Krista Ranillo, nahuli rin sa wakas! – Chit Ramos

MATAGAL NA PALANG nagpapa-interview si Manny Pacquiao bilang pagtatanggol kay Krista Ranillo. Kung hindi ko pa nabasa ang column ng kapatid na Ruben Marasigan kahapon, hindi ko pa natiyak na gentleman naman pala itong Pambansang Kamao.

“Matagal at paulit-ulit kong sinasabi ito at ipinakikiusap sa mga umi-interview sa akin, pero, hindi nasusulat. Mas gusto nilang intrigahin kami,” dagdag impormasyon niya. Never pa kasing nagkaroon ng pagkakataon ang inyong lingkod, na makausap siya, dahil limitado ang mga naiimbita sa kanyang mga presscon.

Tuloy, negang-nega ang dating sa akin ng taong ito na tinitingala ng buong bayan at buong mundo. Hindi man lang, ‘ika ko, naawa kay Krista. Hindi man lang niya napatunayan ang pagiging maginoo sa harap ng situwasyon. Ni hindi niya nakuhang pigilin ang bibig ng asawa na tapusin na ang intriga, dahil sinasabi naman nilang okey ang kanilang pagsasamang mag-asawa. At kahit kailan ay hindi sila maghihiwalay. Nagmumukha tuloy siyang under de saya.

Sabi nga ng kaibigang Ronald Constantino: “What home did Krista wreck?”

Ang taas-taas na uli ng pagtingin ko kay Pacman. Iyon lang talaga ang kailangan para matapos ang intriga. Iyon lang ang makapagbabalik ng ngiti sa mga labi ni Krista. At ito rin ang hudyat para makapagpatuloy siyang gampanan ang mga projects na natatanggap niya. Sa unang bulusok ng intriga lang naman talaga sobra-sobra ang epekto nito sa dalaga. Salamat sa advertisers na patuloy na sumusuporta sa kanya – sa mga commercials, tulad ng Ginebra San Miguel. Ganu’n din sa ilang bigwigs ng ABS-CBN, sa May Bukas Pa, ASAP, Showtime, Rated K, and eventually, MMK at isang teleserye na magpapatunay kung gaano kagaling ang talento ni Krista bilang isang artista.

“Thanks to Deo Endrinal for the love and support,” ani Krista sa ASAP.

Tiyak na matutuwa rin si Krista sa sinulat ni Ruben, dahil may regalo siyang hatid sa pinakamamahal niyang Daddy (si Mat Ranillo III) na tulad niya ay inulan din ng batikos.

“Napakabait ni Krista, madasalin tulad ng kanyang pamilya,” patuloy ni Manny. “Ako na nga itong nagsasabi na magkaibigan lang kami, iba pa rin ang gustong isulat ng mga kumakausap sa akin. Naawa rin ako sa producer namin (Wilson Tieng ng Solar Films). Ang laki rin ng nagastos niya sa pag-produce ng pelikulang Wapakman. Maganda rin ang intention namin na maging regalo ito sa mga bata ngayong Pasko. Sana, kumita para lalong umunlad ang ating industry.”

NATIYEMPUHAN DIN NG masipag nating fotog (si Fernan Sucalit) si Krista mula sa isang pictorial for a glossy mag, at siya man ay humanga sa tatag nitong ipagpatuloy ang lahat niyang ginagawa.

Bago ito, nagsunud-sunod din ang mga cover pictorial ni Krista sa iba pang magazine. Patunay lang that she’s really a HOT COPY! Sana, may makasama itong BullChit column ko ng latest pictorial ni Krista that only Pinoy Parazzi has exclusively taken.

Hindi rin naging hadlang ang negative publicities sa paglabas ng latest poster ni Krista for Ginebra. Sa totoo lang, sold out ang unang arangkada ng launching nito. At nakatatanggap pa ang mga nasa likod nito ng repeat orders na pagbibigyan naman siyempre ng paborito na ngayong inuming panlalaki.

Posibleng nakaalis na si Krista ‘pag labas ng column na ito. Kasama niya sa pag-alis ang guwapong younger brother niyang si Kevin. Nagpapauna na ako dahil baka magkaroon ng ibang interpretasyon kapag nakita siyang akbay-akbay ng nakababatang kapatid.

