Kristine Hermosa thinks she still has hold of Diether

PUSPUSAN ANG ‘PADYAK’ campaign ni Senador Mar Roxas sa iba’t-ibang panig ng bansa. Sinasabayan naman siya ni ateng Korina Sanchez sa Rated K, sa pamimigay naman ng mga tsinelas sa mga batang mag-aaral.

Perfect tandem ngang matatawag ang mga advocacies nila dahil masarap at maganda nga namang pumadyak para sa kabuhayan kung may matino kang tsinelas. Bukod sa pamimigay ng libreng padyak, mayroon pa ring mga libreng pagamot, pasalamin, papustiso, pakain at pagupit ang nasabing caravan.

Samantala, nangamba nga ang lady broadcaster nang mabalitaan nito kahapon na halos isang oras pala sa ere ang chopper na sinasakyan ng katipan patungo sa Tarlac State University para sa isang commencement exercises. Mabuti na lamang at safe itong nakapag-emergency landing sa isang lugar sa Pampanga at nakapunta sa Tarlac for his engagement.

Dapat lang mag-worry ang matapang na brodkaster dahil this year nga siya nakatakdang maging Mrs. Mar Roxas, ‘di ba?

WORRIED DIN ANG marami na baka sa pagbibigay ng unsolicited advice ni Kristine Hermosa kay Diether Ocampo hinggil sa usaping puso nito ay rumesbak sa aktres ang lahat.

Para kasing pinalalabas pa ni Tintin na nakikinig pa sa kanya ang dating bf at may hold pa siya rito. Nag-react nga si Diet na wala na dapat pakialam pa sa buhay niya ang ex-gf, dahil never naman siyang nanghimasok pa sa buhay ng dalaga.

Parehong abala sa mga respective projects nila ang dalawa. Mayroong Nasaan ka Maruja? si Tintin, habang nasa Only You naman si Diet.

Hindi naman sila magkakaroon ng project together, kaya’t hindi namin tinitingnan na nagpapaka-kontrobersyal sila para pag-usapan. Unless, isa na naman itong istilo ni Tintin dahil kilala nga siyang mahilig magsalita ng kanyang mga concerns kahit hindi naman hinihingi?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

9 thoughts on “Kristine Hermosa thinks she still has hold of Diether

  1. Mahal pa rin nila ang isa’t isa pagkatapos nung incident sa California. Hindi sila basta puwedeng magkalimutan.

  2. If I were in Diet shoes also….I dont want advice from the EX….pa-advice advice pa eh yung gulo nga nila di nila naayos, tapos advice daw…dapat stop talking na lang…wala na siya sa isip ni Diet what important is the present…past is past….

    Rima is very Beautiful, smart, class and I think she will stand, love and believe on Diether. thats what matter now, masakit kay Rima yung mga sinabi ni Tin tin, pinagtanggol lang ni Diether feeling’s and love nya kay Rima againts the EX.

  3. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #55

  4. parang mali yung info kasi napanood ko sa tv patrol, tinanong si tin about it, now if di nagustuhan ni diet, problema niya na yun, kung out na si tin eh di okey, good karma na si tin, ala ng problema. diet is better off with rima a.k.a. cumlaude of lasalle as per diet himself.

  5. nagke-care parin sa kanya si kristine. hindi madaling mawala yun, lalo pa’t ex husband and wife sila, hindi lang mag gf-bf. mag asawa sila dati! kaya iba ang bonding. sana alam yun ni diether.

    napansin ko lang nagkalat naman yata masyado ang bronzer sa katawaan ni tintin. halatang halata. anyways, nothing special. yun lang.

    go kristine! im glad youre back. sana maging sikat ka ulit tulad ng dati. im happy for you .

  6. hay naku c kristine di p tumigil. di n xa gsto ni diet nu. mg muv on n xa. sbi nya mhal nya c oyo pero comment pdn xa ng comment tungkol ky diet. naku ha move on girl!

  7. ano ba ang masama sa pagbibigay nga advice…halata tuloy na bitter pa rin c bitter ocampo….i love kristine hermosa…..soooo prettyy…..she deserves someone better than bitter……

  8. feeling kasi ni kristine, in luv pa rin sa kanya si diet.. kala niya, di pa nka move on si diet.. wake up girl.. wag masyado mag mamaganda..

Leave a Reply

Your email address will not be published.