Krista Ranillo, nakasasawa na ang strategy sa pag-iwas sa press!

OLA CHIKKA! HANGGANG ngayon ay mainit na mainit pa rin ang Krista Ranillo-Manny Pacquiao issue.

Dahil sa hindi mamatay-matay na ibinabato sa kanila, nasundan pa ito ng panibago nang lumipad ang sexy actress papunta sa Amerika upang bisitahin diumano ang kapatid nitong may sakit. Kaya ang hinala ng karamihan ay susuportahan at bibisitahin ni Krista ang Pambansang Kamao, huh!

Pero kapansin-pansin, mula noon pa, halos pahirapan upang makuhanan ng reaksiyon si Krista hinggil sa isyu. Kung anu-anong alibi ang ginagawa nito upang hindi ma-interview.

Noong una, tikom ang bibig nito at may hawak pang cellphone. Kesyo may kausap sa cellphone na importante at halos hindi maistorbo.

Nasundan pa ito ng kakauwi lang niya galing Amerika, may hawak ding cellphone at may kausap. Hanggang ngayong pag-alis niya ng bansa papuntang Amerika, may hawak din itong cellphone at kesyo may kausap pa rin.

Hellerrr! Nakasasawang parati na lang may kausap sa cellphone. Wala nang mang-aagaw, ikaw na talaga ang ‘cellphone queen”! Hehehe!

Puwede ba, gumawa naman ng ibang strategy para kapani-paniwala naman. Hindi yata naturuan ng manager niya para hindi mahalata, ‘di ba? Ay, naku! Kalerke talaga! ‘Yun na!

SPEAKING OF MANNY Pacquiao, sa January 30, ngayong darating na Sabado, magsasalpukan na ang mga boses nina Mommy Dionesia at Imelda Papin sa kanilang concert.

Basagan ng eardrums, ‘ika nga, ang labanan dahil bibirit din daw itong si Mommy Dionesia at hindi magpapatalbog sa Jukebox Queen. Kaya todo-ensayo ang lola n’yo.

First time nga raw mangyayari ito na gaganapin sa Aliw Theater.

Kahapon napanood ng lahat ang dalawa sa ‘Magpasikat’ portion ng Showtime, kung saan hindi rin ako nakalimutang batiin ni Vhong Navarro. Halos araw-araw, binabanggit ng guwapong host ang aking namesung. Hehehe! Salamat Vhong! ‘Yun na!
‘Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa dwbl 1242 khz everyday 8-9 A.M. at sa dzrh 666 khz every Sunday. At makikita n’yo rin ang beauty ko sa inyong telebisyon sa rhtv from 2:30-3:30 P.M. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Krista Ranillo, nakasasawa na ang strategy sa pag-iwas sa press!

  1. bakit naman kasi pinipilit nyo rin siyang i-interview kung nabubuwisit kayo. kung kayo ba kabit, ipagsisigawan mo ba yun? di ba nasa isang interview niya noon na “use your common sense” daw. sa lahat ba naman ng pics at kung ano ano pang accounts ng pagkikita nila ni manny, di pa rin ba kayo convinced na something is going on between them. kung ako rin si jinkee di na ako mag aaksaya ng panahon para sundan sundan si manny. as long as ako ang me hawak ng pera at kasal siya sa kin hanggang kabit lang si krista. sino ngayon ang nawalan di ba? so sa mga reporters, wag nyo na rin pag-aksayahan si krista ng panahon.

  2. alam niyo ba na puro kasinungalingan ang ginagawa ni swarding.walang katotohanan ang mga sinusulat niyan.puro panghihingi lang ang pinapakain niya sa mga anak niya o pamilya niya.pati pambayad sa hospital ay kung kanino pa lumalapit.mahilig pa yan sa tawad.at kung gusto niyo malaman pumunta kayo sa lungs center.dun niyo malalaman na si swarding may sakit na tb.bukod sa emphysema.

  3. bakit naman kasi sinusulat kung nakakasawa.. aminin na malaking income then si kreestal kahit puro negative ang mga sinusulat… mamatay tayung lahat sa inggit..

  4. KUNG KAU KAYA ANG MAGUSTUHAN NI BILLIONAIRE MANNY P.? TATANGGI BA KAU NA MAGING MAGKA-TALIK ESTE MATALIK NA KAIBIGAN NYA?…MGA INGGIT!!!!!!!!!!

  5. In fairness, i like her outfit in the picture. White longsleeves and black pants lang. Baka dyan nya dinadaan ang depensya nya. Kunwari, sopistikada sya manamit kaya she demands that people will also look up to her fabulously.

  6. bakit nyo pa kasi isinusulat? eh ngayon lang naman napag-usapan yan,bad issue pa. enjoy na enjoy si Krista, kuntodo naman kunsinte ang family. kasi nga kumikislap ang mata nila sa pera ni Manny.

    • KOREK!! Puro kasinungalingan lang naman ang sasabihin ng mga Ranillo na iyan. Sinungaling ang mga iyan kakambal ng magnanakaw sa kaban ng bansa na tatay nilang ambasador kuno!! Pero walang ginawa kundi magnakaw ng pera. ..mangupit..

Leave a Reply

Your email address will not be published.