Nabanggit kasi ni Krista sa inyong lingkod na sa States sila magpa-Pasko at magre-reunion. Buong pamilya silang makakasama ng bunsong kapatid na si Trixie (nasa hospital pa rin ngayon after her operation). Naroon din ang Mom at Dad niya. “I intend to make our Christmas this year a very merry one!” Wish ni Krista. “I’am also wishing everybody, LOVE, PEACE AND HAPPINESS.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

28 thoughts on “Krista Ranillo, nahuli rin sa wakas! – Chit Ramos

  1. punyeta!! puro kagaguhan sinasabi nitong bullchit ramos na ito! nakakasuka na issue na ito. tama na!!! iba naman pasikatin niyo! leche!

  2. Natikman daw ni Willie R iyang si Krista pero di umubra ang gayuma niya ke Willie. Eh ang gaganda ng mga chicks na kasa kasama ni Willie. Magmumukhang tsimay si Krista pag itinabi..Saka ayaw ni Willie ng maluwag daw ang palanggana.

    • WAG KA NANG MABAHALA KREESTAL, WAG KA NANG UMIMIK BUTI SAYO YAN DAHIL LALABAS NA IKAW DIN ANG PANALO SA GULONG ETO.. MAY PERA NA WIN PA BAYAAN MO SILANG LAHAT NA INGIT SAYO LALONG LALO NA SI JEENKELOU

  3. SA LAHAT NG BUMABATIKOS KAY KRISTA – tayong mga Pilipino ay sikat sa pagiging pakialamero, “crab mentality” ang tawag diyan. Sabi ng aking amang huwes mahirap ang humusga ka ng tao base sa tsismis, para ka na ring isang kriminal. Wala kang pinanghahawakang matibay na ebidensiya pero idinidiin mo ang isang taong inosente until proven guilty. Sa paghatol ninyo kay Krtista at sa kanyang Pamilya, binigyan ninyo sila ng death sentence. Paskong pasko ang damdamin ninyo ay taliwas sa itinuturo ng Panginoong Jesus. Kawawa naman kayo dahil ang kaluluwa ninyo ay nasa impiyerno na. Hindi ko kinakampihan ang mga Ranillo pero hindi ko maintindihan ang tindi ng mga salitang binibitiwan ninyo sa mga taong wala namang ginawang masama sa inyo personally. Bakit?

    • Manang, Paano kung totoong buntis si Krista. So, nakasira siya ng isang pamilya. Nang agaw siya ng isang ama! Magkakaroon siya ng isang bastardo. Ano ang masasabi mo nga kung totoo ang lahat ng bintang ke Krista? Bakit lagi niya takip ang kanyang tiyan? Di ba, Pinoy tayo, dapat ang ama..galit na galit na..pero bakit walang gawa?
      Tanggap lahat ng batikos?

      • yan ang masama kasi lahat BINTANG PA LANG wala pang katotohanan, tulad nga ng sabi ko mas malaki at kamoralan ang naging kasalanan ni kris at hindi komo pinakasalan sya ni james ay nabura na yung kasalanan nya, look at gretchen, si carmina, si zsa zsa di ba mga kabit o immoral pa rin ang tawag duon dahil hindi naman sila kasal bakit kailangang isingle out natin si krista na di pa napapatunayan na katulad nina kris.

  4. Bull Chit, anong masasabi mo kung totoong buntis si Krista ke Manny? Iluluwa mo ba ang mga pagtatanggol mo ke Krista? Babawiin mo ba ang lahat ng sinabi mo?

    O, tatahimik ka lang at mag aantay ng pera o grasyang galing sa Ranillo Boogaloo Family?

    • Oo nga. Tapos , pag nakasalubong ni Manny sina Michael de Mesa, Direk Dominic, Willie R ay magkuwentuhan sila tungkol sa galing ni Krista, di bah? At least si Wille ay matalino. Di siya nagpaloko. Tikim lang eh…di nasarapan. Iniluwa.Si Manny, nagtulong tulong na ang pamilya..para di makapalag na. Huli!!!!

  5. Yung spark ng mga mata naman ni Manny pag kasama si Krista ay SPARK OF EVIL. Makasalanan. Naku…sunod sunod na ang KARMA ni Manny. Ayan..nalugi siya sa co produced na WAPAKMAN.Di natuloy ang Mayweather fight. Issues sa drugs at steroids na hindi naman totoo.Hanggang ang mga kampon ng kadiliman ay nasa kanyang mga likod..kawawang Manny ang labas mo, Pacman.

