Kristine Hermosa at Jericho Rosales, may kakaibang kilig as a loveteam – Boy Abunda

MAY MGA TAONG nakakakilig panoorin na magkasama on-screen because they look good together and they have great chemistry. Hindi naman kailangan na ang magka-loveteam ay magkaroon ng relasyon sa totoong buhay para maging patok sa mga fans. Pero malaking bagay ‘pag tinototohanan nila. Noong panahon namin – parang walang impiyerno – lahat langit – basta magkasama lang sina Guy at Pip!

May kakaibang kilig ang loveteam nina Kristine at Jericho. Marami sa kanilang fans ang hindi nawalan ng pag-asa na balang-araw ay magsasamang muli sa isang proyekto ang kanilang mga idolo. And now after five years, the long wait is finally over because Tintin and Echo will reunite in ABS-CBN’s new primetime teleserye Dahil May Isang Ikaw. At kahit alam ng iba na wala naman talaga, parang merong pag-asa na muling maging sila. Kahit sandali lang na lokohan, titigan, biruan – nakakakilig pa rin silang panoorin.

Maraming beses nang nasubukan ang kanilang lakas sa ratings at sa takilya. From their television shows Ang Munting Paraiso, Pangako Sa ‘Yo at Sana’y Wala Nang Wakas hanggang sa kanilang mga movies tulad ng Trip, Forevermore at Ngayong Nandito Ka.

Ano nga ba’ng meron ang loveteam nina Tintin and Echo? Parang walang paliwanag. Basta, meron lang dating ang kumbinasyon nila.

Obvious na they have become very good friends. They have become more comfortable with each other and they can now talk about the past and the present. Nakatutuwa ang mga hirit ni Tintin during their guesting on The Buzz dahil natatameme si Echo. It was so easy for Tin to unsettle him. Namumula si Echo at kitang-kita kong nanginginig siya. He was groping for the right words when Tin asked him why he left her.

Marami ang nagtatanong kung posible pa bang magkabalikan ang dalawa. Tintin is now happy with rumored boyfriend Oyo Sotto while Echo is said to be in good terms again with Heart Evangelista. Pero gaya nga ng madalas nating sabihin, anything is possible. Tingnan natin.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Kristine Hermosa at Jericho Rosales, may kakaibang kilig as a loveteam – Boy Abunda

  1. kala ko si jinkee pacquio ang katabi ni jericho. hahahaha jericho mag echo ka naman kahit panu sa pamilya mo sa bicol.

  2. nako, lumang luma na ang style ng showbiz na ginagawan ng storya na may KILIG factor pa ang dalawa.. Pinapanood ko ang mga guestings nilang dalawa recently pero sad to say wala nang spark… i was an echo-tin watcher of their soaps before from PSY to SWNW, pero now, mukhang wala na yatang spark now…. buti pa yung tandem ng ECHO and CARMEN, may sexual chemistry ang dalawa sa KIS… but still, I will watch DMII kasi andun si Ms. LT and Gabby..

  3. yes we agree! d ba nga na frozen delight ang dalawang to dahil nalaos. nawala nga ti jericho sa asap. ngayon na nakabalik OA naman sa pa epek nya sa stage. si krisyine gasgas na ang name sa mga eskandalo so d na sya fresh.

    may nasagap kaming tsismis, how true na ang pamilya ni jericho in bicol masama ang loob sa kanya kasi never sya make tulong sa pamilya nya financially. pero minsan sana naman maintindihan ng pamilya nya na ang kinikita nya dito eh baka kulang pa sa needs nya. kaya nga d ba mga outfit ni jericho kung hindi nasuot na la na sa uso kaya nga nag dodoble sya ng damit.

  4. SUS BOY ABUNDA MANGARAP KA. MGA LAOS NA ITONG DALAWA. STLYE NYO BULOK PURO KAYO LIGAW SI GANITO KAY GANIRI DAHIL LANG MAY TELESERYE O PELIKULA WALA NA BANG IBANG ISSUE. SABAGAY SA DALAWANG ITO KAHIT ANUNG ISSUE GAWIN NYO WALANG MANINIWALA.

    HAHAHAHA KAMUKHA NI HERMOSA SI JINKEE PACQUIAO AT SI ROSALES HAWIG KAY GARY VALENCIANO. MUKHA NA CLANG MAGKAPATID NI GAB VALENCIANO NA UBOD NG PANGIT, TAWAG NAMIN DUN SI TATSULOK ANG TULIS NG MUKHA HAHAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.