Kristine Hermosa, muntik idemanda ng Dos by Ronnie Carasco

As promised, narito ang nasagap kong “inside story” sa likod ng taping ng Dahil May Isang Ikaw.

Karaniwan nang dumadaan sa masusing paghuhusga  ang bawat panoorin sa ABS-CBN bago ito ihain sa mga manonood. Kumbaga sa product sampling, ang free tasting ay isasagawa muna sa mga bossing ng mga tao sa produksiyon.

Pinapanood ng channel executives ang pilot episode ng naturang screen reunion nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Tulad ng inaasahan, hindi binigo ng production staff ang mga “diyos.” Gandang-ganda sila sa naturang teleserye na magsisimula na sa August 24.

Pero ‘eto ang catch. Nakarating sa kanila na ayaw nang mag-taping ni Kristine. Inangalan ng management ang dahilan. Rason ng aktres, ayaw niyang may dalawang location ang bawat taping. Kung isang lugar ay gawing isa na lang, ayaw niya ng mga “tuhog-tuhog” na eksena niya na nakapagpapatagal pa sa kanyang working hours.

Makailang beses daw na sinuyo ng staff si Tin, mga director na mismo ang kumakausap sa kanya. Kung ganu’n din lang daw pala’t good for a few episodes lang ang sinang-ayunang gawin, di sana’y antimano, hindi na niya tinanggap ang proyekto.

Pero matigas ang paninindigan ng aktres. Maging ang pagte-tape daw niya nang hanggang alas-dos ng medaling araw ay inirereklamo niya. Bakit daw ang co-star niyang si Ms. Lorna Tolentino ay pack-up na nang alas diyes ng gabi?

Despite repeated stroking by the staff, Tin wouldn’t budge. Buo na raw ang kanyang pasya na hindi na niya sisiputin ang taping day. Sa puntong ito’y natural nang ikairita nang bonggang-bongga ng mga ABS-CBN  bosses ang “pagluluka-lukahan” ng kanilang contract artist.

‘Eto humigit-kumulang ang mensaheng ipinaabot ng mga “diyos” kay Tin through the production staff: “Pakisabi kay Tin na ‘pag hindi niya sinipot ang taping, idedemanda namin siya,” sabay nagtakda ng eksaktong araw  bilang palugit sa aktres.

Kung halimbawa’y Lunes dapat mag-report si Tin sa set sa gitna ng nakaambang legal suit sa kanya, lalo pang naloka nang bonggang-bongga ang mga boss  nang humingi pa raw ng extension si Tin hanggang kinabukasan “Para makapaghanap ako ng lawyer ko.”

But the ABS-CBN big cheeses knew better. It had to take the best possible strategy to force the actress to work her butt. Doon na raw natakot ang hitad.  At kaswal  na lang daw nitong sinabi, “O, sige, magte-taping na ako!”

Limang taon ding pinanghawakan ni Richard Gutierrez ang titulong Primetime King when it was conferred upon him taong 2004 via Mulawin sa GMA-7. At nito ngang farewell episode ng Zorro exactly a week ago, nagtala ito ng 32% rating.

Walang duda, there’s life after Zorro. Back to work na naman si Richard sa panibagong pelikula at isa na naming environmental special para sa GMA News  &  Public Affairs.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

28 thoughts on “Kristine Hermosa, muntik idemanda ng Dos by Ronnie Carasco

  1. TEAM BEA INTRIGERA, QUIET NGA SI TIN SA ASAP O SA STAR MAGIC CONCERT. SI BEA NGA ITONG NANG-AAGAW NG EKSENA. SUPER OA NA KAYA ANG BEA MO. NGEEE! WATCH ASAP AT ANG SUPER OA NIYA. SI KRISTINE RESERVED PA NGA AT ANG BEA MO, GRABE PALABAN, SUMASABAK NA SA LAPLAPANG UMAATIKABO. SI TIN HINDI MO MAPAPANOOD SA MGA GANYANG EKSENA NA GINAGAWA NI BEA MO.

