Krista Ranillo, buntis?! *new*

OLA CHIKKA! MATAPOS manalo sa halalang naganap noong Mayo, ngayong araw na nga nakatakda ang inagurasyon ng 15th President ng Pilipinas na si Benigno Aquino III kasabay rin ng panunumpa ni Jejomar Binay bilang vice-president sa Quirino Grandstand, Manila. Kaya napakahalaga ng araw na ito para sa lahat ng Pilipino.

Ngunit bakit nahahaluan ng iba’t ibang intriga ang makasaysayang kaganapan na ito? Na hindi naman dapat pagsamahin ang mundo ng showbiz sa pulitika. Hindi dahil sa kapatid ni Noynoy itong si Kris Aquino, sa lahat na lang ng oras ay idudugtong ang mga pangalan nila sa isa’t isa.

Tulad na nga lang ng hiwalayang James Yap at Kris na pinagpiyestahan ng mga tao at ginamit upang siraan agad si Noynoy. Ano ba madlang pipol?! Hindi naman kasali si Noynoy sa relasyon nila, hindi siya asawa, hindi siya kabit at kahit paring nagkasal sa kanila ay labas din siya. Kaya hindi naman tama na lahat ng bagay tungkol kay Kris ay ikabit kay Noynoy.

Si Kris ay kilala na sa mundo ng showbiz lalo na pagdating sa mga talk show dahil sa kanyang talino at pagiging taklesa. Marahil ang kanyang strong personality ang nagdala sa kanya sa kasikatan at marahil ang dahilan din kaya walang lalaki ang tumatagal sa kanya dahil nalalamangan niya ang mga ito at hindi kinakaya ang personalidad niya, at lalung-lalo na ang nakikita ng mga tao na isang perpektong Kris, kaya bawat kilos na lang niya ay napapansin at headline na agad sa lahat ng mga tabloid.

Ordinaryong tao lang din siya na gusto ng katahimikan at naramdaman ko ‘yun nang mapanood ko siya sa The Buzz noong Linggo. Sa hiwalayan nilang mag-asawa, lahat ng tao ay nakaabang upang ilantad niya ang dahilan ngunit bilang ina ay ninais niyang manahimik sa kapakanan ng kanilang anak na si Baby James.
Hmmm… sige tingnan natin kung hanggang kailan mo kayang manahimik. Sa estado ng buhay mo ngayon, gustuhin mo man ng tahimik na buhay, mukhang imposible ‘yan dahil maraming tao ang nakaabang sa kilos mo at nais kang sirain.
Paaak!!

HINDI KO NAMAN maintindihan kung bakit out of nowhere ay lumantad na naman sa publiko itong si Krista Ranillo at nag-public apology pa.

Taray, huh! Ano ka, mala- Kris Aquino?! Ni hindi na nga siya pinag-uusapan at biglang gagawa ng eksena sa Tate upang mag-sorry sa mga taong nasaktan daw niya dahil gusto na niyang manahimik.

Kung alam mo sa sarili mong wala kang ginawang masama ay bakit kailangan mong mag-sorry? Siguro ay hindi ka pinatutulog ng kunsensiya mo, ‘noh?

Oh, sige pagbigyan na! Natapos na ang paghingi mo ng tawad kaya manahimik ka na dyan sa Tate at mag-concentrate sa business at bagong lovelife mo. Kasi mukhang hiyang ka naman dahil sa laki ng itinaba mo d’yan, na ang una kong naging reaksiyon nang napanood kita ay napatanong pa ako kung buntis ka ba? O humahabol ka lang para mapasama sa listahan ng mga Dabiana rito sa ‘Pinas? Ha-ha!

Peace! May you live happily ever after… parang fairytale!

Para pa rin po sa mga guesting, shows, advertisement of products, services and everything, maaari po namin kayong matulungan diyan. Just call our OLA CHIKKA PRODUCTIONS’ office at 417-6181 or text 09274284216 para sa inyong mga katanungan.

At patuloy pa rin po akong subaybayang sa aking programa sa DZRH TV tuwing Linggo from 2:30-3:30 P.M. at DWSS 1494 kHz tuwing Sabado at Linggo 10:30-11:30 am. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “Krista Ranillo, buntis?! *new*

  1. Pasingit po… Ref. Vice Ganda :
    On 1 Jul 2010 sa Showtime, masyadong unfair ginawa ni Vice Ganda sa Davao Crew, imagine he gave undserving 06, other judges 10’s, one is 9, all with excellent remarks. Obvious na magaling Davao crew. Nashock talaga lahat. taga Davao pa naman na ang layo trip. Yong taga Iloilo Crew pinanalo niya, puro kasi bakla at Vegas dances kuno, mababa scoring binigay ng other judges, kay vice perfect 10 score. Binaboy talaga ni vice taga Davao on that day. Everybody upset to the max. Wake up ABS CBN management, isa pang papunta sa ugali ni Willie Revillame, na masyadong mayabang, ipokreta, walang modo. Galit ata siya sa taga Davao, namemersonal. The lowest score so far sa Showtime, 05…and you know..taga Davao Oriental crew, 15 June 2010 ata yon. Lumalabas tunay na ugali ni Bisyo.

  2. Tita swardinglicious baket si krista ,mariel at toni iisa hilatsa ng face mga mukhang labanderas.Si ara at ruffamae,mga mukhang laos na hookers.si ruffa,gretta,regine at pops at madame auring mga retokadang taga ibang planeta ,si belo si cristy fermin at lolit solis mga mukhang nagkita kita sa manila zoo. si swardinglecoius,pete ampoloquo,morly at tayong mga bading mga mukha tayo fairies ng kagandahan

  3. Parang nag-iiba ang ihip ng hangin kay tita swarding, uuy….love love love na niya si krissy. Panay ang tanggol…

  4. Alam mo Swarding, may kasabihan tayo na…”sa’yo mangagaling ang iyong ikagagaling at sa iyo rin mangamumula ang iyong ikasasama” yan ang ginagawa ng idol mong si Kris Aquino… Kaya wag ka ng magtaka kung ano anong lumalabas na balita tungkol sa kanya! Ipinagtatanggol mo pa e sa kanya rin naman nagmumula lahat ng ikinasasama nya! OK?

  5. Tita Swarding, kahapon pa po nanumpa si P-NOY. (June 30).

    O baka yun article mo eh pang June 30 release. July 1 na po. hehehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.