Kristine Hermosa comes back in Komiks Presents ‘Maruja’

KUNG TUTUUSIN, PUPUWEDENG sabihing patapon na ang career ni Kristine Hermosa sa Dos dahil kung anu-ano na lang ang mga ipinapagawa rito. Pagkatapos ng afternoon soap na Prinsesa ng Banyera, tila nanlamig na lang nang ganoon ang career ng aktres, pero nag-iiba ang ihip ng hangin ngayon.

Itatampok si Kristine sa TV remake ng Maruja, bahagi ng “Komiks Presents,” ang klasikong nobela ni Mars Ravelo, dalawang beses na pinagbidahan noon ni Susan Roces sa pelikula at kapuwa idinirek pa man din ng yumaong Lino Brocka. Mukhang dito muli magsisimula si Kristine.

“Masaya na rin ako kung ganoon ang naging pacing ng career ko,” sabi pa niya. “Hindi rin maganda kung lagi na lang ang pagmumukha ko ang napapanood sa TV. Kahit paano, natutuwa ako na may mga nasasabik pa rin sa akin.”

Parang sumabay nga raw ito sa pagiging malayang muli ni Kristine nang ipahayag na wala talagang bisa, sa simula pa lamang, ‘yung kasal na namagitan sa kanila ni Diether Ocampo. Bumabangon si Kristine sa matinding impact ng relasyong ito na nakaapekto namang talaga sa career niya.

Ito rin siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, todo-deny pa rin si Kristine sa real score sa kanila ni Oyo Sotto. Masyadong dikit na si Kristine sa mga Sotto at kinuha pa siyang isa sa mga ninang ng anak nina Danica Sotto at Marc Pingris. Tanggap na rin talaga ng mga Sotto si Kristine na posibleng maging kapamilya na rin nila, in the future. Hindi man maikakaila ang naiibang closeness sa kanila, sinasabi pa rin ni Kristine na magkaibigan pa lang daw sila.

Itinuturong dahilan ni Kristine ang trauma na inabot niya sa pakikipagrelasyon noon kay Jericho Rosales, at mas malala, ‘yung sa kanila ni Diether. Malamang na ito ang advice kay Kristine ng mga nagmamalasakit sa career niya, na kung gusto niyang makabalikwas, huwag na muna niyang i-project ang impresyon na mas binibigyan na naman niya ng prayoridad ang pag-ibig.

Well, action speaks louder than words. More than enough to say that what we see in Kristine and Oyo is what we actually get.

SAMANTALA, AWARE KAYA si Derek Ramsay na ang huling version ng Maruja, na nagtampok kay Carmina Villarroel in the title role, ang leading man na gumanap dito at kapareha ni Carmina ay si Rustom Padilla, na mas kilala ngayon bilang BB Gandanghari?

Napangiti na lang si Derek sa pag-uugnay na ito, at mahirap din kasing ma-imagine na baka magkaganoon din si Derek sa tunay na buhay. Hindi ba’t super-project ng kamachohan si Rustom noon kasama na ang pagganap bilang lalaki sa buhay ni “Maruja” na unang ginampanan sa puting tabing, nina Romeo Vasquez at Phillip Salvador?

Sa totoo lang, wala namang traces ng pagkakaroon ng questionable gender itong si Derek. Ni wala kaming alam na na-blind item itong may maiko-connect sa kabaklaan. Ever since, lalaking-lalaki ang projection nito, lalo pa’t laging napapabalita ang itinatakbo ng relasyon nila ni Angelica Panganiban.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

33 thoughts on “Kristine Hermosa comes back in Komiks Presents ‘Maruja’

  1. bakit akimoha, do u really know tin personally? hindi kaya naiinggit ka lang dahil sikat at maganda siya?

  2. ay naku, siraan nyo man si kristine, gusto pa rin namin siyang makita sa tv kaysa iba diyan na nabibili ng pera ang prinsipyo.

    go, go kristine. me and my family still continue to support you no matter what kasi you’re truly a beautiful person inside and out at napatunayan ko na yan.

