Kristine at Oyo, masaya sa piling ng isa’t-isa!

Hindi man sila open kumpara sa mga dati nilang nakarelasyon, halata namang masaya sa piling ng isa’t isa sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Madalas nga silang nakikita sa mga showbiz and non-showbiz events. Tahimik lang sila, pero makikita mong sobra silang in love at pinapahalagaan nila kung ano ang meron sila.

Natutuwa kami sa mga larawang nakunan ng kinikilig na kamerang-gala sa US Girls August Awards 2010, kung saan binigyan si Kristine ng Face of the Year Award. Maingat, pero sweet na sweet sina Tintin at Oyo. Balitang sa 2011 na raw ikakasal ang dalawa at pakiramdam namin ay nahanap na nila ang perfect match sa isa’t isa.

By Mica Rodriguez

Photos By Parazzi Wires

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Kristine at Oyo, masaya sa piling ng isa’t-isa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.