Kristel Moreno, palaban sa bed scene! – Eddie Littlefield

MALAYO NA NGA ang narating ni Kristel Moreno. Pinatunayan niya ito sa mga makabuluhan niyang pagganap sa iba’t ibang drama series ng ABS-BN plus movies with Star Cinema. Naghintay, nagtiyaga na balang araw ay mapag-uukulan nang pansin ang kakayahan niya sa pag-arte.

Hindi nga nagtagal, binigyan si Kristel ng launching movie ng Legalas Entertainment, ang Pitas, with Sid Lucero. Ganoon na lang ang pasasalamat ng dalaga sa mga taong buo ang tiwala sa kanyang makakamit ang tagumpay na pinapangarap.

Totoo nga, nagpaka-daring na si Kristel sa kanyang solo movie. Bigay-todo to the max sa maiinit nilang eksena ni Sid. Ayon kay Direk Joey Romero, walang kiyeme sa paghuhubad ang dalaga para maging makatotohanan lang ang eksena nila ng magaling na actor. “Closed door ‘yung bed scene nina Kristel at Sid, ilan lang kaming nasa kuwarto. Ipinaliwanag ko ang gagawin nila, kailangang very intense ‘yung lovemaking nila. Maganda ang kinalabasan, hindi ko akalaing ganoon kagaling si Kristel. Marunong umarte, palaban at walang kaarte-arte sa mga sexy scene,” banggit ni Direk Joey.

“She’s an actress, nagawa niya nang tama ‘yung role na ginagampanan niya. Malayo ang mararating ng batang ito, napaka-professional sa trabaho, always on time, ready for take pagdating sa set. Always prepared kaya hindi ako nahirapang idirek siya,” pagmamalaking sabi pa niya.

Maging ang leading man niyang si Sid ay bumilib kay Kristel sa husay nitong umarte. “Para siyang hindi baguhan, may focus sa trabaho, mabilis ang pick-up and she can act. Masarap kausap, madali agad kaming nagkapalagayan ng loob, friendly siya at hindi mahirap pakisamahan,” sey ng actor.

Sa gandang taglay ni Kristel, hindi kaya nadarang si Sid sa nagliliyab nilang eksena? “Maganda, sexy si Kristel, kahit sinong lalaki tiyak na magkakainteres sa kanya. Ako, as an actor ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko. Hindi ko nilalagyan ng malisya kapag kinukunan na ‘yung love scene naming dalawa. Ayaw kong isipin nila na nagte-take advantage ako, mahirap na. Dapat nakaalalay ka lang sa kanila kapag maselan ang eksenang kukunan,” paliwanag ng magaling na actor.

Kailangan bang magpaka-daring si Kristel para sumikat ? “Bago ko naman po tinanggap ang project na ito, binasa muna namin ni Mama ang script. Nagandahan kami sa istorya kahit may mga eksenang kailangan kong magpaka-daring, okey lang po. Respetadong director po si Direk Joey, alam kong matinong pelikula ang gagawin namin. Ginawa ko lang po ang dapat para sa ikagaganda ng pelikula. At first, medyo nagkakailangan pa kami ni Sid, kasi first time kong makikipag-love scene in front of the camera. Hindi naman po ganu’n kadaling gawin ‘yun.

“Sabi ni Direk Joey, sa love scene namin ni Sid, kailangang  maramdaman ng manonood ‘yung passion namin sa isa’t isa. Bago nga po kinunan ‘yung maselang eksena namin, nag-review muna ako ng mga love story (English films) sa DVD para makakuha ng pointers sa love-making. Sa actual take, binusisi ni Direk, iba’t ibang anggulo ang kinunan sa amin ni Sid. Kahit paulit-ulit, okey lang, happy po ako sa kinalabasan. Hindi bastos, very artistic,wala akong regrets,” pahayag ni Kristel.

Inamin ni Kristel na sobra siyang nahirapan sa rape scene nila ni Bembol Roco. Kahit nagkapasa-pasa ang buong katawan, hindi niya ito ininda, maging makatotohanan lang ang eksena. “Inalalayan naman po ako ni Tito Bembol at ni Direk para hindi ako masaktan. Ayaw ko naman pong maging fake ‘yung rape scene. Ako na ‘yung nagsabi kay Tito Bembol na gawing parang totoo ‘yung scene namin. Siyempre, nanlaban ako, hindi maiiwasang masaktan ako. After that rape scene, kinabukasan, masakit ang buo kong katawan. May mga pasa na ako sa hita’t braso, nag-black and blue but worth doing it naman po!”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Kristel Moreno, palaban sa bed scene! – Eddie Littlefield

  1. puro satsat lang ang naririnig namin dito sa starlet na ito..kung may ipakikita ilabas na..hubad na may fhm naman para makita namin…yang gimik na yan lovescene kuno eh wag na ninyo kaming lokohin…papuputol ko kamay ko kung magpakita ng nipples yan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.