Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, tipid pa rin ang sagot sa isyu ng kasalan

ANO NGA BA ang totoo tungkol sa kasalang Kristine Hermosa at Oyo Sotto? May mangyayari nga bang wedding next year gaya ng ni-reveal ng kaibigan nating si Dina Bonnevie, Oyo’s mom? Dina disclosed na lumipad sila kamakailan patungong Canada para mamanhikan sa pamilya ni Tintin. At wala naman sigurong masama kung magpakasal sila dahil inamin na ni Tintin sa SNN: Showbiz News Ngayon na sila nga ni Oyo.

Tintin and Oyo were recently seen at the Us Girls August Awards 2010 at the Icon Bar, Intercontinental Hotel kung saan nanalo si Tintin ng Face of the Year Award (tie sila ni Kim Chiu).

Hindi sila nakawala sa mga mapanuring press na nandoon during the event. They were barraged with questions regarding their upcoming wedding. Pero matitipid lang na mga sagot ang kanilang ibinahagi sa press. “‘Di ko rin alam, eh. Nagulat lang din ako. Basta kung ano ‘yung sinabi ni mommy, ‘yun lang muna, then malalaman n’yo naman kung ano ‘yung mga mangyayari,” Oyo said.

At nang tanungin si Tintin ng ABS-CBN.com kung kuntento ba siya sa kanyang buhay ngayon, “Oo naman. Super happy. Super,” ang kanyang maikling sagot.

Kung noon ay tahimik sina Tintin at Oyo tungkol sa real score ng kanilang relasyon, ngayon they are quiet about the wedding issue. Pero pasasaan ba at malalantad din ang katotohanan tungkol sa kanilang napapabalitang wedding. Basta ang malinaw ngayon sa mata ng publiko ay in love sila sa isa’t isa at we should give it to them. And that’s the bottomline!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, tipid pa rin ang sagot sa isyu ng kasalan

  1. MAS PROFESSIONAL PA ANG DALAWANG BATANG ITO KAYSA KAY BINOE AT MARIEL. TAHIMIK LANG SILA. SI BINOE AT MARIEL, MARAMING PAKULO. NAGPAPAKA BAGETS, ANG TANDA TANDA NA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.