Kristine still has high hopes for Diether

“NASAAN KA, MARUJA?” ang bagong teleserye ni Kristine Hermosa with Derek Ramsay, John Estrada and Karylle. Habang nagpi-pictorial ang magandang actress, wala kaming kiber sa ilang oras na paghihintay, ma-interview lang si Kristine.

Kumusta naman ‘yung relationship ninyo ni Oyo Boy? “Okey kami, nandoon pa rin kami as friends lang, kahit tapos na ‘yung annulment issue. ‘Yun lang kasi ang aaminin ko, wala nang iba. So, if mayroon naman at na-level na namin, sasabihin ko naman.”

May possibility bang mauwi rin sa isang seryosong relasyon? “Oo naman, malaki ang possibility. Kasi mabait na tao naman si Oyo, mahal naman niya ako, sabi niya. Hindi lang natin alam kung kailan, hinihintay lang talaga namin ‘yung parehong maramdaman namin.”

First reaction ni Oyo Boy sa annulment ng kasal niya? “Tinanong niya ako, kung ano ang nararamdaman ko, medyo confuse din siya. Hindi naman siya ever na naging selfish sa idea para sa kanya, para sa ikabubuti ko at sa ikabubuti ni Diet. Natuwa lang siya, isa rin ‘yun sa mga bagay na medyo magulo na nangyari, so ‘yun. It’s time to move on, kung kami man ulit so, mas maayos. If ever hindi na kami, mag-move on ng kanya-kanya.”

Ngayon, single na uli si Kristine, puwedeng maging open ang relationship ninyo ni Oyo Boy. “Kahit naman noon, pinag-uusapan ‘yung sa amin ni Oyo. Eversince naman, open kami. ‘Yun nga lang hindi ninyo naririnig ‘yung gusto ninyong marinig dahil wala naman talaga!”

May chance pa bang magkabalikan sila ni Diet? “Wala akong sinasabing anything, wala rin akong isinasara na kahit na ano. Hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ng buhay ko. Si Diet mayroon na, ako na lang ‘yung wala pa,” depensang sagot ni Kristine na para bang umaasa pa rin na baka-sakali sa bandang huli, sila pa rin ni Diether.

Na-miss mo ba si Diet? “Oo naman, nakaka-miss din naman ‘yun, hindi ko dini-deny.”

Ayon kay Oyo Boy, si Kristine daw ang babaeng gusto niyang pakasalan kung sakaling maging malalim ang kanilang relasyon.

“Nakakatuwa naman, gusto niya akong pakasalan, hahaha! Joke lang. Mas gusto ko namang marinig ‘yun kaysa playtime or fling, ‘di ba? Ang pangit naman ng ganoon so, natutuwa naman ako.”

Nag-i-entertain ka pa ba ng manliligaw? “Open naman ako. Si Oyo naman ang matagal kong naging kaibigan kaya comfortable na kami sa isa’t isa. Ang napansin ko lang sa sarili ko ngayon, medyo takot lang ako sa ibang tao, especially sa lalaki. Medyo natatakot ako kaya ‘pag medyo nalilibang-libang na ako… oops, hindi puwede!”

Kanino ka nagka-trauma, kay Jericho Rosales o kay Diether?

“Iba’t-ibang level lang, hahaha! Iba naman siyempre, puppy love, bilang love talaga so, iba’t ibang impact pero parehong masakit.”

Kay Oyo, ano’ng matatawag mong relationship? “Si Oyo kasi all in one, alam mo ‘yun. Sobrang bait na kaibigan, sobrang supportive na parang naging kuya ko na rin. Kapag may nakikita siyang mali, sasabihin ka niya ng todong-todo. As of the moment, talagang walang level, at kung ano siya sa buhay ko.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5296 stories on this site.

loading...

8 thoughts on “Kristine still has high hopes for Diether

  1. mahilig magmaganda wala namang talent, mali mali nga sya sa sayaw sa asap puro pa lipsync. tapos sa palengke ang setting kuntodo make-up. puro kaartehan…ngayon naman imbes career kakahiwalay lang kay Diet may Oyo na kaagad…tigilan muna kasi ang lalake concentrate on career…wala pa si Rima kay Diet may Oyo na sya.
    kaya pumayag na din si Diet sa Hiwalay kasi para nadin siyang naiiputan 2007 pa sila close ni oyo no….ano ba yan..tapos ngayon nasa puso daw nya si Oyo.

    • naman , natatandaan q nga nun ( cla pa ni diet tin pa nun ) palaging cnasabi ni oyo ngipin , wala xang balak na mangligaw kay tin . pero ang style nya nangulo sa knila ni diet . kung aq man c diet , xmpre nuh . ( sana maging kamuka q nga ) , haha

      kaya sana mangyari din sau ung ginawa mu sa mga x ng mga nagiging gf mu . d lang nman c diet ang inagawan nyang lintik n yan e .

      mang aagaw ng mg gf n my gf tapos pati my asawa ng my asawa nang agaw din . susme .

      mangyari sana sau yon lintik ka . haha

      laki ng ilong mu , ngipin , bunganga , haba ng baba mu . haha

      magpakatotoo ka . panget . haha

  2. yeah nagbalik na ang totoong prinsesa ng ABS-CBN sana wag na xang mawala ul8 kc nakakamiss din nmn xa..of all the artist kc s tin lang ata ang kauna-unahang artista na may K tlga sa beauty and talent acting now may marian na at angel hahaha

  3. Mukhang masama pa din ang ugali nitong artista na to .. wala ng future ang babaitang ito

Leave a Reply

Your email address will not be published.