Krista Ranillo, naipako na sa krus! – Eddie Littlefield

HANGGANG NGAYON PATULOY pa ring pinag-uusapan ang diumano’y relasyong Krista Ranillo at Manny Pacquiao. Hindi pa rin mamatay-matay ang issue tungkol sa dalawa. Pilit pa ring kinakalkal ang diumano ugnayan nila habang ginagawa ang pelikulang Wapakman na super-flop sa takilya. Hindi man lang naka-one million sa first day showing nito kaya ilang araw pa lang ay tinanggal na ito sa mga sinehan. Nagpipilit kasing maging artista, hindi naman kumikita ang kanyang mga pelikula.

Agaw-eksena naman si Jinkee Pacquiao, nag-iiyak habang nakatutok ang kamera sa kanilang dalawa ni Manny after the fight. Nagpapa-underdog, parang aping-api sa ginawa ng asawa sa mata ng publiko. Hindi pa naman malinaw kung totoo o hindi ang tsismis.

Tuloy, naging instant celebrity si Jinkee dahil sa Krista-Pacman issue. Cover ng iba’t ibang glossy magazines, pictorial kabila’t kanan at interview about Krista. Aminin man o hindi ni Jinkee, malaki ang naitulong sa kanya ng pagkaka-link ni Krista sa kanyang asawa para maging cover siya ng magazines.

May tsika nga, kada damit raw na ginagamit ni Jinkee sa pictorial, cash na binibili nito sa designers. Hindi rin daw ito lumalabas ng bahay kung hindi naka-make-up at suot ang mamahalin niyang signature. Obserbasyon nga ng nakararami, feel na feel niya ngayong pinagkakaguluhan siya ng media – feeling celebrity, ‘ika nga.

Hindi pa man napatutunayang nagkaroon nga diumano ng kaugnayan si Krista kay Manny, ipinako na agad sa krus ang anak ni Mat Ranillo III. Dinurog ng malisyosong balita ang buong pagkatao ng dalaga sa pagkakaugnay nito sa

boxing superstar. Pati pamilya ng actress ay hinusgahan, binato ng masasakit na salita.

Wala pa namang nagpapatotoo na tunay ngang nagkaroon diumano ng relasyon sina Krista at Manny. Puros haka-haka, malisyosong balita, makakating-dila na pilit na sinisira ang pagkababae ng magaling na actress. Wala tayong karapatang humusga ng kapwa, sino ang walang bahid dungis?

PAULIT-ULIT NA LANG ang ginagawang panghihiya ni Willie Revillame sa kanyang mga staff sa Wowowee. Maging ang ilang contestant sa kanyang show ay binabara-bara niya na para bang walang respeto sa kapwa-tao. Puwede naman niyang pagsabihin ang mga ito ‘pag commercial break, ‘di ba?

Tantanan na rin ni Willie ang kakakanta araw-araw ng kanyang mga awitin na hindi naman nakaaaliw sa publiko. Oo nga’t may ilang awitin siyang pinasikat pero hindi ibig sabihin lahat ng kinakanta niya ay swak sa panonood. Malayo na nga ang kanyang narating kaya naman pumasok na sa ulo niya ang kasikatan at kayabangan.

Hataw ngayon sa ratings ang Showtime nina Anne Curtis at Vhong Navarro na talaga namang nakaaaliw. Mula sa mga judges, emcee at contestant super aliw kami sa panonood. Buong Pilipinas nakatutok sa nasabing show. Hindi ba’t inilampaso ng Showtime sa ratings ang Sis ng GMA-7 kaya tikbak na ito sa ere?

Bulung-bulungan ngayon na ang Showtime ang gustong ipalit ng ABS-CBN sa Wowowee ni Willie. Well, kung totoo ang tsikang ito, marami ang matutuwa sa balitang ito. Sa totoo lang, hindi magaling na host si Willie. Kung walang datung na ipinamumudmod sa mahihirap ang singer/host, anong dahilan para tangkilikin ang noontime show ng masang Pilipino?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

12 thoughts on “Krista Ranillo, naipako na sa krus! – Eddie Littlefield

  1. SIPAT: Kung may TEAM PACQUIAO at may TEAM JINKEE, meron na rin daw TEAM KRISTA!
    EKLAT: Mga SHOWBIZ WRITERS na DEFENDER ng SEXY ACTRESS… BAYAD, of course.

