Kristine Hermosa, balik sa pagiging pasaway? – Archie de Calma


NGAYON PA LANG, ginagawan na ng kung anu-anong intriga sina Marian Rivera at Rhian Ramos, na kesyo may insidenteng nag-isnaban sila sa isang event. Dinenay naman ni Rhian ito. In fact, she made beso pa raw kay Marian nang magkita sila roon. Mukhang ang pinag-uugatan nito ay ang pagtatambal nina Rhian at Dingdong Dantes sa bagong GMA-7 Koreanovela adaptation na Stairway to Heaven.
Nalalagay si Dingdong sa alanganin dito, pero naniniwala siyang hindi siya dapat mag-take sides dahil wala namang isyu. Para kay Dingdong, both Rhian and Marian are sensible enough not to be affected by these intrigues, lalo na’t magkahiwalay nang nagtatrabaho ngayon sina Dingdong at Marian at ang una’y naitatambal na rin sa iba, gaya nga ni Rhian.
Pero, nasabi nga ni Rhian in an interview na siya ang tipong madaling ma-in love, pero marunong daw siyang mag-control. “Almost” ang nagamit niyang term kaugnay ng pagkakamalapit nila ni Richard Gutierrez dahil ilang ulit na rin silang nagtambal sa ilang palabas ng GMA-7. Naitanong kay Rhian ang posibilidad na mahulog ang loob niya kay Dingdong dahil lahat naman daw ng babae ay madaling mahahaling dito.
Kaya lang, idiniin ni Rhian na hindi niya ugaling mang-agaw o kumuha ng hindi sa kanya. Alam daw niya kung sino ang para talaga sa kanya, at kung sino ang hindi.
Hindi naman direktang masagot ni Dingdong ang posibilidad na mabaling pa sa iba ang atensiyon niya ngayong hayagan ang relasyon nila ni Marian. Basta, ang nararamdaman niya, worth fighting for ang relasyon nila ni Marian at hindi naman ito basta mawiwindang nang ganoon lang.
Well, tingnan na lang natin.

KUMALAT ANG CHIKANG kesyo nagiging pasaway na naman daw si Kristine Hermosa at any moment ay titigbakin sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw ang aktres dahil kinararamdaman na naman ito ng pag-iinarte. Ilang may kinalaman sa produksyon ng nabanggit na teleserye ang magpapatunay na walang isyung ganito.
Smooth sailing ang lahat sa pagtatrabaho ni Tintin. Kaylaki nga raw ng ikina-mature nito at kung hindi raw uubra ang isang bagay, talaga raw sinasabi na kaysa naman makaistorbo o makaapekto ng mga katrabaho niya.
Hindi raw sinimulan ang taping ng Dahil May Isang Ikaw nang hindi sigurado ang management ng ABS-CBN sa kooperasyon ng kanilang mga artista, lalo na si Tintin na siyang pangunahing leading lady nito. Hindi na ito pinansin pa ni Tintin at ng kampo niya dahil mga tao na sa produksiyon ang makapagpapatunay, kahit nga lumalabas na nanggagaling din daw ito sa mismong taga-production.
Walang mairereklamo kay Tintin, at kitang-kita naman na nagbabalik ang init ng tambalan nila ni Jericho Rosales. Nangangahulugan na namahinga lang ito at hindi naman talaga nawala, at ang makapagpapatunay ay ang lakas nito sa ratings.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

21 thoughts on “Kristine Hermosa, balik sa pagiging pasaway? – Archie de Calma

  1. malakas parin hatak ng eco tin tin loveteam.pinapanod ko serye nila, ang galing nila lalo na sina lorna at gabby.bagay talaga tin tin eco kesa tin tin diet..matapos ko panoorin ang kapamilya lipat naman ako sa kapuso kapag ding dong at rhian na. yun piolo at kc eeeew i bagay.pero gustong gusto ko mukha ni piolo..kaso kinikilig talaga ko kay ding at rhian.very refreshing ang dating..

  2. wala na silang ibato kay kristine kundi pasaway. hay naku, ang mga pilipino talagang walang magawa sa buhay o puwede ring gawain na ang manira para pagkakakitaan.nakikita ko naman na very cooperative si tin sa mga co-stars niya. sa asap nga nagbibiruan pa sila nina gabby at lorna, yan ba ang pasaway? ang bait namang pasaway ni tin kasi di nagmumura at di mahilig magtalak kaya na-misterpret ang pagiging tahimik. gusto yata ng mga intrigang reporters na pare-parehong walang breeding ang mga artista. ewwww!

  3. ang ganda ng kwento ng dahil may isang ikaw, hindi katulad ng ibang teleserye. magagaling ang cast at bagay na bagay kay echo at tin ang mga roles nila.

  4. eh sino ba nang-iintriga dun sa mga starlet eh di sa kampo lang nila promotion nga naman tpos pasa pasa sa mga bayarang manunulat kaya nmamatay na ang mga tsismis mags kc wala na kredibilidad di gya nung araw nku yumayaman ang mga reporter ngayon ang mayayaman nalang yung columnista na manok ng dalawang istasyon syempre naambunan ang mga alipores…di na masyado sikat ang mga manunulat ngayon yung mga datihan parin na mga gurang na ang kilala ng madlang people..

  5. Sa lahat ng mga distractor ni Tin2x maingit kayo ng bonggang2x kc kahit anung gawin nyo magaling na artista c Tin hindi nyo say kayang pabagsakin. Ingit lang yan kc mataas ang ratings ng DMII, hindi katulad ng katapat kahit anung gawin lagapak parin……………….

    try nyo kasing manood para malaman nyo ang kagandahan ng story ng DMII……..

    Congrats to the cast & crew !!!!!!!!!!!!!!!!! Another big hit like Tayong Dalawa…….

    • Ikaw ba yan taga States? states of calamity, sobrang obsessed ka talaga sa age ni Kaye ha, siguro matandang dalaga ka kaya ka galit na galit sa edad na 28? kasi tripple na age mo! 28 x 3 tsk tsk

    • hindi mo ba alam na si Marian Harot ay siguradong binawasan lang ni PC ang edad just like Dennis Trillo, press release 25 lang daw siya yun pala eh, magti-trenta na, binuking pa ni Carlene Aguilar, at tsaka pwede ba hindi na siya mukhang 25 lang, mukha na siyang lampas 35

  6. ang ibang tao kasi sumakay naman sa gimik na may isnaban kuno.. gimik pala ng kampo ni rhian para sa promo ng STH..

    hindi type ni Richard si Rhian kaya never naging isla LOL!
    si JC de vera lang ang na link kay Rhian ewan kung sila pa ba ngayon! palygirl kasi!

    kay Kristine naman i think nagbago na siya hindi na masyadong maldita gaya dati..

    • Kung may nang isnab, siguro si Marian. Nagselos raw kasi. Tama si Rhian. Hindi niya ugali ang mang agaw. Umiyak si Marian dahil tinamaan. Ang sabi naman nang isang nakakita kung bakit umiyak si Marian, sumama raw ang loob niya dahil sa picture nilang dalawa ni Rhian na magkatabi. Ang kinis nang binti at hita ni Rhian. Si Marian naman, may writer na sumulat na nahirapan daw sa costume niya dahil maraming cellulite si Marian sa hita. Iyon lang. . .

      • ows? talaga?

        sa pagkaganda-gandang mukha at hubog ng katawan ni marian magseselos?

        stop using marian for rhian’s publicity!

        oh please… get a life!

        wala ng sense mga pinagsasabi ninyo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.