Kristoffer Martin at Bea Binene, ‘di raw nagkakadebelopan

MARIING PINABULAANAN ng drama prince ng GMA-7 na si Kristoffer Martin ang bali-balitang nagkaka-mabutihan na sila ng kanyang leading lady sa Luna Blanca na si Bea Binene.

Ayon sa guwapitong binata, friends lang sila ni Bea at maganda ang working relationship. Trabaho raw ang inaatupag nila pareho lalo na’t malaki ang tiwalang ibinibigay sa kanila ng home studio by giving them good projects. Kaya naman daw mas focus sila ngayon sa trabaho at sa pagpapabuti ng kani-kanilang craft.

At  kung nakikita raw na sweet sila ni Bea sa taping ng kanilang soap, normal lang naman daw sa kanya ang maging sweet sa kanyang mga nagiging katrabaho lalo na’t sobrang bonded na sila ni Bea na nakasama na niya sa Tween Hearts at sa Party Pilipinas. 

Sa ngayon daw, abala si Kristoffer sa shooting ng indie film na Basement, kung saan kasama niya ang mga co-tween na sina Teejay Marquez at Louise Delos Reyes, Ellen Adarna, Chynna Ortaleza, Kevin Santos, Enzo Pineda, Sarah Lahbati atbp.

Bukod kay Bea, gusto rin daw makatrabaho ni Kristoffer sa soap ang ilan pang Kapuso leading ladies na sina Kris Bernal, Bianca King, Marian Rivera, Heart Evangelista, Sarah Lahbati, Louise Delos Reyes, Maxene Magalona, Carla Abellana, Kylie Padilla, Jackie Rice at Barbie Forteza.

 

KUNG SI Kris Aquino ang horror queen, si Lovi naman daw ang horror princess, lalo na’t magkakasunod ang pelikula nitong ginagawa na may temang horror. Latest nga ang pinagbibidahan nitong Guni-Guni ng Regal Films na mapapanood na sa Aug. 22.

Tsika nga ni Lovi, wala naman daw problema na tawagin siyang horror princess, dahil aminado naman daw ito na nalilinya ang beauty niya sa paggawa ng horror film. Ayon nga sa mga press people, baka bukas o makalawa ay maagaw na ni Lovi ang titulong horror queen kay Kris kapag nagkasunud-sunod pa at dumami ang kanyang pelikulang may temang katatakutan at lahat itoy kumita sa takilya.

Bukod sa Guni-Guni, ka-join din si Lovi sa Tiktik: The Aswang Chronicles na showing naman sa Oct. 17 at sa indie film na pinagbibidahan ng nag-iisang Superstar, ang Thy Womb na in competition sa Venice International Film Festival.

 

AS EARLY as now ay pinagha-handaan na ng isa sa maningning na youngstar ng GMA-7 na si Lexi Fernandez ang kanyang 18th Birthday na sa January 5, 2013 pa magaganap. Pinag-iisipan na raw ni Lexi sa tulong ng kanyang mommy kung anong klaseng party ang magaganap sa kanyang debut.

Pero isang wish daw ni Lexi na magkaroon siya ay isang bagong car na Starex na magagamit niya sa kanyang showbiz commitments, dahil nakikigamit lang daw siya ng sasakyan sa kanyang mommy.

At kahit nga malapit nang mag-debut si Lexi, wala pa itong special someone. Marami raw ang umaaligid dito at nagpaparamdam ng pagkagusto, pero mukhang hindi pa ready sa pakikipagrelasyon si Lexi. Mas gusto raw nitong atupagin ang kanyang blooming career kaysa magka-BF.

Regular na napapanood si Lexi sa Party Pilipinas at sa Together Forever at kasama rin siya sa launching movie nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose na Just One Summer.

 

NAKABIBILIB ANG young actor na si Teejay Marquez na walang pagod sa pagtatrabaho nang 3 consecutive days na walang tulog simula noong Lunes, kung saan nag taping ito ng Maynila with Joyce Ching, Ken Chan at ng debutanteng si Kim Komatsu sa umaga at tumuloy sa isang out of town show ng gabi na inabot ng 3am.

Na sinundan ng shooting ng kanyang bagong indie film na Basement nang sumunod na araw, kung saan inabot din siya ng madaling-araw. At nang sumunod na araw ay nag-taping naman siya ng I-Juander at after the taping ay dumiretso sa final casting ng isang TV commercial at pagkatapos at dumiretso sa isang show (Fiesta) sa Malate sa Leveriza na hatid ni Mommy Thess Palado, Jessee and Tita Jennifer Pascua and family.

Kung saan nakasama nito sa show sina Hiro Magalona, UPGRADE, Sexbomb Girls, Ate Gay, Gerald Santos, Kris Lawrence, Julian Trono, Wonder Gays, Michael Pangilinan, Mocha Girls, Down To Mars, Elizabeth Ramsey, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Kristoffer Martin at Bea Binene, ‘di raw nagkakadebelopan

Leave a Reply

Your email address will not be published.