Kristine Hermosa, inindiyan ang reunion ng EchoTin fans! – Fernan de Guzman

NASAKSIHAN NAMIN ANG ginanap na reunion fans day ng tambalang Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa Max’s sa Quezon Ave. last Sunday. Ang invitation ay 3 P.M. pero humigit-kumulang ang pinag-wait ng fans ng dalawa.

Dumating si Echo nang late ng 2 1/2 hours. Pero sabi nga, huli man, ang importante sa fans ay dumating sa said event. Nalokah, ang mga fans nang makarating sa kanila after 3 hours na paghihintay ang balitang hindi na makararating ang kanilang idolo na si Kristine.

Biglang nalungkot ang fans, lalo na ang fans nilang dalawa na nanggaling pa sa, Amerika, Canada, Japan, etc.
Nag-confirm naman daw si Kristine at tatlong buwan daw na plinano ang event ng fans, pero hindi naging maganda ang naging attendance. Walang napala kay Kristine.
Sa totoo lang, anuman ang naging rason ni Kristine, mukhang hindi siya maiintindihan ng fans.

Nakausap pa nga raw nila si Kristine isang araw bago mag-fans day na siya ay darating. Pero ang nakakalokah, walang dumating kahit anino ni Kristine.

May chikang may away raw ang dalawa. Kesyo may nagsabi naman na hindi pinayagan si Kristine ni Oyo Boy Sotto.

Mabuti na lamang at maagang dumating si Tintin Bersola- Babao. Nawala man ang Kristine, may Christine pa rin sa said event. Siya ang nag-host ng event.

May nakapansin din na hindi man lang nag-ayos si Echo nang um-attend. Mukha raw itong hindi pinaghandaan.
Kawawang mga fans, hindi pinahalagahan ng kanilang mga idolo.
Tigilan ang ilusyon na sila’y magkakabalikan pa.

SA PROMO NG Tanging Yaman, mukhang nagiging kawawa ang big winner ng PBB na si Ejay Falcon. Mukhang pinapaboran daw itong si Enchong Dee. May sitsit pa kaming nalaman na kesyo may demolition job nga raw para ibagsak itong si Ejay?

Ano kaya ang masasabi rito ni Ejay? Mas pinapaboran nga raw itong si Enchong ng mga taga-ABS-CBN.

Kung totoo man ito, hindi yata tama, dapat na kumilos ang kanyang manager. Sa mga TV promos ay aping-api siya, lalo na sa naging promo ng pagtatapos ng Katorse.
Sana maging fair naman. Pareho n’yo silang mga artista.

KILALA N’YO BA kung sino ang tinutukoy ngayon sa showbiz na mag-iinang malas sa pag-ibig? Kaya naman kasi sila tinawag na malas ay pare-pareho silang loveless ngayon.
Ang nanay nila at silang dalawa na magkapatid na singer-dancer ay pare-parehong sawi sa pag-ibig. Magaganda naman sila pero halos magkakasunod silang minalas sa larangan ng pag-ibig.

O, knows n’yo na ba kung sino sila?
Hiwalay na ang kanilang ina sa kanilang tatay, si ate naman ay hiwalay na rin after na siya ay manganak. At si bunso ay break na sa bf niya dahil sa third party involve.  ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

5 thoughts on “Kristine Hermosa, inindiyan ang reunion ng EchoTin fans! – Fernan de Guzman

  1. I dont think inaapi si Ejay. Infact, ang tagal ng naka-freeze ang Katorse bago ito pinalabas. Ang ginawa nila ay pinasok si Enchong ng inere ito sa TV.

    Ilang beses na din binalita kung gaano ka bobo umarte si Ejay. I think the writer doesn’t know what his writing. Not sure if inabangan ba nya itong Katorse.

    Dapat magpasalamat si Ejay at may palabas pa sya kahit di sya marunong umarte. Di rin sya pang bida. More on kaibigan ng bida ang dapat na role nya.

    • dapat alamin muna ng mga fans at ng mga writers kung ano ang dahilan ng pag No-Show ni kristine bago sila mag react at manghusga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.