    DAHIL SINIMULAN MO, AYAN TULOY, SAPOL ANG BEA MO. AKO DI AKO NAKIKIALAM SA IBANG ARTISTA. KUNG TINITIRA LANG SI TIN NG MGA DETRACTORS NIYA, DOON NA AKO UMAANGAL. SUPER PLASTIC KAYA NG BEA NINYONG YAN. BABAIT-BAITAN KAYA KAHIT NA SI PIOLO, SINABI NIYA DATI SA ISANG INTERVIEW NA TINGIN NIYA KAY BEA TAHIMIK PERO NASA LOOB ANG KULO.ALAM MO BA KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG “NASA LOOB ANG KULO?”

  2. what’s with the comment bout zsa zsa & karylle, this article is not even bout them what so ever, so why give a comment bout them

  3. I used to like Kristine so much pero I changed my mind. SHe has such a vain personality na it seems. Back in the Forever More days, dun yata niya na-establish how beautiful she is. Yes, she is pretty but half of what makes an actress pretty is her character. Dun siya sumablay. I salute her face, I just don’t like her character. You can tell kahit sa ASAP, kahit sa Star Magic Shows. Just watch her whenever she’s with other actresses of ABS, parang gusto niya she’s always the center and that she’d be treated special. Egotistic na siya because of her beauty.

  4. at frst i dnt belive on the negative issues that were thrown at her coz she looks so mabait on tv but when iv read YES!with Marian on the cover dun na aq naniwala…try to read that issue on how pa special c kristine during a tv ad shoot ng maxipeel…the gud thing was it ddnt came out from Marian’s mouth coz ayaw na nyang palakihin but YES! reli interviewd one of the staffs of that commercial…once u read it, maiinis ka tlaga ky kristine…i guess that was reli true kaya nga xa pinalitan ni Marian coz of her attitude problem…

    • hoy chelleout pareho lang sila ni Marian may attitude problem no. kaya nagkairingan ang dalawa dahil pareho may attitude problem. hahhaha

  5. DON’T U WORRY TIN, AS YOUR SUPPORTERS WE DON’T BUY THAT KIND OF TRASH! INGGIT LANG SILA SA IYO DAHIL SOBRANG GANDA MO NA WALA SILA, LOL!

    • go tin…we love u wag kang sumuko……………and2 lang kming mga fans mo susuportahn k namin….good bless u…

  6. Kung di lang kay Kristine,matagal ko nang iniwanan ang ABS at binoycott lahat ng shows nila pero dahil nandiyan pa siya, di ko pa magawa.Sa showbiz, mahirap sa isang artista na makahanap ng tunay na nagmamalasakit . Ang nasa isip palagi ng mga bosses ay pera,pera at puro pera kaya karamihan sa mga palabas ngayon, pinapasukan ng kalaswaan dahil yon ang “in” sa mga mahihilig sa hayok sa laman kaya pati mga bata, maaga pa’y na-expose na sa kalaswaan kaya okay lang sa kanila na manood ng pinapanood ng mga matatanda. Sana after DMII, lumipat na si Tin sa GMA.

  7. Same old news about Kristine…..can’t they find any other issue against Tin other than being a b****? LEAVE THIS GIRL ALONE!!!!!!!

  8. tama ka diyan machuraka.naghihintay lang ang mga detractors niya ng ibabato kay Kristine. pero hanga ako kay Kristine. pinangatawanan ang role niya bilang lawyer sa dmii. kung ginagawa ka namang alipin ng amo mo, eh di dapat nang magreklamo. ika nga, “kung may katwiran, ipaglaban mo.”

  9. i dont believe your news about kristine hermosa. kung ganyan kasama ang ugali nyan, bakit binibigyan pa ng projects ng abs-cbn eh marami namang iba diyan?

    my sister met kristine personally and she said she’s very down to earth and humble. so i would believe that more.

Leave a Reply

Your email address will not be published.