Kristoffer Martin at Joyce Ching, walang ilangan sa muling pagsasama sa soap kahit break na

Kristoffer-Martin- Joyce-ChingWALA RAW rason para kay Kristoffer Martin na tanggihan ang soap na Paraiso Ko’y Ikaw, dahil kasama sa cast nito ang kanyang ex-girfriend na si Joyce Ching. Ayon kay Kristoffer, kahit naman daw break na sila ni Joyce, nanatili silang magkaibigan, kaya naman daw hindi issue sa kanila kung pagsasamahin sila sa isang soap.

Labas naman daw ang kanilang naging relasyon sa trabahong ibibigay sa kanila ng GMA 7. Very thankful nga sila at parati silang binibigyan ng trabaho ng Kapuso Network, kaya walang dahilan para tumanggi.

Maayos naman daw ang kanilang naging break-up, nakapag-usap sila kaya naman walang ilangan sa kanilang pagitan everytime na magkakasama sila sa trabaho. Sa ngayon daw, ang pag-aaral at pag-arte ang main focus ni Kristoffer at tsaka na raw ang lovelife.

Bukod sa Paraiso Ko’y Ikaw, mapapanood din si Kristoffer sa maituturing na pinakanakakatakot na horror movie ng taon, ang Basement na mapapanood sa February. Kung saan makakasama nito sina Sarah Lahbati, Chynna Ortaleza, Jan Manual, Louise Delos Reyes, Dion Ignacio, Teejay Marquez, Ellen Adarna, atbp. Mula sa Direksiyon ni Topel Lee at produced by GMA Films.

 

AFTER PYRA, naging sunud-sunod na raw ang dating ng trabaho sa GMA Tweens na si Kate Lapuz na regular ding napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman. Very Blessed nga raw si Kate noong 2013 na bukod sa Pyra at Master Showmanm nakagawa ito ng isang indie film, ang Ati, at ilang guestings sa iba’t ibang shows ng GMA 7 like Pepito Manaloto, Love Hotline at Maynila.

At ngayong 2014, maganda rin daw ang pasok ng taon kay Kate dahil nakasama siya along with other GMA Stars at ABS-CBN Stars para maging catalogue model ng Natasha. At bukod sa Natasha, may mga product endorsements pa itong parating.

At habang hinihintay pa nito ang kanyang next soap sa GMA 7, busy raw ito sa guestings sa mga shows ng GMA 7 at sa kanyang pag-aaral at sa pagsi-show sa iba’t ibang malls.

 

BACK TO work daw ang isa sa may pinakamagandang mukha sa balat ng telebisyon at pelikula na si Iza Calzado via ABS-CBN’s Sana Bukas Pa Ang Kahapon, kung saan ginagampanan niya ang role bilang anak ni Ms. Dina Bonnevie.

At kahit nga matagal na namahinga sa paggawa sa soap si Iza, na last na napanood sa Kahit Puso’y Masugatan, naging busy naman siya sa paggi-guest sa iba’t ibang shows ng Kapamilya Network like MMK, Toda Max and Muling Buksan Ang Puso.

Tsika nga nito na magiging mas aktibo siya ngayong taon, kung saan katatapos pa lang niyang ishoot ang pelikulang Mga Kuwentong Barbero at kasama rin siya sa Piolo Pascual-Toni Gonzaga movie na Unlove You.

Bukod sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, nakatakda na ring magsimula ang new season ng The Biggest Loser na siya ang host. Kaya naman daw mas magiging busy at visible daw ngayong Year of the Horse si Iza.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Kristoffer Martin at Joyce Ching, walang ilangan sa muling pagsasama sa soap kahit break na

Leave a Reply

Your email address will not be published.