Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, puspusan na ang paghahanda sa kasal

MUKHANG PUSPUSAN NA ang ginagawang wedding preparations nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto para sa kanilang nalalapit na pagpapakasal. But until now, the couple has not fully disclosed the important details regarding their upcoming wedding. Ang alam lang natin ay next year ang wedding gaya ng ni-reveal ng kaibigan nating si Dina Bonnevie, Oyo’s mom. “Basta next year. Iyon lang muna ang p’wede kong sabihin,” sabi ni Tintin nang makorner siya kamakailan ng The Buzz.

What are their wedding plans? Kailan at saan gaganapin ang kanilang kasal? Sinu-sino ba ang mga kasama sa wedding entourage? Ito ay ilan lang sa mga katanungan na naghahanap ng kasagutan mula kina Tintin at Oyo. The only thing that is sure about their altar date is that it is going to be a simple and very intimate wedding.

Masaya namang ipinakita ni Tintin ang kanyang engagement ring.

Hands-on daw sila ni Oyo sa kanilang wedding preparations pero hindi pa rin nila nakakalimutan na hingin ang payo ng kanilang mga magulang. Kumusta ang kanilang paghahanda? “Okay naman. Fun saka exciting talaga. Medyo nakakakaba rin,” she said.

They decided not to invite their ex-partners in their upcoming wedding. “As much as I want to kasi siyempre naging parte din naman iyon ng buhay ko, saka si Oyo, may mga naging parte rin ng buhay niya… parang, siguro magse-separate party na lang, pero on that day kasi no ex-es na lang muna,” Tintin disclosed.

Although it is her second time to get married matapos mapawalang-bisa ang kanilang kasal ni Diether Ocampo, pakiramdam daw niya ay bagong karanasan pa rin ito sa kanya. “Yung first one, biglaan, hindi naplano, parang sobra kaming innocent, parang wala kaming alam at all. Ito ‘yung first time na with all the happenings talaga and preparations. Parang first time pa rin.”

Kamakailan lang ay napabalitang lihim silang nagpakasal ni Oyo. May mga kumalat kasing mga photos na naka-veil si Tintin pero kapansin-pansin naman na wala roon ang mga malalapit nilang kapamilya. Kaswal lang ang suot niya at tila nagkakatawanan pa ang lahat nang inaalalayan siya ni Oyo sa altar. It turned out that the photos were taken from a website ng Christian Fellowship kung saan kabilang sina Tintin at Oyo. They attended a marriage preparation activity. “Hindi siya kasal. Parang isa sa mga seminars, hindi iyon rehearsal, sobrang aga naman nun,” pagde-deny ni Tintin.

Abangan na lang natin ang takdang panahon when Tintin and Oyo will finally reveal to the public the details about their much-awaited wedding.

Kaibigan, usap tayo muli!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

9 thoughts on “Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, puspusan na ang paghahanda sa kasal

  1. Hoy Boy Abunda.Paulit-ulit mo nang sinasabi na this is Kristine 2nd time to get married,null and void naman ang nauna so it means wala talagang kasalang nangyari.Naintindihan mo Boy Abunda?Walang kasalang nangyari at salamat naman kasi yung Diether Ocampo ay toyboy ni Deo Endrinal na kabigan mo at friend din ni makating Kris Aquino.Huwag mo nang isama c Diether Ocampo sa article mo about Kristine kasi ang magkatriangle Deo-Diether-Kris.Gets mo bakla?

    • AGREED! KAHIT ANONG ANGGULO, MAGANDA SI TIN-TIN, AT PWEDENG-PWEDE SIYANG MAKAKUHA NG LALAKING MAGMAMAHAL SA KANYA NG TAPAT. SANA LANG EH WAG SIYANG MAGMANA KAY VIC NA BABAERO AT WAG SIYANG LOLOKOHIN NI OYO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.