    Sina CHIT RAMOS AT EDDIE LITTLEFIELD ang mga binabanggit na bayaran ng Team Krista. Halatang halata naman eh. ..amoy Ranillo ang mga hasang at bituka din ng mga ito. Gutom din.

  2. ITO WALANG KASAWA SAWA!!!!

    SYA NAMAN ANG TINUTUKOY NI RICKY LO SA BLIND ITEM NYA NUN NA LITERALLY JUMPING OUT OF JOY ANG CONTROVERSIAL NA STARLET…

  3. ay nako. bobo tong writer na ito. nagtaka ka pa kung bakit laging kinakalkal ang isyu ni manny-krista e ikaw mismo nagsulat tungkol sa kanila. wag mo naman masyadong ipahalata na publicist ka ng mga ranillo. hahaha!!!

    oh well, i don’t like pacquiao too. i want to see him in the boxing ring. but not in the movies. not in the music industry. not in tv. definitely not in government.

    • Nalangisan siguro ang dila nito kaya pagtatanggol ke Ranillo ang punto niya. Bulag ka ba? O bulag bulagan. O tanga..dahil sa pera. kONTING BARYA KAPALIT NG dignidad mo din sa pagsusulat . Puro kasinungalingan. Parehas ka na din ng mga Ranillo na tanga at bulag dahil sa PERA!!! Nahusgahan na daw ang mga Ranillo. Eh tulog yata ito at walang nakikitang mga ebidensiya.

      Nagtanong pa kung sino ang walang bahid dungis. Ikaw ang tao na puro dungis at putik sa mukha at pangalan ng tatay mo!!! Dahil sa pera..nabibili ka. Parehas kayo ni Bull chit…bayaran ni Ranillo galing sa perang bayad ni manny sa pagkama sa kanya. Daig pa nila ang pu_ta…kasi isang buong pamilya sila na Ranillo sa pagkutsaba. Kasama ka na din doon..

  4. ay punyetang issue ito!!! di na natapos! panis na at inaamag at nakakasuka na!pwede ba iba na lang isulat ninyo dito. nakaka imbyerna na eh!

  5. Eddie, Tama ka dahil si Willie, sobrang yabang yan. Di na man niya pera ang pinamimigay kundi pera ng sponsors. O saan na si Cristy na rah rah girl ni Willie Devillame?

  6. inispook mo eddie, sa totoo lang wala naman silang maipakitang magkapatong o totoong may relasyon si monkey at si kreestal. yun ang pagkakataong ginamit ni jeenkeelou at mautak ang nag play up sa intrigua siguro malaki ang inabot ni maraming pera na mukhang pera na si jeenkeelou sa gumawa ng publisidad. mantakin nyo sumikat sya at pa under dog effect pa at may mga team jeenkeelou pa he he he he wala namang humility at wa class. hindi mo nga mabibili ang class. bilyon man ang hawak mo sa kamay kung mal edukada ka rin lang na patol ng patol sa chismis at wa ka parin.

    dapat para syan si lanie mercado mag handle ng sitwasyon, dahil nga uhaw at sabik sa showbiz ayon ubod ng yabang na pati mga alahas, kotse, bahay at kung ano ano pa, kulang na lang na iluwa sa harapan ng tv kung ano ang kinain para lang masabing mapera na. e timawa pa rin kahit anong gawin. mabuti pa si dioneknek talagang trying hard. sabagay magkamukha na sila

  7. naku eddie mag-ingat ka dahil bati na c willie at c mukahang pera na mukhang kabayo na si swarding, ipagtatanggol nya na ngayon c willie dahil alam mo na dahil endorso c willie ng isang mayamng politiko xempre kung san tatapalan ang mukha nya ng per e di dun sya kaso kahit anong tapal eh nanganagamoy agnas pa rin ang mukha at kaluluwa ni swarding hahahaha

    • OO nga. Palibhasa…naghihirap at nagdidildil na ng asin ang mga Ranillo kaya nagbugaw na sila ng anak nila. Aba…sinuwerte naman at kahit napagparausan na ng marami eh naka jackpot pa din ng Manny. Iniluwa nga iyan ni WR at napagsawaan na ni de mesa at zapata…he he. Walang delikadesa din si Manny.Samantalang kaya niyang kumuha ng maganda eh parehas ding pangit niya ang pinatulan. Bobo!!! Bobo talaga!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.