Krista Ranillo, buntis kaya tumaba?!

BAGO UMALIS NG bansa si Derek Ramsay, nilinaw niya sa amin ang maraming intrigang kanyang iiwan. “’Yung tungkol sa sinampal ko raw at nag-away kami ni Angel (Angelica Panganiban) sa isang bar sa Makati? No, hindi totoo iyon.”

Napabalita kasi na nag-away raw sina Derek at Angel sa isang bar sa Makati, kung saan nauwi sa physical na alitan. “Never kong sinaktan si Angel. Never kong gagawin iyon sa kanya.” Dahil kapag nagagalit daw ang aktor, iniiwan niya ang aktres at sa pagbabalik niya ay okey na siya. “Kami ni Angel, walang problema. Kaya nga magkasama kami ngayon dito sa airport going to abroad.

Isa pa rin sa nilinaw ni Derek ay ang balitang kasal na sila ni Angel. “Bakit ko naman ipaglilihim iyon kung totoo, ‘di ba? Wala naman sigurong masama dahil giflfriend ko siya. No hindi pa kami kasal at kung sakaling gawin namin iyon, never namin iyong ililihim sa public.”

Inamin ni Derek na kung minsan ay napag-uusapan nila ni Angel ang kasal pero hindi pa raw sila ganu’n kaseryoso para lumagay sa tahimik. “Kuntento at masaya kami ni Angel sa ganito, kaya hindi pa namin siniseryoso ang kasal.”

Samantala nilinaw rin ni Derek ang balitang kumakalat na meron na siyang unang babaeng pinakasalan. “Sige, du’n sa mga nang-iintriga sa akin, ipakita nila sa akin ang proof na kasal na nga ako. Wala silang maipapakita dahil never ko pang naranasan ang magpakasal.”

Aalis daw si Derek nang bansa nang malinis ang kunsensiya at walang katotohanan ang mga negatibong balitang naglalabasan. “Kami ni Angel, masaya at one month kaming mawawala,” pagwawakas ng aktor.

TAMA ANG NAGING desisyon ni Rachelle Ann Go sa pag-alis niya sa Dos dahil dati-rati ay hindi siya napapansin dahil kay Sarah Geronimo. “Well, natutuwa akong nalulungkot. Malungkot, kasi ang dami-daming negative issue na naglalabasan na kesyo primadonna na ako, malaki na ang aking ulo which is hindi naman totoo. Masaya naman ako dahil kahit paano ay napapansin na ako ng mga tao,” tuluy-tuloy na pahayag ni Rachelle na nagsabi pa ring wala siyang nararamdamang pagsisisi sa ginawa niyang paglipat dahil sa Party Pilipinas ay marami siyang nagagawa na hindi niya nagagawa noong siya ay nasa Channel 2 pa.

Sa kabilang banda, mas marami ang nagsasabing ‘di hamak palang mas magaling kumanta si Rachelle kumpara kay Sarah dahil mas maganda at solido ang boses nito.

MATABA NGAYON SI Krista Ranillo at ito ang dahilan kung bakit may mga lumabas na balitang buntis ang aktres. Marami ang nakapuna na mas bagay pala sa dalaga ang mag-gain ng weight kumpara sa parang tingting siya noon.

Pero sa kabila ng ginawang pagtanggi ni Krista sa mga akusasyon, nanatiling malaking tandang pananong sa lahat ang kalagayan ng aktres.Hindi raw kaya palabas lang ni Krista na may bago na siyang lovelife para tuluyang mamatay na ang isyu sa kanila ni Manny Pacquiao?

Well, kung totoong matagal nang walang communication sina Krista at Manny, tiyak na ikatutuwa ito ni Jinkee. Pero huwag magpapakasiguro si Jinkee, dahil who knows, matinik si Manny, ‘di ba?

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleAngelika dela Cruz, ‘di makapaniwala sa maagang pagkamatay ng kapatid!
Next articleRuffa Gutierrez, ‘di gustong magkaroon ng kahati!

No posts to display