Kristine Hermosa, deadma sa pasaway issue – Pilar Mateo

TIN’S “SOAP”: HINDI mamatay-matay ang paga-akusa ng marami kay Kristine Hermosa na patuloy pa rin ito sa pagiging pasaway lalo ngayon at balik-soap na naman ito sa Dahil May Isang Ikaw sa ABS-CBN.

Kahit hindi na nakikialam sa mga ganitong bagay ang butihing ina ni Tin na si Tita Mai, ito ang nagiging bothered sa mga negatibong bagay na lumalabas tungkol sa kanyang anak.

“Much as I want to say that I don’t want to get affected anymore,” say ni Kristine, “hindi naman natin mapipigilan ang mga tao sa mga gusto nilang gawin. Baka ‘yun ang ikinasisiya nila sa buhay kaya, hayaan na lang natin silang magsawa. So far, we’re so in sa soap namin at pinagbubuti namin ang trabaho namin. Natutuwa kami ni Echo dahil sa pagtanggap sa amin ng mga tao sa DMII.”

Lagi pa ring isinusulat na madalas daw ‘sabunin’ ni Mr. M (Johnny Manahan) ang dalaga.

“Mga anak ang turing sa amin ni Mr. M. Kaya every now and then, he meets with us para alamin ang lahat-lahat sa amin. Pangit o maganda, all he gives us, eh, mga pieces of advice kung saan o ano ang strengths and weaknesses namin. Bakit ba nagiging isyu ‘yung makita lang ako sa office ni Mr. M, ang dating na pinapagalitan ako? Ginagawa naman nilang laging terror ang tatay namin!”

IMELDA’S HOPPIN’ & POPPIN!: DAHIL nga sa laki ng gagastusin sa requirements para sa pagsasamahan nilang show ni Melissa Manchester sa PICC, ire-reset na ito sa Disyembre, ayon kay Imelda Papin.

Five hundred million pesos daw kasi ang gagastahin ni Boss Vic del Rosario at ng 618 Entertainment na magdadala rito sa nasabing foreign artist na successful namang nakasama na ni Mel sa kanyang show sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ang album muna niyang I Love You ang kanyang ipo-promote bago siya bumalik muna uli sa US sa October. At aasikasuhin din nito ang pag-turn over ng dialysis machines sa ilang ospital dito para sa mga nangangailangang pasyente.

Inusisa ko kay Mel kung ano na ang nangyari sa pinasiyaan nila ni Kuya Germs na lupa at pabahay sa mga taga-movie industry sa Bulacan, ang Movielandia. Meron na raw nag-take-over sa pamamahala nito, ang developer mismo. Nakita rin kasi nila na may problema sa lugar at nasa looban ito para gawing isang subdivision. At maputik kapag umulan kaya ibinigay na niya ito sa developer para asikasuhin.

Sa invisible war sa pagitan nila ni Claire dela Fuente na nagsasabing siya ang nagpakilala sa ‘Honey’ ngayon ni Imelda sa kanya, natatawa ang songstress sabay sabing “Tumigil siya! Alam n’yo naman si Clara, mahilig magbiro. No, wala kaming dapat na maging away, Eva (Eugenio) included. Nu’ng hindi natuloy ang reunion naming at nagkaroon naman sila ng The Legends concert, meron akong trabaho nu’n sa US. Hindi kami mag-aaway-away ng mga ito.

Hindi naman nagbibigay ng detalye si Mel sa kanyang Filipino-American ‘Honey.’ Pero ayon sa mga nakarating sa aming balita at mga kababayan din nating nakausap sa Amerika, Mel is living comfortably in Las Vegas and Los Angeles. May nagsabi sa amin na ang isang bahay na pag-aari ni Mel na napabalitang meron pang elevator (just like Kuh Ledesma’s?) ay pag-aari ng Hollywood actor na si Clark Gable.

No comment dito ang Sentimental Jukebox songstress.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

18 thoughts on “Kristine Hermosa, deadma sa pasaway issue – Pilar Mateo

  1. Sep. 10, 2009 12:27 PM

    Kristine says : Everytime may mga ganyang issue sa akin, hindi ko na lang iniisip. Maloloka lang ako kung lahat ng mga binabato sa akin e iisipin ko pa, diba? So ako, move forward na lang sa ibang bagay.

    – Kristine is right. You see, she still maintains her cheerful disposition in life.Iyan lang yata ang sinasabi nilang maldita na walang video scandal na nagmura o sobrang maglaplapan kung kani-kanino.Hindi ko nga nakitang nagpaka-daring si Kristine kasi nandoon pa rin ang kapit niya sa Dios because she believes that her body is a temple of God.-

    • kaya pala at her young age divorce na sya……..kasi gusto nya mkatikim ng maraming papa…….at wala pa akong narinig na maraming malalapit sa kanya na all praises talaga sa kabaitan nya ksi kita naman na mukha siyang makasarili wala siyang pakialam sa iba basta siya lang ng siya………hindi naman siya ubod ng ganda sa panahon ngayon pangkaraniwan na lang beauty niya….kayang kaya syang palitan ni Anne curtis noh….

