Kristel Moreno, plans to be a cover girl for sex mag?

NINETY-NINE PERCENT na ang posibilidad na maging cover ng isang sexy Magazine si Kristel Moreno.

Kung nitong mga buwan after her debut noong Jan. 14, tanggi nang tanggi ang dalaga at kanyang manager, mukhang tuluyan na silang makukumbinsi dahil sa napakagandang concept ng cover pictorial.

“Inspired daw po ng mga nude paintings ni Fernando Amorsolo ang gagawin. Eh, tagahanga ni Amorsolo ang manager ko, kaya’t pumayag siyang makipagmiting sa editor ng magazine. Actually, ang handler kong si Ana Yambao ang nag-propose ng cover pictorial. I have naman daw the body, so why turn down this opportunity. Nagpakita pa sila ng pegs at ilang sketches ng mga poses na ipapagawa nila sa akin. Pati tuloy ako, na-impress din,” katuwiran niya.

Actually, hindi naman hubad ang theme ng pictorial. Susunod naman daw ang publication sa terms and conditions na ibibigay ni Kristel.

Iko-consider din nila ang pagiging fresh-looking nito, pati na rin ang mataas na standard ng ABS at Star Magic, kung saan siya nakakontrata. Timing din dahil patapos na ang Betty La Fea, kung saan kauna-unawa namang nagbabawal na mag-pose siya ng sexy, dahil for general patronage ang teleserye nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kung saan siya in-introduce.

Right after her last day taping for Betty…, nai-isked siya agad ng kanyang handler sa isang guest appearance sa pelikula nina Bea at Sam Milby, kung saan mayroon na agad siyang kissing scene. “Kahit hindi ko crush si Sam, hindi naman kasi lahat ay nagkakaroon ng chance to kiss or be kissed by him, ‘di po ba? He was too much of gentleman pa, dahil nag-toothbrush pa siya at nagpaalam na hihipuan niya ako sa kamay at baba before the kiss. Instant fan na niya ako ngayon.”

May 17 sequences din siyang na-tape for Kambal Sa Uma kaya, posibleng isang buong week siyang mapapanood sa bagong teleserye nina Shaina Magdayao at Melissa Ricks.

Makatulong kaya kay Kristel ang sexy cover pictorial kung saka-sakali?

LIMANG TAON PA pala ang hihintayin ni Direk Paul Soriano bago niya magawang Mrs. Paul Soriano si Toni Gonzaga.

Ito ang wika ni Toni sa isang kaswal na interview noong Huebes. “Alam ko naman na makapaghihintay siya,” katwiran niya. “Matiyaga iyon. Tsaka, pareho kaming may dapat pang patunayan. I am renewing may contract with ABS and ASAP, and that means, marami-raming trabaho na naman ang maa-assign sa akin. Paul also is into directing commercials. But, the big ‘but’ is, nagagawa pa rin naming mag-bond despite our busy sched. Naglagalag nga kami sa Tagaytay noong Holy Week. Isang araw lang iyon, pero singad-sagad namin. We started the day at 7am by going horseriding. Nag-swimming din kami.

Hayan tuloy, nangitim ako. Promise ko sa sarili na magpaputi agad, dahil ayoko namin masabi nilang mas maputi sa akin si Paul at mas makinis pa. Siyempre, mas mabuting maputi lagi ang girlash, ‘di ba?”

Kung may problema ang tambalang Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa pelikula gagawin nila, sina Toni at Vhong Navarro naman ay walang-wala raw.

“Hindi kasi kami magka-love team ni Vhong, kaya walang fans na magpo-protesta,” explain niya. Toni is looking forward though sa pagsasama nilang apat sa pelikulang nakahanda na mula sa Star Cinema.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

5 thoughts on “Kristel Moreno, plans to be a cover girl for sex mag?

  1. who is she?i mean that kristel not toni?never heard her name b4 i thought its kristel sa going bulilit..naintriga tuloy ako starlelilet lang pala

  2. D ko rin kilala, hehe. Palagay ko d p laos kc nag-uumpisa palang. Obvious ba na gagawin lahat para mgkapangalan. Goodluck (anyhow na bangus)Laos cguro pg nakilala na at biglang na-lost. Am i right, or left? Peace :)

  3. D ko rin kilala, hehe. Palagay ko d p laos kc nag-uumpisa palang. Obvious ba na gagawin lahat para mgkapangalan. Goodluck (anyhow na bangs)Laos cguro pg nakilala na at biglang na-lost. Am i right, or left? Peace :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.