Krista Ranillo, invited sa birthday party ni Manny Pacquiao?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! NAGKA-CHIKKA-HAN ang aking parazzi girl at ang isang kilalang talent manager. Naging aktibo sa showbiz itong si talent manager noong Dekada ’80 pa, at friend ko na rin ito. Ang tagal na niya sa industriya, kaya lahat ng pasikut-sikot sa local showbiz ay alam na niya.

Pero dahil magpa-Pasko na, nag-text itong si talent manager sa aking parazzi girl at pinapadaan ito sa bahay niya para maka-chikka-han. Gusto lang maglabas ng sama ng loob itong si talent manager sa kanyang alaga, na ngayon ay tila nagbago na ang ugali nito, at medyo inilagay na raw sa ulo ang kasikatan na tinamo na niya ngayon, huh!

Chikka ni talent manager, “Naku, ‘day! Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay itong si _____. Kasi, matigas na ang ulo. Hindi na kagay ng dati na halos lahat ay sinusunod niya, lalo na pagdating sa trabaho. Pero ‘wag lang siyang mag-iinarte, ‘day, at magmamarunong dahil ipakikita ko talaga sa kanya kung sino siya noon. Nandito pa sa akin ang mga sinusuot niya nu’ng hindi pa siya nakapapasok sa showbiz!”

Kalerke, huh! Dahil walang-wala raw talaga itong alaga niya noong nakilala niya at naloka ako nang sabihin ni talent manager na, “’Etong 500, ayusin mo ‘yang katawan mo, magpagupit ka. Pagkatapos punta tayo ng mall at ibibili kita ng mga gamit mo.”

Kaya ang alaga niya ay sunod naman at tila walang kaartihan. Naloka lang daw itong si talent manager kung bakit ayaw maghubad ng damit itong alaga niya. ‘Yun pala, ayaw makita ng alaga niya na walang garter ang underwear nito. Kaloka!

“Kaya, naku, ‘day! ‘Wag lang akong pagmalakihan ng alaga kong ito at ipakikita ko sa kanya lahat kung sino siya noon,” sabi pa ni talent manager.

Nakatago pala ang mga gamit noon ni young actor sa isang safety box, ayon kay talent manager. Kalerke!

“Pero, alam mo ‘day? Ang gusto ko lang sa alaga ko ay hindi namimili ng trabaho. Pero minsan, ayaw nang sumunod. Kaya ‘yan ang problema ko.” Himutok pa ni talent manager.

Naku, ha?! Nabigyan lang ng proyekto itong si young actor, ayun, nagbago na ang ugali. Kalerke!

Pero mabait naman ito sa akin, kaya lang may attitude problem na pala itong si young actor, huh! ‘Yun na!

MAY NAKARATING NA chikka sa akin, na invited daw pala itong si Krista Ranillo sa kaarawan ni Manny Pacquiao. At ang nakakaloka, ikinuha raw ito ni Manny ng VIP room sa isang hotel doon sa General Santos City, at pati plane ticket nito na business class pa.

Si Krista rin daw ang special guest umano ni Manny sa kanyang birthday. Kaya ang naman ang lola n’yo, tawag agad sa aking parazzi girl na naka-base sa GenSan, at aabangan njiya ang hitad na si Krista kung dadalo nga ito. Pero ang alam ko, iiwas ito sa mga press na nadu’n at ano na lang ang sasabihin ni Jinkee, ‘no?! Hahaha!

Kaya abangan natin kung gaano katotooo ang chikkang ito. Kalerke, ha! Naku! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

8 thoughts on “Krista Ranillo, invited sa birthday party ni Manny Pacquiao?! – Tita Swarding

  1. Naku, magsitigil nga kayo, dapat ay una pa man ay ngumakngak na kayo nang si kriss Aquino ay pumatol ng dalawang beses sa may mga asawa, si gretchen barreto na hangang ngayon ay kabit, si ruffa guitierez na ipina aannul ang kasal kay ylmas na kasal kay richard, si zha zha na hangang ngayon ay kerida pa rin ni dolphy at kulang ang espasyo para lang to name a few. kalakaran na nila yan kaya tigilan nyo na. MOVE ON

  2. hoy kapal mong tita swarding bakla ka! totoo na invited si krista ni manny pero hindi sya pumunta noh! swerte naman ni manny kung pupunta pa si krista sa party nya eh sya yung habol ng habol kay krista! alam ko busy si krista sa trabaho. wag ka na kay manny krista!!!! deadmahin mo lang sya!

  3. yeah true tlga na invited si krista…ang kapal muks…kasama nya sa flight sina maui taylor and philip salvador mla-dvo na flyt and sabay sila papuntang gen san…VIP treatment nga sila from Pacquiao kasi may convoy sila papuntang gen san…

  4. Subukan lang nyang pumunta sa GenSan at baka hindi na siya makauwi ng buhay!!! Kahit me bodyguards pa siyang marami ..walang kawala iyan sa amin. Dila lang niya ang walang latay niyan pag nagkataon.

  5. kapal nmn nia pag pumunta pa xia at epal din nmn 2ng c many kunin pa xia special guest npaka insensitive huh … sana hwag nlng respeto nmn ky jinkee

Leave a Reply

Your email address will not be published.