  2. Sept. 8, 2009 12:45 PM

    Kristine says : Hi there guys ! I was saddened by the news that I am being primadonna daw sa set ng Dahil May Isang Ikaw. Hindi po ako ganon and I’m telling you siguro nami-misinterpret lang ako ng maraming tao kaya maraming negative issues na naman ang kumakalat sa akin.

    – Maybe, marami lang ang di nakakaintindi ng pagiging tahimik ni Kristine. Eh sa nature niya ang pagiging tahimik. Hindi naman siya bungangera tulad ng ibang artista.Mas gusto niya pang tumahimik lang sa isang sulok. What’s wrong with that?As long na ginagawa niya nang maayos ang kanyang trabaho ayon sa pinirmahan niyang contract,alin ang bahaging nagpasaway siya? –

  3. Another Tin’s startext in 326.

    Sept. 7, 2009 1:50 PM
    Kristine says : I’m working hard for this telesereye and I don’t think I have the right para magpaimportante sa set kasi nakakahiya naman sa ibang mga katrabaho ko, especially hindi naman basta-basta ang mga kasama ko dito e, di ba?

  4. In response to that,here is Tin’s startext.

    Sept. 6, 2009 4:12 PM

    Hello guys! All the negative issues regarding my bad attitude daw in the set of Dahil May Isang Ikaw,that’s not true. Hindi ko na nga lang pinapansin ang ganong balita kasi hindi naman talaga totoo.

  5. Tin had and still has an attitude. Walang personality and feeling beautiful pero laos naman. Pretty soon wala nang project yan. Sabagay ang tagal bago nabigyan kasi masama ang ugali.

    • mas nakasusuka ang ugali mo carmi, masyadong matalim ang dila mo. akala mo naman ay kilalang-kilala mo na si tin-tin kung makapanghusga ka. kung laos si tin, hindi na siya kukunin pa na magbida sa teleserye, gets mo? Pangit ka lang kaya inggit ka sa beuty ni tin-tin.

  6. Tin wag mo nalang silang pansinin kc ingit lang yan sila sayo kc consistent yung rating ng DMII mula sa simulahanggang ngayon…………

    Love you Tin,,,,,,,,,, ganda talaga ng teleserye nyo. Galing ni Lorna & Chin-chin……………..

    Original story not like others lahat remake………….ehehehhhhhhhhh

  7. KORAK MAY RKARAPATAN NAMAN SI KRISTINE MAGMALDITA SA GANDA BA NAMAN NIYA NO!

    ANG DAMING ARTISTA DIYAN NA GUSTONG MAPANTAYAN ANG KAGANDAHAN NI KRISTINE KAYA “I’M GLAD I’VE MET” ANG DRAMA PERO BALUGA PA RIN EVER SA KAPAL NG BALAT! HAHAHAHA!

  8. walang tao O sino man sa mundo maganda o pangit ang may karapatang magmaldita…tandaan mo yan……she should be happy concern ang mga tao sa paligid nya pag masyadong mataas ang lipad dapat pukulin dahil nalulunod sa isang basong tubig…..

    • HELLOOOO..SABI MO LANGGG YANNN,,,,MAY KARATAN ANG BAWAT TAO MAG MALDITA LALO NA PAG INAAPAKAN ANG PAGKATAO MO,,,DAYYY DI NA USO ANG FLORDELUNA OR MARA CLARA NA PAAAWA EFFECT…ABA KUNG FEELING MONG MAGMALDITA KA E mag Maldita KA,,, AS LONG AS MAY REASON AT MAY KARAPATAN KA..sa case ni KRISTINE HERMOSA may karapatan shang mag demand eh price talent sha ng doss at ISA pa ang pagmamaldita ay carry naman ng staff ng soap opera nya..SI MARIAN RIVERA PAG NAGMAMALDTA NAKAKASUKA,,PUSALING-PUSALI…..
      DAYY ITABI MO LAHAT NG MGA MGAGANDANG ARTISTA NGAYON KY KRISTINE MAPA MESTIZA MAN AY TLAGANG MAGMUMUKHANG DAMA LAMANG SILA NI KRISTINE HERMOSA……
      ANO PAT NAGING TAO KA IF SENSITIVE KA,,PAG TINARAYAN KA EH DI TARAYAN MO RIN…..

  9. maganda si kristine mula paa hanggang ulo take it or leave it….yun sha eh wala tyong mggwa,,maldita kung maldita,may karapatan naman sha..anywayz hanggang wlang naririnig na bad about her from her co-actorss everything is a lie and just a gossip from detractorss nya…

  10. HAY NAKU TIN MAGANDA KA NGA SANA PERO KUNG GANYAN NAMAN UGALI MO MAG-ANAK NA LANG KAU NI OYO DI BA LAGE NAMAN KAU NAGBUBUNTUTN NI OYO. WAG NA KAU MAG ARTISTA, MAGPASARAP NA ALNG KAUNG DALAWA. WAG KA NG MANIRA NG TRABAHO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.