Kristine Hermosa, sinermunan ni Mr. M – Cristy Fermin

NAPAKAGANDA NAMAN TALAGA ni Kristine Hermosa. Classic ang kanyang ganda. Uso sa lahat ng panahon. Walang pagkupas.

Kahit itabi mo siya sa kanyang mga kasabayan, may kulapol man ng make-up o wala, ay lutang na lutang ang kagandahan ni Kristine. Magmumukhang mga dama lang ng reyna ang labanan.

Pero bakit nga ba palaging bida sa mga kuwento ng pagmamaldita si Kristine Hermosa? Kahit sino ang makausap mo, siguradong may kontribusyon sa kuwentuhan, dahil minsan-makalawa ay nakatrabaho na rin nila ang magandang aktres.

Sasabihin ng isa, “May sarling mundo ang babaeng ‘yun. May mga times na dumarating siya sa set na hindi kumikibo. Tapos na ang taping, hindi pa rin siya kumikibo.

“Nagbubuka lang siya ng bibig kapag take na, pero pagkatapos nu’n, balik na naman siya sa sarili niyang mundo. Mahirap ispilingin ang ugali ni Kristine.

“Kaya kami sa set, kapag ayaw niyang kumibo, ‘di hindi rin namin siya kinakausap! Panisan na lang kami ng laway, kung gusto niya! Bakit naman ako kakausap sa taong ayaw mamansin?

“Ang katwiran ko na lang, e, hindi naman siya ang may-ari ng production, pareho lang kaming artista, kaya ang karapatan niya, karapatan ko rin bilang artista!” madiing kuwento ng isa niyang kasamahang artista.

Ang kakuparan ay nadikit lang sa tinatawag na pagonang si Snooky Serna, pero ayon sa aming kausap ay mas makupad pa kay Snooky si Kristine, kung silang dalawa raw ang pagsasamahin sa isang proyekto ay siguradong aabutin ‘yun nang siyam-siyam bago matapos.

“Napakabagal niyang kumilos, marami siyang tsetse-buretse sa katawan, she doesn’t care kung maraming naghihintay sa kanya. At kahit siya ang cause of delay, hindi siya marunong manghingi ng sorry.

“Parang palagi siyang problemado, parang palagi siyang wala sa sarili, parang kanya lang talaga ang mundo at walang ibang naninirahan sa planetang ito kundi siya lang,” komento pang nakarating sa amin.

PERO NOON PA ‘yun. Kailan lang ay nakarating sa amin ang kuwento na iniupo nang seryosohan ni Direk Johnny Manahan si Kristine Hermosa para “rolyohan.”

Ayon sa aming source ay talagang kinausap nang masinsinan ng tagapamahala ng Star Magic ang magandang aktres para maging propesyonal, ayaw na raw makarinig pa ng kung anu-anong reklamo ni Mr. M, kaya kinausap nito nang seryosohan ang isa sa mga pambato nilang talents.

“Nangyari ‘yun bago nag-start ang taping ng Dahil May Isang Ikaw, balik-tambalan nila ‘yun ni Jericho Rosales, sinabi sa kanya ni Mr. M na ayaw na niyang makarinig pa ng problema mula sa production.

“Nagre-report kasi ang bawat production sa Star Magic, through the report, nalalaman nila kung kanino nagkakaroon ng problema sa taping. So far, okey naman ang mga nakararating na report sa Star Magic.

“Maayos naman si Kristine, hindi siya nagiging cause of delay, walang nasasagupang problema ang production staff sa kanya. ‘Yun ang maganda sa Star Magic, kahit datihan na o baguhan pa lang ang mga artista nila, talagang pantay-pantay ang tingin ni Direk Johnny.

“Ang pinoproblema ng production, pahinga muna, ang walang ibinibigay na problema, ‘yun ang binibigyan ng mas maraming projects,” ayon pa sa aming source.

