Krista Ranillo, bigay na bigay sa sex scene!

KASAMA NI ALLEN Dizon si Krista Ranillo sa latest movie niyang Marino. Role bilang kerida ang papel ng dalaga rito.  Asawa naman ni Allen si Ara Mina, ex-girlfriend naman niya ang role ni Bangs Garcia.

Siyempre pa, hindi maiwasang matanong din si Allen sa matagal nang pinag-uusapang isyu tungkol kina Krista at Manny Pacquiao na ngayon ay napapabalitang magkasama na naman diumano sa Amerika.

“Mahirap kasing magsalita,” reaksiyon ni Allen. “Sa akin kasi, wala namang pruweba. Hindi ko nakita. And hindi rin naman kami naging close kahit magkakilala kami at twice nang nagkasama sa pelikula. Ang masasabi ko lang about her, pagdating sa trabaho, professional at wala siyang arte sa katawan.”

May mainit na eksenang ginawa sina Allen at Krista. Hindi lang daw basta love scene kundi sex scene talaga. Naka-panty at topless si Krista na very aggressive at bigay na bigay habang nakikipagromansa sa aktor.

Kahit eksena lang sa pelikula, na-turn on nga ba itong si Allen sa nakapagpapainit ng kalamnang eksena nilang iyon ni Krista Ranillo?

“Medyo. Kahit sanay na ako sa gano’ng eksena, medyo na-turn on nga ako,” aniya. “Ang instruction kasi ng director, dahil other woman ang role niya, kailangan aggressive talaga siya. At nagawa naman niya. Feeling ko, parang totoo na aggressive siya kaya medyo natangay ako.

“But siyempre, as an actor, kailangan kontrolin mo rin ang sarili mo. Hindi maganda na dahil gano’n ang eksena, sasamantalahin mo na, o magti-take advantage ka. Siyempre kapag gano’n, the more that you have to be professional dahil trabaho lang iyon.

“Pero hindi ko talaga malilimutan ang eksena naming iyon. Talagang mabubuhay at iinit ang dugo mo,” sabi pa ni Allen.

Ganyan?

Tuloy ay naalala na naman namin – is it really true that Krista drives Pacman crazy? Ayaw ni Jinkee!

GAANO KAYA KATOTOONG niri-request na nitong si Coco Martin na patayin na lang ang character niya sa Kung Tayo’y Magkakalayo? Napupuno na raw kasi diumano ang aktor sa lagi na lang daw pamimintas at panlalait ni Kris Aquino sa mga damit na isinusuot niya for the said teleserye?

Ewan lang kung totoo talaga pero usap-usapan ng mga taga-production ang diumano’y pagsama ng loob ni Coco dahil nga raw sa diumano’y lagi siyang pinupuna ni Kris na ang babaduy ng mga isinusuot niya sa taping nila for the said series. Sobrang nao-offend na raw ang aktor dahil dito kaya hinihiling na tsugiin na lang ang character niya sa nasabing programa.

Hindi pa namin mahagilap si Coco para kunin ang kanyang panig sa intrigang ito. Si Kris naman, hindi kami nakabuwelo nang pumasyal kami sa The Buzz last Sunday. Sinabihan kasi kami ng iba naming kasamahan sa panulat na huwag na huwag magtatanong ng gano’n ka-nega kay Kris at baka ma-bad trip ito at masira ang magandang mood.

So, hindi na namin siya in-approach. But in fairness to Kris, there was a time na madalas namin siyang nai-interview at sa pagkakaalam namin, wala naman sa tipo niya ang pagiging laitera.

Kahit pa sinasabing may pagka-luka-luka ito at taklesa, pero may side si Kris na mapagpakumbaba rin naman, pusong mamon, at saka generous. We still remember the time, bago pa lang si Kris sa showbiz, ang bait niya sa amin kapag binibisita namin sa shooting noon ng Vizconde Massacre. There was a time pa nga na disoras ng gabi at pauwi na kami, nag-offer pa siya na makisabay kami sa kanyang Toyota Previa.

So, paanong magiging maldita siya at laitera ngayon sa kanyang co-stars knowing the fact na she has matured a lot na nga now that she’s already a wife and a mom? Just asking!

Rubbing Elbows

by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Krista Ranillo, bigay na bigay sa sex scene!

  1. lol.no wonder kaya bigay na bigay c krista pokpok dahil ilang lalake nb ang nakatikim jan bsta may pera BUKAKA ang hitad,,,,

  2. Mukhang sanay naman yan Krista na yan sa mga ganyang eksena. True to life kasi sa kanya gumanap bilang kabit, eh 2 beses na nya naranasan yan sa buhay nya d b? At patuloy pa rin hanggang ngayon kung paniniwalaan ang mga lumalabas na balita na nagkikita sila ni Pacman sa L.A. habang wala pa si jinkee. Sana wag ma-karma ang babaeng ito kapag siya naman ang nag-asawa na.

    • Meron pa kayang matinong lalaking magpapakasal diyan sa gamit na gamit na?

      Unless siguro na ibubugaw siya para magtrabaho. Pagkakakitaang asawa..puede siguro.

      Eh malamang, maging kawawa at katawa tawa ang lalaking magpapakasal diyan ke Krista.

  3. Eh sino naman ba ang hindi mabuburyong ke Krista eh sanay na sanay na iyan. Pokpok naman talaga iyan noon pa!!!

    Sanay na iyan kasi bata pa ay gamit na gamit na kaya after kulang kulang na 15 years..hustler na!! Ilan taon na ba siyang papalit palit ng lalaki puera sa bf..mga customers pa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.