Kristel Moreno, handang magpakita ng private parts sa pelikula!

FIVE YEARS OLD palang si Kristel Moreno ratsada na ito sa mga piyestahan at birthday party ng mga kaibigan ni Alma Moreno. Walang hiya-hiya itong sasayaw at kakanta sa harap ng maraming tao na labis na ikinatutuwa ni Ness. Nakikita  ng actress/politician ang kanyang sarili kay Kristel nu’ng time na nagsisimula pa lang siyang mag-artista.

Ngayon, nagbunga na ang pagsisikap ni Kristel para maabot ang tagumpay na inaasam-asam. Sa launching movie niyang Pitas, mapangahas ang papel na kanyang gagampanan bilang si Jasmine who falls in love with Rafael (Sid Lucero) na isang snatcher.

Paano nga ba napapayag ni Direk Joey Romero na gawin ang mga erotic love scene nila ni Sid? “Napakaimportante po kasi ‘yung love scene namin ni Sid kasi kailangan sa istorya. Sobrang professional si Sid at inaalalayan niya ako sa eksena naming dalawa kaya kampante ako while making love,” simpleng sagot ng dalaga.

Sa harap ng movie press, inamin ni Kristel na boyfriend niya si Don Lerit, Jr (producer ng Legalas Entertainment) na siyang nag-produce ng launching movie niya.

“Wala po akong nakikitang masama kung aminin ko ‘yung sa amin ni Don dahil  binata naman po siya. He’s 32 years old and I’m 19 na po. Ang sa akin po, baka magka-conflict kapag itinago ko ‘yung relasyon namin ni Don. Bakit kailangan kong itago kung puwede naman maging open ‘yung relationship namin. Ang hirap magkunwari, sasabihin kong wala akong boyfriend tapos makikita kami ng mga taong magkasama sa mga lakaran,” paliwanag ng Star Magic artist.

Reaction ni Don sa mga daring scene ninyo ni Sid? “Alam po niya na trabaho lang ‘yung ginawa namin ni Sid. ‘Yun nga po ang nagustuhan ko sa kanya dahil napaka-professional niya at very supportive sa career ko. ‘Yung personal life niya at pagiging businessman hindi nadadamay sa relationship naming dalawa. At saka, walang selos factor sa ginawa naming love scene ni Sid.

Sa trailer pa lang ng indie film ni Kristel masasabing naming super daring na ang ginawa niya. Patikim pa lang daw ito, ayon sa mestisang actress. How far can you go sexy?

“‘Yun ang dapat ninyong abangan dahil lumabas ang boobs ko. ‘Yung gitna may plaster at saka si Sid nagpakita rito ng puwet sa love scene namin. Pareho kaming hubo’t hubad pero may pekpek short akong suot. Si Sid naman naka-plaster ‘yung private part niya. Sa akin po, walang problema ‘yung mga sexy scene. Gusto ko nga po magpadagdag ng boobs kaya lang ayaw niya (Don). Kung ‘yung mga respetadong artista sa Hollywood nagagawa nilang magpakita ng kanilang private part, bakit hindi natin magawa, ‘di ba?”

Kahit six months pa lang mag-dyowa sina Kristel at Don inamin ng dalaga na first love niya ang young businessman. Dumating ba ‘yung time na napag-usapan nila ang paglagay sa tahimik? “Matagal pa ‘yun, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Napakabata ko pa para isipin ang mga bagay na ‘yan,” say ni Kristel.

“Well, siguro six years from now, puwede na siguro naming pag-usapan kung papayag si Kristel,” seryosong sabi naman ni Don.

Hindi man aminin ni Kristel, may nakahandang project sa kanya ang ABS-CBN. Regular natin siyang napapanood sa ASAP. Katatapos lang niyang gawin ang Precious Heart Romances ni Mariel Rodriguez. “Sa akin po, okay kung bida o hindi, at least hindi ako nawawalan ng project sa Dos.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Kristel Moreno, handang magpakita ng private parts sa pelikula!

Leave a Reply

Your email address will not be published.