Krista Ranillo, todo-tanggi sa ‘buntis’ issue! – Chit Ramos

NA-FRONT PAGE SA atin ang diumano’y tuta ni Krista Ranillo na tulad ng sexy actress ay bumiyahe raw sa eroplano nang nasa business class din. 500 dollars daw ang halaga ng flight ng tuta na ang pangalan pala ay Sophie.

“Sana, nagtanong po muna sila sa airlines kung totoong may business class na makukuha para sa pet,” paglilinaw ni Krista. “Nasa cargo po lahat ng dalang pets. At hindi naman ganu’n kamahal ang babayaran, ipagtanong n’yo pa.”

Actually, akala ni Krista ay tapos na ang “unos” sa kanyang pagbabalik. New year na nga at sana mga bagong balita na ang pag-usapan. At hindi petty things like her pet Sophie. “Hindi rin po si Sophie ang kasama niya sa front page na lumabas. Iniwan ko po si Sophie sa Los Angeles with my sister Trixie and mom (Lynda) and Dad (Mat). Magtatagal-tagal  pa rin sila roon. Marami pa kasing check-ups na gagawin kay Trixie. Ako lang po ang mag-isang umuwi ngayon, dahil, pati utol kong si Kevin ay babalik na sa trabaho niya bilang chef. Pareho po silang U.S. citizen ni Trixie kaya’t marami silang privilege doon. Ako lang po ang isinilang dito sa ‘Pinas kaya hindi po ako puwedeng magtagal doon”.

Nag-grant na rin si Krista ng interview tungkol sa bagong issue na buntis daw siya. “It’s not true. I have never set foot in the hospital na sinasabi nilang nagpa-check up ako. My workload was really that hectic, so I never had a chance to go to Cebu. As I said in interviews before, I shot the movie with Manny (Pacquiao), taped for Tonyong Bayawak with Coco Martin for the Kapamilya network. Pagbalik ko naman ngayon, diretso ako sa taping at pumirma ng bago kong product endorsement. I am happy to tell you na may offer din ako sa Chan. 5 to host for a talk show. Sana, tulad ng Juicy ang ibigay sa akin,” aniya.

Speaking of Tonyong Bayawak, sobra raw palang nakapapagod ang action scenes. “Maliit kasi akong babae. Buti na lang, maliit din si Coco, kung kaya’t patas lang ang height namin. Like Wapakman, kontrabida pa rin ang role ko at si Nikki Gil ang leading lady. Mas marami lang kaming eksena ni Coco, dahil magkakampi kami sa una at magiging magkaaway sa bandang huli.”

Nagpapasalamat agad si Krista nang tanungin namin tungkol kay Coco as a co-star. “Hay, salamat at naiba. Madaling i-describe si Coco dahil napakagaling niyang artista. He’s also a real gentleman. Maasikaso siya. Lagi niya akong kinukumusta kung okey ako at kung ano ang kailangan ko. Matanong siya. Para raw maging comfortable ako sa mga eksena namin. He’s really very helpful.”

SOBRA NAMAN ANG paghahanda sa birthday concert ni Megastar Sharon Cuneta bukas, Martes sa Araneta Coliseum. Sangkatutak na artista ang nagprisinta para maging bahagi ng Araneta concert. This includes Kris Aquino no less, with matching husband James Yap and son Baby James. Makakasabay nila sa isang special number ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Kung hindi ako nagkakamali, live na kakanta ang pamilya ni Kris, gayundin ang mag-asawang Judai at Ryan. Sobra ang excitement, gayundin ang paghahanda ng isa sa host ng SNN (Showbiz News Ngayon). Pansamantala nga siyang lumiban sa talk show dahil sa matinding practice.

Kung napanood sa Sharon ang interview ni KC Concepcion sa kahapon, mapapanood din ang isang one-on-one never before seen live sa Araneta.

“This is the first time I am interviewed by my daughter. Kung dati-rati, ako ang nag-i-inteview at nang-i-intriga sa kanya, it’s her turn now. Naku, ang anak kong ‘yan, nag-warning na sa akin na dapat kong sagutin ang lahat. Lahat-lahat daw ng inihanda niyang mga tanong ay kailangang may sagot. Gusto ko tuloy kabahan,” pahayag ni Mega.

