Parazzi Chikka: Krista Ranillo, bagong calendar girl ng Ginebra!

Confirmed na nga na si Krista Ranillo ang bagong calendar girl ng Ginebra San Miguel para sa 2010. Siya bale ang pumalit kay Marian Rivera. Nauna na rin naging calendar girls sina Angelica Panganiban at Iwa Moto.

Kung tutuusin, mabigat na responsibilidad ang pagiging calendar girl ng nasabing produkto. Lahat kasi ng nagpose ng seksi para rito ay mga pawing may pinatunayan na pagdating sa kanilang showbiz career. Kunsabagay, sex columnist nga naman si Krista ng Maxim kaya may ‘K’ rin itong makipagtalbugan sa mga sexy stars ngayon.

Pero ano itong chikka ng isang miron na Manny Pacquiao raw diumano ang naglakad ng nasabing proyekto sa Ginebra? Alam natin lahat na si Manny Pacquiao ang biggest endorser ng Ginebra at mainit na pinag-uusapan ang diumano’y ‘love affair’ nila ni Krista na sanhi ng pag-iyak ni Jinkee sa Thankgiving Mass ng asawa. Ano nga ba ang totoo?

Photos By Fernan Sucalit

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Parazzi Chikka: Krista Ranillo, bagong calendar girl ng Ginebra!

  1. she’s pretty without make up! no wonder nagustuhan sya ni pacman but still kung true man ang news sa kanila! still wrong sa mata ng God at tao!

Leave a Reply

Your email address will not be published.