Kristoffer Martin and Joyce Ching: Teen Sweet Love!

KRISTOFFER MARTIN
Real Name: Kristofer Martin R. Dangculos
Birthdate: November 20, 1994

Zodiac Sign: Scorpio

JOYCE CHING
Real Name: Joyce Giselle Palad Ching
Birthdate: January 5, 1995
Zodiac Sign: Capricorn

UNANG NAGKAKILALA ang teen stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa set ng Endless Love. Doon pa lang ay may namuo nang pagtitinginan sa pagitan ng dalawang bagets. Lalo pang umusbong ang pagmamahalang ito nang magsama sila sa ilang proyekto sa Siyete tulad ng Tween Hearts at Ikaw Lang Ang Mamahalin. For a while ay isa sila sa binebentang tween tandems ng network, hanggang napag-desisyunang paghiwalayin muna sila ng landas onscreen.
Ang good news ay tuluy-tuloy pa rin ang relationship ng ‘KrisJoy’. Sa katunayan nga, mas daig pa nila ang ilan sa mga showbiz couples sa dedication, huh! Katambal ngayon ni Kristoffer si Kim Rodriguez, habang inaabangan na rin sa primetime ang tambalan nina Joyce at Hiro Peralta sa Anna Karenina.
Young and in love. How inspiring, right? Bihira ang teen lovers na tumatagal sa showbiz, pero exemption kaya rito ang KrisJoy? Alamin natin!
Takot pumasok sa isang relasyon ang Scorpio tulad ng Capricorn. Pareho silang sensitive at emotional, pero pinipilit nila itong itago. Dahil sa lagay na ito, mas recommended sa kanila ang ‘slow pace’ type of relationship. Hindi nga naman talagang kailangang madaliin lahat ng bagay lalo na kung bata pa, huh! Mahilig ding magduda ang dalawa kaya required na kilalanin at kabisaduhin muna nila ang isa’t isa.
Pero huwag malungkot dahil sa oras na makuha na nila ang timpla ng iniirog, malaki ang tsansang magtatagal ang kanilang pagsasama. May konting adjustments sa parte ng Capricorn sa pagiging involved sa relasyon, habang mas passionate naman ang Scorpio sa pagpapakita nito. Ito ang p’wedeng pag-ugatan ng konting argumento, pero hindi rin naman ito big deal.
Ang lalaking Scorpio at babaeng Capricorn ay may permanent bond. Kailangan lang nilang mag-compromise ng konti lalo na’t medyo matigas ang ulo nila as individuals. Malakas ang chemistry ng dalawa na bihira silang mag-aaway. Ang loyalty at supportive nature ng Capricorn ang magpapagana sa Scorpio na pakitaan ng kabutihan at pagmamahal ang ka-partner. With the presence of each other, kaya nilang i-balanse ang kanilang positive and negative traits. Complimenting, ‘ika nga.
Well… mukhang nahanap na agad nina Kristoffer at Joyce ang kanilang ‘endless love’ story, ah! Keep it up!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

7 thoughts on “Kristoffer Martin and Joyce Ching: Teen Sweet Love!

  1. bagay talaga clang dalawa .. sana naman kau na talaga ang magkatuluyan ^.^ … magkaroon pa sana kau ng maraming projects together.

  2. SUPER Sweet talaga ang Krisjoy,sana magtagal pa ang relayosn nila at magkaroon ng project together.magaling sila pareho sa acting.

Leave a Reply

Your email address will not be published.