  3. Ganda pa din ni Tin, we used to be on for 6 months nung high school, nagsisisi ako na I let her go. But ok lang kasi ako nakauna sa ganda nya.. Can’t forget those romantic and hot memories of ours.

  4. Dont worry Tin andito parin kami para sayo…….” Pangako namin Yna Sayo”””””””

    Goodluck Tin we miss u…… Ikaw parin ang number one & original na Dyosa…….

  5. b0g0y – I was the first one to read this article. FYI. Kristine Reyes ang asa title at first. Obviously, nabasa na ng author kaya binago at na-correct. Kaya naman, tama na ang binabasa mo ngayon. Got it? Thanks to me! hahahaha

  6. kristine,ur one of the most beautiful faces in showbiz..cant wait to see u again on tv………huwag mo na lang pakinggan yang mga naiinggit sayo…….ganyan talaga,pag maganda and magaling daming inggit…..

    • BAKET, INGGIT KA DAHIL PANGIT KA AT WALA NG PAGASA PANG GUMANDA? IF YOU WANT TO LOOK LIKE HER, GO TO DR. BELO, BWAHAHAHA!

      • sorry po,kung na offend ka yata,bakit k b masyadong irritated,di po ako ingitera at lalong hindi ako panget so, thank u na lang dahil hindi ko pa naman need si dr.belo.maganda talaga si kristine no question abt that,pero sa i dont like her e,so ano problema mo don,RELAX KA LANG baka umapoy at umusok na ilong mo.

      • PEACE!relax ka lang bkit k b high blood.its just my opinion and we are in a democratic country so,i will really mind my own business,kaya peace talaga para sa mukha ko ,well thanks anyway for wishing me peace.

    • ako naman, i honestly don’t like some of the stars dahil ang paplastik. pakitang-tao ang kabaitan sa marami para mapakinabangan nila ang publiko sa kanilang pagpapayaman kaya todo-pa-sweet at kung anu-ano pang kabaduyan ang pinaggagawa na kahit lamok at langaw, hi nang hi at hello nang hello. yuck!

      kung ganyang pang-uuto ang gawin nila, kay kristine na ako.

  7. I’m wondering bakit pinipilit ng ABS-CBN na tanggapin uli si kristine eh matagal ng laos yan noh..ang lakas siguro nito sa mga big boss ng dos. SIR! nasusuka na ang mga tao sa pinipilit nyong i build-up na career ni Kristine Hermosa.
    Pati na rin sa mukhang white lady na bangag na si Kristine Reyes,..wag na please…

    • SIMPLY BECAUSE SHE’S STILL ONE OF THE MOST BEAUTIFUL FACES IN THE SHOWBIZ WORLD. KAHIT HINDI KITA KILALA, I CAN FEEL THAT YOU ARE NOT ONLY PHYSICALLY UGLY BUT UGLY INSIDE AND OUT. GET A LIFE!

      • well,to tell u honestly,oo mas like ko si pokwang.and i dont see anything wrong with that.and pokwang is not boring.

      • I HAVE NOTHING AGAINST POKWANG, MATTER OF FACT I LIKE HER AND SHE AMUSES ME EVERY TIME I WATCH HER ON TV.

    • you’re wondering na pinipilit tanggapin ng ABS na tanggapin uli si kristine? ako naman, i’m wondering na bakit pilit pinalalaos ng abs si tin? dahil ba sa greatest love ni deo na si do? just asking.

      • Yup! The greatest love of Diet si Deo, kaya hindi niya maiwan-iwanan ang ABS-CBN eh, mawawalan siya ng career. Kaya pagdating niya dito sa San Diego, iba naman ang kanyang nilalaro, si Dr. C, hahaha!

  8. another wasted talent of abs..due to here primadonna attitude eto nasaan na career?…sa kangkungan..buti sana kung sa pansitan kaso wala nang ningning…tsk tsk..magbold ka kaya baka sakali mabuhay pa yang patay na career mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.