Krista Ranillo, nakatikim na kay Manny Pacquiao?! – Lolit Solis

INIIWASAN NA RIN ni Mommy Dionisia Pacquiao na pag-usapan ang intriga kina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.

Sabi lang niya, ganu’n daw talaga kapag sikat laging naiintriga. Pero lagi raw niyang sinasabi kay Jinkee Pacquiao na huwag magpapaapekto sa mga ganu’ng intriga. Isipin daw nito na siya ang reyna sa buhay ni Manny at walang makaaagaw sa trono niya bilang Reyna ng Gensan.

Marami na ring mga malalapit na kaibigan ni Manny ang naiirita sa intrigang ‘yun dahil ang tapang din naman nitong Krista pati ang tatay niyang si Matt Ranillo III ay kasama rin kung nasaan sina Manny at Krista.

Nu’ng namigay ng relief goods si Manny sa mga binagyo sa Angono, Rizal, nandu’n talaga si Krista para samahan ito.

Nakarating na pala ito kay Jinkee at nagalit na ito. Pati nga ang ilang taong kasama roon ni Manny ay nadamay sa irita ni Jinkee. Pero in fairness naman sa kanila, wala naman silang magagawa, ‘di ba?

Ito naman kasing si Krista, alam naman niyang natsitsismis sila, nakabuntot pa rin kay Manny.

Nu’ng nakaraang send-off party nga kay Manny na may pamisa sa kanya ang GMA-7 bago ito umalis pa-Amerika, nandun din daw ito at naka-display din kahit irita na ang ilang mga malalapit na kaibigan ni Manny at may concern sa kanilang mag-asawa.

Kaya tuloy parang gusto ko nang maniwala du’n sa kumakalat na nakatikim na sila ng limang milyong piso mula kay Manny.

Nu’ng natsismis nga si Ara Mina kay Manny, never n’yong makitang magkasama ang dalawa. Hanggang tsismis lang at hindi mo nakikitang nakabuntot si Ara kay Manny. Pero itong Krista, ibang klase!

Mukhang totoo na ngang break na sila ng matagal na niyang boyfriend na si Direk Dominic Zapata na tahimik lang sa mga kumakalat na tsismis.

Wish pa rin nating lahat na maganda para kay Manny ang resulta ng laban nito kay Cotto dahil kung hindi, naku day! Kay Krista ibabagsak ang sisi niyan.

IKINUWENTO NI GINA Alajar sa presscon ng bagong episode ng SRO Cinemaserye nu’ng nakaraang Linggo, na nakatakda nang magpakasal ang panganay niyang anak na si Ryan sa non-showbiz girlfriend nitong si Cathy ang pangalan. Namanhikan na raw sila sa pamilya nu’ng babae nu’ng nakaraang buwan at naka-schedule na raw ang kasal sa February 2010.

Excited si Gina dahil botong-boto raw ang buong pamilya sa pakakasalan ng anak niya kaya pinaghahandaan na nila ito ngayon pa lang.

Si Geoff Eigenmann daw ang bestman at tiyak na uuwi rito ang isa pa nitong anak na si AJ na nag-aaral sa Amerika.

Malamang na darating din ang ama ni Ryan na si Michael de Mesa na sabi naman ni Gina, kung hindi ito darating, choice niya ‘yun at okay lang sa kanya. Mukhang dedma lang naman si Gina kung darating ang dating asawa dahil aminado naman itong hindi sila okay. Civil lang daw sila para sa kanilang anak, hanggang du’n lang.

Kasali si Gina sa SRO Cinemaserye na Carinderia Queen na pinagbibidahan ng anak niyang si Geoff at siyempre ka-partner pa rin si Carla Abellana.

Kasali rin pala rito ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana na tuwang-tuwa rin dahil first time nilang magkasama sa project na ito ng GMA-7.

Abangan n’yo ang pagsisimula nito sa Huwebes, bago mag-Saksi.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

17 thoughts on “Krista Ranillo, nakatikim na kay Manny Pacquiao?! – Lolit Solis

  1. Pingback: Pinoy Fight Scribe » Archive » Pinoy Fight Scribe is off to Baguio City

  2. ano ka ba naman lolit!ano pakialam mo kung nagkakapera si krista ke manny.tyak naman si manny din ang nagaalok nun.kung me kapalit man yun,wala ka na dun.ganun din naman ang gawain mo ah!kaya pwede ba iwanan mo na ang isyung yan,naiinggit ka lang.tama na yan,sinira mo na nga si osang,nagsisimula ka na naman peste ka!

  3. fucku PHIL ELEC 2010 take ur politics elsewhere..chizmisan to no. Go run for President or something dapat malayo sa Pinas para di kami makahawa ng kabobohan mo!

  4. MANNY HAS A LOT OF MONEY, HE PAKYAW U.S. DOLYARES.. HE EARNED IT THE HARD WAY AND LEGAL WAY.. BAKIT UNG MGA MANDURUGAS SA PERA NG BAYAN AT GINAGAMIT SA MGA BABAE NILA ANG HINDI NATIN MAPUNA??? ANG UTAK-PINOY NGA NAMAN.. BUTI NA LANG MAY ISANG PINOY-UTAK NA TULAD KO….. 2010 IS ELECTION NA NAMAN, CGE GAMITAN N KUNG GAMITAN, TOTAL WALA NAMAN PAPPUNTAHAN ANG PILIPINAS KUNDI LUBOG NA SA UTANG…SOLICIT LANG TAU NG SOLICIT SA MGA KANDIDATO. PARA NMN MAPAKINABANGAN NATIN CLA..SOON.. WE CANNOT RE=PAY OUR NATIONAL DEBT TO WORLD BANK AND THE NEXT DAY, WE CELEBRATE THAT PHILIPPINES IS NOW OWNED AND ONLY STATE BY THE U.S. OR OTHER 1st CLASS COUNTRY…PHILIPPINES DIRTY POLITICS RULES ENDS..

  5. Hindi mo masisisi si Pacquiao. Maganda naman talaga si Krista. Compare ba naman kay Jinkee… sabi lang nila maganda siya kasi asawa sya ni Manny. pero sa totoo lang..mukha syang bakla.

  6. dikit ko ang mga team pacquiao here in ca usa, ang masasabi ko lng manay lolit true ung kay ara at manny no! ilang beses lumilipad si ara dto pra manghuthot ng datung kay manny! Yung kay krista d ko pa confirmed wla pa ako ntatanong sa mga team pacquiao dito………

  7. Naghahanap si Lolit nang mahuhuthutan. Wala na kasing pumatol sa kanya. Si Belo, medyo austerity na siya. Wala na rin siyang mapapala sa mga Revillas. Ngayon, si Jinkee ang kanyang manuk manukan dahil may pera ito na mahuhuthot. Laos na is Lolit, wala na ring malaking kita. Kapal nang mukha.

  8. ok lang yan manay basta ikaw totoong babae at may matres ewan ko lang sa ibang operadag bading diyan sa tabi tabi bwahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.