Krista Ranillo, sinundo ng isang militar sa airport?! – Gorgy’s Park

Totoo kayang isang military man ang sumundo kay Krista Ranillo sa airport nang dumating ito galing Los Angeles, California nu’ng nakaraang Linggo ng umaga?

Parang alam naman ng lahat kung sino ang nag-request para mabigyan ito ng proteksiyon at hindi ma-interview ng media kaya nalusutan nila ito at walang nakapag-interview sa kontrobersiyal na aktres.

Nakausap ko ang manager ni Krista na si Arnold Vegafria nu’ng araw na dumating si Krista at ayaw na niyang mag-commit kung magsasalita ang kanyang alaga.

Ang concern lang daw niya sa ngayon ay mabigyan ng trabaho si Krista dahil kailangan na raw nitong bumalik sa trabaho. Marami na raw itong commitments na kailangang tapusin kaya dapat ngang bumalik na siya ng bansa.

Meron pang tatapusin si Krista sa Wapakman kaya kailangan na niyang bumalik.

Nu’ng nakaraang linggo nga, kumuha na lang daw sila ng double ni Krista para mairaos lang ang ilang eksena.

Nag-text naman si Krista kay Tim Yap na host ng bagong showbiz-oriented talk show na Tweetbiz sa QTV na nagpapasalamat ito at isa raw ito sa nagtatanggol sa kanya.

Ang sabi pa raw sa text ni Krista sa kanya, “In God’s time, I will speak up.”

Reaksiyon nga ng mga bakla, “Hay naku! Ginamit na naman ang Diyos!”

SUCCESSFUL ANG GRAND Fan’s Day ng Stairway to Heaven nu’ng nakaraang Linggo na ginanap sa Skydome ng SM North Edsa.

Ang dami pang mga fans na hindi nakapasok dahil punung-puno ang naturang venue.

Ngayong linggo na mapapanood ang pagtatapos ng Stairway to Heaven at madramang-madrama na ito.

Pati sa farewell promo nito sa SOP nu’ng nakaraang Linggo, madrama si Rhian Ramos na hindi napigilang maluha habang nag-i-emote sila sa stage.

Sabi ni Rhian, in character lang daw siya bilang Jodi na kailangang umiyak siya habang yakap-yakap siya ni Dindong Dantes. Pero si Dingdong naman parang dedma lang, kaya tuloy ang tingin namin, mas nag-i-emote si Rhian sa pagtatapos nito habang si Dingdong ay parang wala lang.

Sabi naman ni Rhian, na-enjoy niya nang husto ang ilang buwang pagti-taping nila sa Stairway at ang dami raw niyang natutunan at nabuong friendship.

Isa na rito si Dingdong na inaasahan niyang sana matuloy ang friendship nila ng aktor kahit hindi na sila magkatrabaho.

Siyempre, ingat naman siya dahil alam naman ng lahat kung kanino ang commitment ng aktor.

Mas excited na ngayon si Dingdong dahil ang pagkakaalam niya, si Marian ang makakasama niya sa susunod nitong gagawing project sa GMA-7.

Sa ngayon, gusto raw muna niyang mag-concentrate bilang host ng Family Feud dahil iba naman daw ito sa kanya at nagi-enjoy daw siya sa panibagong trabahong ito.

By Gorgy’s Park

loading...

11 thoughts on “Krista Ranillo, sinundo ng isang militar sa airport?! – Gorgy’s Park

  1. Ang gagaling manghusga ng mga ito, akala ba naman nila wala silang mga kasalanan.

    Hmmmmmmmmmmmmm, baka inggit lang kayo hindi kayo ang pinatulan ni Manny.

    • hay naku. cno naman kaya ang maiinggit sa klase ng buhay ni krista. buhay pa ang baho na ng buong pagkatao. kung ayaw niyang i-judge eh, di pabulaanan niya ang mga alegasiyon. eh, pano nga kasi totoo kaya hirap humanap ng alibi. dami kayang circumstantial evidence.

      • add sa cnbi mo…wag ng idamay ang diyos…
        gumwa nlng sya ng paraan na makausap c jnkee humingi ng tawad kht wala o meron man syang ksalanan

  2. Really KR is just a mere starlet na wala pang napapatunayan, but changed a lot since she was romatically linked to MP. Look whar she got, LV bag aside from CH bag. Money talks definitely.

  3. mahirap talaga makaisip ng isasagot kapag sinungaling ang tao, kailangan pa kasi planuhin ang sasabihin at baka lalo pang mabuking. Pokpok! Wag mo ngang gamitin ang Diyos sa kalandian mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.