusto niya. ‘Wag siyang masyadong makampati dahil marami pa akong pasabog na ilalabas tungkol sa kanya at sa kanyang mga laos na alaga.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Kristoffer Martin, ‘di naiilang ibalandra ang katawan

  1. putang ina mo KrisTD, wala akong pakialam sa mga kagagahan mo at kung anu-anong katangahan ang pinagpo-post mo dito sa parazzi, pero NEVER call my attention at ipa-fuck you mo pa ako na PUTANG INA MO! Kayo ng NANAY MO, magpa-FUCK kayo sa asong gala, PUTANG INA MO, hayop ka sa pinaka mababang hayop…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.