Kristine has her eyes set on Oyo Boy

KRISTINE HERMOSA ANSWERED the 10 hot questions on The Buzz’s Tough Ten segment. She is one of the most beautiful faces in showbiz. She starred on ABS-CBN’s top-rating teleseryes like Pangako Sa ‘Yo, Sana’y Wala Nang Wakas, Gulong ng Palad and Prinsesa ng Banyera.

Ngayon, muling mapapanood si Tin-Tin sa Komiks Presents: Mars Ravelo’s Nasaan Ka, Maruja? na mag-uumpisa na sa May 2. Ang Maruja ay isang kuwento sa komiks na sinulat ni Mars Ravelo. It was adapted as a 60’s horror film classic starring Ms. Susan Roces and Romeo Vasquez. Nagkaroon uli ito ng remakes na pinagbidahan nina Ms. Susan at Phillip Salvador (1978) at Carmina Villaroel at Rustom Padilla (1996).

She mentioned Dawn Zulueta, Lucy Torres-Gomez and herself as the most beautiful women in showbiz.

Tin-Tin had a hard time answering when I asked her to rank kung sino ang pinakaguwapo kina Marvin Agustin, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Oyo Sotto.

Naniniwala raw si Tin-Tin na lahat ay may good timing kay God and He knows what’s best for her.

Dapat daw abangan ang Nasaan Ka, Maruja? because this is her first time to do a horror-suspense drama. Ito rin ang kanyang unang pagkakataon na makasama sina John Estrada, Derek Ramsay at Karylle.
Tin-Tin shared the lessons she learned about love. “You have to be patient especially in making big decisions. Dapat huwag mawala si God sa decisions.”

Ang pinakamatinding bagay na ginawa niya sa ngalan ng pag-ibig ay ang pagpapakasal. Does she regret it? “No. Marami akong natutunan. I learned a lot from Diet. We’re friends. We don’t talk much, but we’re friends. Mabuting tao si Diet.”

Tin-Tin always says sorry kapag alam niyang may mali siyang ginawa.
She said God, her family and friends, people who support her, Oyo’s family, Oyo and Danica make her happy.

Hindi man diretsang inamin ni Tin-Tin ang totoong relasyon nila ni Oyo, makikita mong espesyal ang binata sa kanya. “Iisa lang ang puso ko at definitely nasa puso ko siya.” I asked her kung mag-isa ba si Oyo sa puso niya. “Nag-iisa,” was her short reply.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.