Nasisilip din namin paminsan-minsan ang bagong teleserye ni Kristine Hermosa at sa totoo lang, klasiko ang kanyang ganda, bulag na lang ang magsasabing hindi siya maituturing na isa sa pinakamagagandang mukha sa lokal na aliwan ngayon.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

17 thoughts on “Kristine Hermosa, sinermunan ni Mr. M – Cristy Fermin

  1. OK LANG KAHIT TAHIMIK BASTAT WALANG INAAWAY. MADALDAL AKO PERO NAHIHIYA AKONG UMAMIN NA TSISMOSO AKO EH. KASI DAMING GALIT SA AKIN SA KADALDALAN KO EH. BUTI SI KRISTINE TAHIMIK. KRISTINE TURUAN MO NGA AKONG MAGING TAHIMIK NA KATULAD MO. PLEASE!!!!!!!!!!

  2. maganda si Kristine, kaya lang parang may history sya ng psychiatric problem, seriously. Ang narinig ko, naconfine na daw sya sa isang psych facility eh. Lihim lang yun syempre, kaya hindi nabalitaan ng madla. Pero kahit anu pa man, pwede naman sya magbago ah. Ang hindi lang naman nagbabago ay ang PUTANG INANG SI WILLIE DEVILLAME, ilang beses na sinuspinde, bastos pa rin at walang modo. PUTANG INA MO WILLIE

  3. SUGGESTION LANG PO: Why not replace Willie with Vhong Navarro Mariel with Lara RR with Iya Villana Valerie will stay just avoid shouting so much then instead of Pokwang as mainstay let Chocolate be the one do the comic portion. You can still bring back Roxanne if they like. And one more thing change the name of the show maintain the format but please rename the show. I’m an avid fan of Eat Bulaga and I know we should also have alternatives right? So pls if you like the idea help this suggestion reach ABS management by way of confirming. Thanks.

  4. Kung tutuusin ang ugali naman ng artista ay medyo secondary na lang huwag nga lang yung ugaling na nagiging cause of delay or something na problema ng staff pero kung wala kang kibo ok lang yun basta di ka lang cause of delay. sa pinas lang naman ober sa publicity kapag mya attitude ka samantalang yung iba nga or halos lahat nga bait baitan lang sa press kasi madadaan naman sa pera pero sa totoo lang ang mabait yung di na kailngan bumyad sa press para purihin sya.

  5. maganda ka nga dyosa ng kagandahan, reyna naman ng sama ng ugali naku d ka aakyat sa langit nyan hahahahaha! pa demure effect eh makati pa sa gabi! pwe!!

  6. yes…shes beutiful(stunning like)
    marian r. at carla a.
    sa mga morena nmn i like
    dina b. nd dawn z.

    pero d best prin c manay celia rodriguez 4 me….
    d no.1

  7. Ikaw Cristy Fermin, napakapangit mo! kasuklam-suklam ang iyong mukha! Mukha ka palaging maysakit dahil sa itsura mo na sobrang chaka!

  8. Kaya pala walang projects at PAHINGA forever na si Claudine Barretto. Ayaw ng production staff sa kanya . Kaya gusto lumipat sa GMA. naku…nag reyna reynahan kasi.

  9. cristy wala ka bang write up kay don willy, dry na dry yung column comments mo..hahahaha, sabi ko sayu wala na pera yan willy binalik na sa pulitiko na tatakbo sa 2010 pero hindi mananalo

    • HAY NAKU! ALAM NA NAMIN YAN, TALAGANG ANG BEAUTY NI TIN AY PANG GODDESS; KAYA NGA MARAMING NAIINGGIT SA KANYA EH, DAHIL KAHIT ANONG GAWIN NILA AY TAOB PA RIN ANG BEAUTY NILA KUNG IKUKUMPARA SA KANYA (TIN). MAG BANGGIT NGA KAYO NG ISANG ARTISTA NA WALANG ATTITUDE. MAY KASABIHAN TAYO, “YOU CANNOT PLEASE EVERYBODY”. ISA KA NA DUON CRISTY, AYAW NA AYAW MO SA KANYA PARA KAY DIET, DI BA?

Leave a Reply

Your email address will not be published.