Incidentally, aware naman si Mega at inaamin niyang may problema siya sa weight ngayon. I will do something about this. I have to prepare for my movie with Ate Vi (Vilma Santos). I keep on reminding Star Cinema na nakalagay sa contract ni Ate Vi na gagawa kami ng movie this year. Same with my contract. Na gagawa rin ako ng movie with her.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

10 thoughts on “Krista Ranillo, todo-tanggi sa ‘buntis’ issue! – Chit Ramos

  1. Marami akong nababasa na si krista daw ay MUKHANG KABAYO! Tiningnan ko .OO NGA!!! Kaya pala , mahilig siya sa kabayo…trabahong kabayo talaga siya para sa pera. Tigidig…tigidig….hala..sige..galingan mo pa , Krista.

  2. Ha ha ha. SAktong sakto ang kumpara mo ke Kristapok. Mukha ngang PUSIT. pati tiyahin niya..pusit din ang mukha. Galing mo!!!!

  3. pasalamat iyang pusit na alaga mo Ms writer na pinag-uusapan siya dahil sa pakikiapid. kung wala iyan walang papansin sa kanya. sa totoo lang di siya mukhang artista. di niya nakuha ang looks ng ama niya, though iyong ama niya guwapo rin pero zero ang appeal. pero itong pusit na alaga mo wala ng ganda wala pang appeal. pinaretoke na rin niya ang boobs niya, isama na rin ang behind niyang flat. pero pinakaimportante sa lahat, paretoke niya ang face niya kasi mukha siyang bading na pusit.

    • Carina, napakaganda mo siguro kasi nga kung manlait ka para bang ikaw lang ang may ilong at mata. alalahanin mo kung mas magaling ang kasambahay, kapitbahay sa kantunan at marunong ng umbling at muscle control hindi ka kaya ipagpalit din ng asawa mo? Siguro talagang tumitirik ang mata ni Monkeymi at talagang abot nya ang langit basta nagsalpukan sila, hindi lang yun siguro ay marunong mag aruga si Kresstal malambing na wala kay Jeenkeelou na wala nang ginawa kundi magpa interbyu at magpakia ng channel, LV, alahas, magarang bahay, magagandang damit, mga de motor na mga laruan ng anak, crystal na kopita at baso, silver ware na mga kutsara at tidor, china na mga plato, shampoo na galing USA, pabango at cologne na galing France, cereal na gawa sa Hongkong, kurtina na galing China, sofa na inorder pa sa ibang bansa, aso na imported at pati yng kakakain nyang corned beef ay iluluwa pa para ipakita na imported yung kinain at yung wine at alak na naka display sa bar may tag price pa. Yung halaman na landscape by ng isang magaling na landscaper , yung paglinis ng swimming pool na mamahalin, pati na rin yung make-up na gawa ng kukuryo at lipstick nya na imported. Yan ba ang mamahalin at pag iinteresan ng isang lalake na wala ng bukang bibig kundi ang tinatamasa nyang konting kasikatan at yung salapi ni Monkeymi na hindi inaalintana o iniisip na sa bawat suntok na ang kapalit ay milyon ay buhay din ang nakataya. Siguro sa mga pasa sa mukha ni Monkeymi ay hinahaplos ni Kreestal ng hagod pagmamahal, hinahalik halikan at kinokoryente ni Krestal sa pamamagitan ng dulo ng dila at pagmamahal na inaalo nya ang bawat sakit ng pasa ni Monkeymi.

      Kahit siguro ay pangit na matatawag si Kreestal sa paningin mo Carina ay sigurado akong sasambahin ang kapangitan ni Kreestal ng kahit sinong lalake na madikitan nya. At sino ang mag mamahal sayo na katulad ni Jeenkeelou na mapanlait at mapanghusga?

      • Ang bastos at ang dumi naman ng bibig at pananalita nitong taong ito. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig. Alalahanin mo, iho ang iyong ina at mga kapatid na babae sa bawa’t salitang lumalabas sa iyong bibig. Baka..kung ano ang puno, siyang bunga . Hindi naitn alam ang pinagsimulan ng taong ito. Napakabastos.

