Kristel Moreno, maghuhubad na sa launching movie – Eddie Littlefield

NAGBUNGA NA ANG pagsisikap ni Kristel Moreno na maging isang ganap na bituin sa launching movie niyang Pitas na ididirek ni Joey Romero under Legalas Entertainment. Ginanap ang storycon sa “Puti” Bar & Lounge kailan lang. Present ang buong cast na kinabibilangan nina Sid Lucero as his leading man, Francine Prieto, Bembol Roco, Rio Locsin at ang baguhang si Greggy Santos.

This time, mature role (goodbye na sa pa-tweetums image) na ang gagampanan ni Kristel, magpapaka-daring na nga siya. May torrid kissing scene and bed scene with Sid. Matindi rin ang rape scene na kukunan sa kanila ni Bembol. “Super excited po ako sa project na ito, kailangang siguro may workshop kami ni Sid para nakakapag-bonding kami kahit one day lang. Para pagdating sa mga daring scene namin, relax na ako. Mawawala na ‘yung nerbiyos at pagkailang sa kanya. Magagawa naming tama ‘yung eksenang gustong ipagawa sa amin ni direk. Ayaw ko naman pagdating sa set hindi ako relax sa kanya, may ilang factor ako,” pasimulang sabi ng dalaga.

Hanggang saan naman kaya ang pagiging daring ni Kristel sa indie film niyang ito? “ Puwede naman akong magpaka-daring na hindi bastos kapag pinanood mo. Nasa director na po ‘yun kung papaano niya gagawing realistic ‘yung scene. Willing naman akong gawin kung ano ‘yung kinakailangan sa eksena. Respetadong actor naman po si Sid, alam kong hindi siya magte-take advantage sa bed scene naming dalawa,” wika ni Kristel.

Suwerte ni Sid, siya ang unang pipitas sa namumukadkad na alindog ni Kristel. Never been touched, never na experience na magkaroon ng boyfriend. Oo nga’t very open si Don Lerit,Jr. (producer) sa panliligaw sa dalaga pero may mutual understanding na yatang namamagitan sa kanilang dalawa. May limitasyon ba si Don sa gagawing pagpapa-sexy ni Kristel ? “Hindi naman po nakikialam si Don sa mga desisyon ko, hinahayaan lang niya ako. Magkahiwalay ‘yung personal feeling niya sa akin at sa pagiging producer,” say ni Kristel.

Reaction ni Don sa binitawang salita ni Kristel ? “Totoo naman ‘yung sinabi ni Kristel, never akong nakialam sa desisyon niya pagdating sa career niya. Sa production side lang naman ako pumapasok kapag may problema. Mag-start na silang mag-shooting next week, wala ako rito nasa abroad ako kaya hindi ko mapapanood ‘yung love scene nila ni Sid,” masayang turan ni Don.

Inusisa namin si Direk Joey kung ano ang magiging papel ni Francine Prieto at Bembol? “ Si Francine ang magiging Nanay ni Kristel (bagay naman silang mag-ina) dito na papalit-palit ng asawa. Magiging stepfather niya si Bembol na may lihim palang pagnanasa kay Kristel. Maganda ang istorya na sinulat ni Jerry Gracio (award winning scripwriter, Santa-Santita at Astig) kaya everybody is all excited sa project na ito,” pahayag ni Direk.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.