Kristine Hermosa at Oyo Sotto, excited na sa kanilang panganay

KRISTINE HERMOSA AND Oyo Sotto were recently spotted at the Star Magic Ball. Tintin is now five months pregnant. The two were very sweet at talagang makikitang alagang-alaga ni Oyo si Tintin.

Larawan si Tintin ng isang excited na first-time mom. She has that pregnant glow. Sinabi ni Oyo na gusto muna nilang siguraduhin kung girl talaga ang kanilang baby bago nila ito bigyan ng pangalan.

Excited na ang dalawa sa kanilang firstborn. “Happy, kinakabahan na may takot. Masarap iyong feeling. Siyempre very thankful kami kay God kasi alam naming answered prayer din talaga,” kuwento ni Oyo.

Maging ang kanilang parents na sina kaibi-gang Vic Sotto at Dina Bonnevie ay walang pagsidlan ang kaligayahan. Hindi na pressured ang young couple ngayon dahil sa wakas ay mabibigyan na nila ng dagdag na apo sina Vic at Dina. I’m sure ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang kung sino kaya kina Oyo at Tintin ang magiging kamukha ng baby.

Like other first-time parents, Oyo and Tintin are already preparing for the coming of their first baby. Sabi ni Oyo, “I read stories to the baby. Sabi nila maganda raw iyon ‘pag binabasahan mo ng stories tapos pinapakinig mo ng classical music. So every night, bago kami matulog, may music iyan saka story pero ‘pag may work ako, music lang.”

Pero hindi tulad ng ibang buntis, wala raw cravings si Tintin. In fact, she still goes to the gym to keep fit and healthy.

Lalong tumatamis ang pagtitinginan nina Oyo at Tintin lalo pa’t magkakaroon na sila ng baby. The two started as good friends na nauwi sa pag-iibigan. “Siyempre, mas naging intimate kami. Kumbaga, parang mas klarong-klaro na husband and wife na talaga. Although ganoon naman talaga magmula noong wedding. Siyempre iba lang ‘pag may panibagong member ng family,” says Tintin.

Babies are always lucky. Let’s all pray that Tintin will not have a difficult time with her pregnancy and that she will have a safe delivery.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Kristine Hermosa at Oyo Sotto, excited na sa kanilang panganay

Leave a Reply

Your email address will not be published.