  4. Kung totoo man yang mga alesyon na yan against Kreestalou ay talagang ka kondena at dapat lang kondenahin dahil hindi maganda sa paningin nating mga pinoy. At kung ano ang kasalanan ni Kreestalou ay ganun din dapat ang ipukol kay Monkeymi dahil it take two to TANGO walang lesser evil sa kanila kundi tayo. But then hangang hindi kayo makapag presenta ng katibayan na pumupukol at nagpapatunay nga na kabit, may relasyon, na buntis si Kreesta and courtesy of Monkeymi ay mas makasalanan at dapat ay masahol pang ipako kayo sa krus. Ipakita nyo ang ibidensya para sabaya sabay tayong pukulin si Kresstalou at Monkeymi.

    Subalit kung kayo ay binayaran lang ni Jeenkeelou ng dalawang pagmumukha ni Ninoy ay kayo ang dapat mahiya sa mga sarili nyo.

    Masyado kayung mga fanatics na mapanghusga wala pa namang maipresentang ibidensya, kung si Kriss nga na ilang beses naging kabit at may ibidensya hindi kayo ngumangawa, na si Zsa Zsa na ilang taon ng kabit ni Dolphy wala kayung ginagawa, si Ruffa na nagpakasal sa Turkey na kasalukuyang kasal sa iba wala kayung ginawa, si Gretchen na hanggang ngayun ay isang kabit ng mayaman ay wala kayung masabi hindi kayo ngumangawa at kulang ang espasyo na et para sa mga immoral na may ibedensya pero wala kayung sinasabi kaya tumigil na kayo.

    Sa isang banda ay tama lang ang sinabi ni Chit para kay Biancang, ang akala nya sisikat sya sa reaction nya kay Kreestalou. Sa pag aartista dapat may talent talaga hindi lang preety face. dapat ay may talent at character yun ay wala kay Biancang.

  5. Baka naman pag BUNTIS NGA eh IKAW ANG ISA SA MGA NINANG HUH.

    wAWA NAMAN NA ANAK SA LABAS KUNG NAGKATAON ITO. pURO PALAMUNIN ANG MGA PAMILYA AT NINANG.

  6. I dont hate anyone ang sagot ni Krista. Eh kung siya naman ang me KASALANAN at totoong kabit…ANO ANG KARAPATAN NIYANG MAG HATE sa asawang LEGAL? Tama lang na ANIHIN niya ang galit ng legal na asawa. Dahil nakikisawsaw siya sa PERA NG ME PERA. Kung hindi ba siya NAIKAKAMA ay lalamon ba siya ng masarap? HIndi siya magagalit kasi alam niya ang totoo.

    Binibigyan pa ng project ang jinx na ito .Walang kadala dala ang mga producers. MALULUGI sa pacbet na ito. Talagang ang Krista…walang gawang mabuti kundi ubusin ang pera ng mga sumusugal sa kanya.

  7. hmm, ngayon lang sya nagpa interview after all the brouhaha. pero bakit yung buntis issue lang ang sinagot nya? how about the alleged affair? hindi ba mas maganda sana kung sya mismo ang magde-deny na walang namagitan sa kanila ni pacman? or di nya magawa kasi totoo ang chismis?

    she was asked kung anong reaction nya sa write-up ni jinkee from star studio magazine na sinabing “I HATE HER.” bakit ang reaction lang nya eh “I don’t hate anyone?” aba kahit sinong babae, kung hindi ka guilty sa ibinibintang sayo, ipagtatanggol mo ang sarili mo at di ka papayag na sabihan ng kung anu-ano diba?

  8. BOBONG CHIT RAMOS….ikaw ba ay kinikilala man lang nina Ricky Lo at Lolit Solis na writer o bayaran. Sabagay, bayaran din si Lolit..pero si Ricky Lo…isa iyang credible na writer. Hindi katulad mo na BAYARAN . sUMUSULAT LANG SA MGA nagbabayad para mabigyan puri sila. Ilang beses na bang NAGSINUNGALING SI KRISTA? Sabi niya na hindi totoo ang Michael de Mesa. Sabi niya..bf pa din niya si Zapata. pero bakit ni hindi man niya nababatia t makasama ngayon? SINUNGALING TALAGA NA TAO. Sanay maglubid ng kasinungalingan kaparis mo, Chit ramos. Kakapmpi talaga kayo ni TANING. Pag lumaki ang tiyan niyang alaga mo, ano ang laman> BUWAYA siguro na kaparis ninyong dalawa ..isama na si mat ranillo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.