Kristine Hermosa, handang pakasalan ni Oyo Boy Sotto by Gorgy’s Park

NAKATAKDANG HUMARAP NGAYONG linggo si Willie Revillame sa MTRCB kaugnay sa kasong hinaharap niya ngayon.

Bukod pala sa isyu du’n sa funeral procession ng dating Pangulong Cory Aquino, meron pang isang viewer na nag-file ng reklamo sa MTRCB dahil sa biniro ang asawa nito sa isang dancer doon sa Wowowee.

Ang pagkakaalam ko, hiwalay na itong babae sa asawa niyang binibiro sa isang dancer pero napanood daw ng mga anak nila kaya nagtatanong daw ito sa nanay nila bakit ganu’n na ang binibiro sa tatay nila.

Hindi raw ito maipaliwanag nitong babaeng nagreklamo sa mga anak niya at nakikita raw niyang apektado ang mga bata.

Hindi pa rin daw tama itong ginawa ni Willie kaya nag-file siya ng reklamong Psychological Violence laban kay Willie. Meron pang kasong Obscene Dancing laban sa Wowowee na kailangang harapin din ni Willie.

Nagkasabay-sabay na itong reklamo sa clamor ng karamihan na tanggalin na si Willie sa ABS-CBN dahil nagpalala itong ginawa niya sa funeral procession ni Tita Cory.

Magkakaroon ng hiwalay na hearing sa MTRCB na naka-schedule na ngayong linggo at doon na pagpapasiyahan kung ano ang gagawin sa Wowowee at kay Willie. Abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan nito.

Sa dami nang pinagdaanang kontrobersiya at gulong kinasangkutan ni Willie, siguro malagpasan naman niya ito. Ang mahalaga lang, mabigyan sana ng katarungan kung meron mang naapi o naagrabyado sa pangyayaring ito.

MAKAHULUGAN ANG SAGOT ni Oyo Boy Sotto tungkol sa kanila ni Kristine Hermosa na wala raw muna silang masasabi sa ngayon tungkol sa kanilang tunay na relasyon. Kapag dumating daw ang araw na may sasabihin na sila, diretsong kasalan na raw.

Hindi kaya maunahan pa nito ang Daddy niyang si Vic Sotto at Pia Guanio?

Namataan namin sina Oyo Boy at Kristine na dumalo sa premiere night ng Love on Line ni Bossing Vic at Paula Taylor nu’ng nakaraang Linggo.

Sabi lang ni Kristine, bestfriends pa rin daw sila ngayon. Kung meron mang mas special doon, hindi naman daw nila ito itatago. Sey naman ni Oyo Boy, wala raw siyang idini-date na ibang babae kundi si Kristine lang. Hindi naman daw sila nagdi-deny dahil gusto lang nila ng tahimik na relasyon. Tingin pa nga nito, mas tahimik kung aamin na sila, pero sa ngayon ay wala pa raw talaga. Espesyal daw si Kristine sa kanya, pero hindi naman daw sila nagmamadali pa.

Tanggap naman si Kristine kina Vic at sa buong pamilya pero hindi pa naman siguro aabot sa kasalan dahil tiyak na ang unang magre-react diyan ay si Dina Bonnevie.

Sinabi noon ng aktres, na okay na raw muna si Danica na nag-asawa na pero huwag naman daw sana sundan agad ni Oyo Boy.

Kahit “friends” pa rin ang deklarasyon ng dalawa, halata namang may magandang pagtitinginan. Kulang na lang ang pag-amin nila.

By Gorgy’s Park

loading...

6 thoughts on “Kristine Hermosa, handang pakasalan ni Oyo Boy Sotto by Gorgy’s Park

  1. hoy ang tatanda nyo na pa cute pa kayo sa mga relasyon nyo….obvious naman…hindi tanga mga tao noh…..sobrang likot kaya sa babae nyan si Oyo

  2. Fame is fame.

    If you aren’t famous, then no one will put you down.
    If it’s sinful to be famous, then why is the word even invented? Problem is, there’s the term CRAB MENTALITY. I am not gonna be technical with these things. It is understandable that people want a piece of other people’s fame and probably fortune. Aren’t you sad for yourselves? The way you mock Willie who for sometime, made a lot of people happy gets what you think deserved him most? I just hope you are not CLAIMING TO BE CHRISTIANS, because, I’d be damned if you are. You should be aware of how you perceived him. If you lived a CHRISTIAN LIFE, at least practice it.

    I have pondered on the thought of this adage… “LET HE WHO HAS NOT SINNED CAST THE FIRST STONE”

Leave a Reply

Your email address will not be published.