  6. Natatawa namn ako ke Lolit kinumpara c Krista ke Maricar yung ex ni Hayden hello ang layo kali c Maricar victim kaya nalampasan niya yung scandal c Krista is like Hayden cya yung me kasalanan if the aledge thing is true so verdict Lolit kung makaklampas c Krsita eh tingnan mo c Hayden kung nakalampas ba yung tao…

    kasi ang tingin ko c Krista the way she handle this things shes acting like a mistress wud do patago tago paiwas iwas kaya I don’t think na magiging sikat cya as an actress after this……..Scandal like this will be forever haunting a person if the scandal is true…kung hindi nman kasi totoo matagal na nyang ideny ito unless mas ok s kanyang kutyain ang dignidad nya bilang babae kapalit ng limelight n pansamantala lang……

    • well yun na nga siguro ang projection ni kreestal ang maging kabit ni mannymoney at yun na rin ang kagustuhan nya so kahit ano pa ang ating gawing pagkutya at walang mangyayari sabi nga mamatay tayo sa inggit. but then who are we to judge her mas maraming immoral sa showbiz at sa ating lipunan, yun nga lang siguro marunong tayung magtago na di katulad ni jeenkelou na magaling magkula at maglaba under the public sun.

      sa totoo lang nakakainis si kreestal pero aminin natin naiinggit tayo sa ginhawang tinatamasa nya by having an illicit affair with this mannymoney pakman. at sa wari ko ay may malaking kadahilanan naman siguro kung bakit lumiko sa shortcut si mannymoney AT ISA NA YUN YUNG HINDI NA SYA MALIGAYA KAY JEENKEELOU dahil showbiz na rin.

      anyway may kapalit naman yan dun na lang tayo maghintay at tigilan na natin sila.

  7. walang spark ang mga mata ni manny ngayon pag kasama si jinky, masyadong animated and calculated ang mga kilos niya, parang plastic ang pakikisama niya ke jinky. i honestly think na kaya lang sila nag sasama dahil sa political ambition ni manny.

    • sinabi mo ang katotohanan kasi nga nang sumikat nang husto si manny feeling sikat na rin si jeeenkeelou, siguro napabayaan na nya ang pangangailangan ni manny. sa isang banda usapang lalake ok lang naman na mag re-charge si manny sa ibang outlet kaya naman nya at hindi naman nya pinapabayaan ang original yun nga lang di na kailangang ipagwagayway sa publiko na tulad ng pagkukula ni jeenkeelou sa buong mundo sa ilalim ng araw. kaya dionisiak pagsabihan mo.

  8. hndi sa minamaliit ko c krista
    pero npkarami ng pagka2taon na humingi sya ng tawad kay jinkee kht sabihin may/o wala syang kasalanan
    pagka2taon na sana na kausapin c jinkee nung parade pero ano ang ginwa nya imbes na suma2 sa parada…nagtago(hindi suma2) lalo nya lng pinaki2ta sa tao na may lihim sya tlga
    huwag sabihing takot mabato ng kamatis…coz kung tlgang wala syang kasalanan…mabato man sya sa parada at least nanindigan sya na “WALA…AKONG KASALANAN” “MALINIS ANG KONSENSYA KO”
    pero dhl sa pag-iwas nya kay jinkee at sa mga tao…lalong bumaba ang tingin ng mga tao sa kanya…onti lng ang nagta2nggol sa kanya bilang na bi;lang…sya rin ang may kasalanan….prng bato na sya sa “kapal” sabi nga ng iba “pera2 na lng”

    • KAhit ano pa ang gawin ni Krista sa pagpapaliwanag ay wala naman syang dapat ipaliwanag dahil nakikita naman ang katotohanan sa mga kilos nila. At sa kakapa interbyo kay jeenkelou. pangit mang tignan talaga na may kasalanan si kreestal he he he dala dala nya yun kung ayaw nyang humingi ng paumanhin lalo at nagawa na nya ang ginagawa at ginawa na ni kresss, ni greeetah, ni zsaaa zsaaabommmm ni vinavatog, ni jeangar, ni carmina ay baka magkulang ang space kung ilalagay ko lahat dahil sigura ilang porsyento lang ang hindi gumagawa nun sa industriya.

      may kasalanan si kreestal pero sya ba ang dapat unahing batuhin? nakahananp ng pagkakataon yung pok pok na gumanda ang buhay kesa naman sa palipat lipat lang sa ibang kandungan di sa isang pambansang tadyak na lang di ba jeenkelou? kaya tigilan mo na ang kapapainterview at nag papaawa effect dahil halata namang simpatya at publisidad lang ang habol mo gayahin mo si Lanie Mercado LADY LIKE.

      hindi ko kinakatigan si kressta dahil nga hindi maganda ang ginawa nya, kay lang gusto nya yun at magdusa sya pagkatapos di man dito natural sa dako pa ruon.

