Kristine Hermosa at Oyo Sotto, excited na sa paglabas ng kanilang babay girl

NAGKAROON KAMAKAILAN si Kristine Hermosa ng baby shower sponsored by ABS-CBN’s StarStudio. The baby shower which had a 1940’s to 1960’s theme was attended by family and friends of Oyo and Tintin.

Sinabi ng kaibigang Dina Bonnevie, Oyo’s mom, “I’m sure magiging beautiful ang baby dahil maraming pagmamanahan na magaganda at guwapo. No doubt.”

Nagkaroon ng pagkakataon ang The Buzz na makausap ang showbiz couple after the party. Kuwento ni Oyo, hindi na mahirap matulog si Tintin ngayon. Sabi naman ni Tintin, “Wala talagang morning sickness so thank God! Hindi ko alam kung totoo iyong lihi-lihi although siya (Oyo) gusto ko siya lagi kasama. ‘Di ko alam lihi iyon pero gusto ko, siya lagi ang nakikita at kasama. Parang hindi siya makapaniwala, grabe may gumagalaw sa loob. Nakikita mo na minsan uneven na iyong tummy mo dahil galaw siya nang galaw. Kapag nag-u-ultrasound kami buong-buo na pala siya. Amazing lang. Ang alam ko may cleft chin siya.”

Dagdag pa ni Oyo, “Although iyong cheeks niya talagang ganoon, mataba talaga. Saka iyong fingers niya mahahaba, nagmana kay Tin. We prayed about it. Gusto talaga namin na girl ang unang baby namin ni Tin.”

They are praying for a normal delivery. Baka ngayong December o January raw manganak si Tintin.

They will name their baby Ondrea Bliss. “Naghanap kami and then finally, God spoke to us. Ito iyong pangalan niya. Ang ibig sabihin ng Ondrea [ay] strong and courageous, iyong Bliss it means unmeasurable joy. Iyon ang pareho naming nararamdaman. Gusto naming maging strong and courageous si Ondrea,” paliwanag ni Tintin.

Excited na rin daw ang kanilang first son na si Quiel who is now three years old sa pagdating ng kanyang baby sister.

Inamin ni Oyo na malaki ang kanyang ipinagbago simula nang magkaroon siya ng sariling pamilya. “Dati, sarili ko lang iniisip ko. Laging ako. Ngayon, iyong mga kinikita ko sa kanila napupunta. Iyong responsibilities mo lumalawak and dumarami. ‘Di na lang simpleng kailangan mong gumising at tumayo. Hindi na. Pagkagising ko, kailangan ko silang i-check kung okay ba sila. Maya’t maya tatawag ka kung okay lang ba sila.”

Kahit daw nasa kalagitnaan pa siya ng taping at manganganak na si Tintin ay bibiyahe siya pauwi. Magkalimutan na daw ng trabaho huwag lang ang kanyang baby.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Kristine Hermosa at Oyo Sotto, excited na sa paglabas ng kanilang babay girl

  1. To Oyo and Tin, there’s no greater miracle than the birth of a new baby and i hope you find big doses of happiness in your little bundle of love; You’re so lucky to have found each other. CONGRATULATIONS!

Leave a Reply

Your email address will not be published.