  9. Ang pangit ng image nya s madlang tao kaya Krista kung wala nman talagang relasyon ke Pacman bakit di ka magpainterview at sabihin mo wala tapos…

    Masyadong nagpapaimportante sa bagay wala nmang K s showbiz nagpipilit lang………

  10. Hay naku, Ewan medyo makapal din ang face ni Krista noh bansagan ka ba nmang Pamabansang Kabit eh baka maloka ang iba nyan kung di true….

    Ang poblema kasi ke Krista pinapaikot nya yung tingin ng taong bayan s kanya eh akala nya to her advantage yun eh super duper upper ata mascandal s me asawa forever na nya yun image kung di nya linisin ang kinalat nya…..

    • GALIT NA GALIT KAYO, ANO NAMAN ANG MAPAPALA NYO NA KAHIT MAMATAY KAYO SA KAPUPUTAK AY WALA KAYUNG MAGAGAWA, BUHAY NILA YAN KAYA WAG TAYUNG MAKIALAM.

      CHRISTMAS PA MA DIN. PEACE TO ALL HE HE HE

  11. Pareho kayo ni Ronald Constantino na BULAG! Pera lang ang katapat ninyo. Ang katotohanan ay pinabubulaanan ninyo. Pinalalabas pa ninyong malinis ang Krista na ito. Alam niyno na siya ang sumira sa pamilya ni gina alajar! Tulog ba kayo noon? Kinatandaan mo na Bullchit ang pag re reporter..sinungaling ka pa din. Wala kang respeto sa propesyon mo!

    Sabi mo:ABS-CBN, sa May Bukas Pa, ASAP, Showtime, Rated K, and eventually, MMK at isang teleserye na magpapatunay kung gaano kagaling ang talento ni Krista bilang isang artista.

    Grabe ka. napanood mo ba kung paano kumanta si Krista.Kung paano sumayaw, kung paano umarte ang starlet na ito. Kung sinasabi mo na magaling siya…me sira ang ulo at utak mo. Ikaw lang ang nagsasabi na magaling siyang starlet. Me salamin ka na..di ka pa makakita ng galing sa pag arte? Kung magaling si Krista..ano ang tawag mo ke Nora Aunor? Eh sakit ng ulo ang dulot ng pag guest ni Krista s amga shows. NALUGI PA ANG WAPAKMAN dahil sa kanya! Kawawa ang producer. Siya lang ang nakinabang dahil me nahuhuthutan na siyang lalaking me asawa. Kapal ng mga Ranillong iyan.Pareho mong palamunin ng ibang tao.

  12. Very happy talaga sila Ranillo ngayon. Kasi ngayon lang magkamantika ang bibig nila..ngayong Pasko lang na kumabit siya ke Manny. Ikaw ,bullchit..pag lumabas ang katotohanan..ano sasabihin mo sa mga anak mo? Pinakakain mo sila ng kasinungalingan mo? Palamunin ka din ng Ranillo at ni Manny ngayon kasi hidni mo inilalabas ang katotohanan. Ikaw ang masipag magpasinungaling sa katotohanang naghuhumiyaw!!! Sino mas credible sa inyo ni Ricky Lo? Nabayaran ka na ba ni Mar Ranilllo sa utang niya sa iyo na hinahabol habol mo non pa.? Nagyon ka nakakita ng chance na makakolekta kaya panay ang papuri mo?Huh! Ito ang klase ng mga reporters na bayaran talaga!!! Bullchit ka talaga. Bagay ang title mo sa ngalan mo!

  13. Aling Chit magkano ang inabot ni Pacman sa yo at kuntodo Praise the Lord ka.

    Halata talaga na Bayaran ka. Pera Pera lang ang katapat. Ganyan na ba ka rumi ang journalism ngayun? Kung wala kang maiabot kaihit anu nalang paninira ang gawin.

    Pasko lang ang inaabangan mo lagi.

    Bad Ka!

  14. pansinin niyo hindi pinapakita tiyan ni krista. positive ang pregnancy test niya sa isang clinic na malapit sa makati medical center. sino ang ama? kailangan pa bang itanong yan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.